BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BAHAY NI RAID: SHABU, BARIL, BALA AT GRANADA NAKUMPISKA


NAIC, Cavite––Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Naic Municipal Police Station sa isang  bahay sa BLISS Brgy Labac, Naic Cavite, nitong Nobyembre 26, bandang ala 1:45 ng hapon.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant na may mga numerong 208,209,210 na  inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Leroi C Castigador RTC Branch 15 Naic Cavite  na may petsang Nobyembre 19,2013.

Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Hermogenes Duque Cabe OIC, pinamununan ni P/Insp. Rodel Sarmiento Salvador, PO3 Richard Atienza, PO3 Edwin Tabucol, PO3 Climacosa, PO2 Joel De Castro,  PO2 Sonny Boy Monzon, PO1 Mariano, PO1 Eroles at  PO1 Senorin,  ang pagsalakay sa bahay ng isang Jayson Alaman, na nagbunga ng pagkakumpiska ng 10 small heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalias, isang hi cap caliver 45 pistol na may serial number 909714, isang magazine para sa 45  caliver pistol (armscor), 21 live ammunitions para sa kalibre 45, isang hand grenade, isang kapsula na hindi batid ang nilalaman.

Isinagawa  ang search warrant operation na sinaksihan ni Rossel Calderon Media representative buhat sa
Abante, at Brgy Councilor Florente Abad.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section  11,  ng RA9165, PD 1866 na naamyendahan ng RA 8294 at RA 9516 ang suspek na si Alaman na nagawang makatakas bago pa  isagawa ang operasyon ng mga otoridad.  (REY MORALES)

VOL. 11      BLG. 20      DISYEMBRE 1-7, 2013

No comments:

Post a Comment