BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Salamat po, Don Ramon … BACOOR CITY HOSPITAL, HANDOG SA MAHIHIRAP


Nina Becka Velasquez & Eli Taparan II

HINDI na kailangang magpunta pa sa mga pribadong ospital o mga ospital sa Metro Manila ang  mahihirap na residente na nangangailangan ng serbisyong medikal. 

Mangyayari ito sa oras na pormal na mabuksan ang operasyon ng bagong City of Bacoor Disrict  Hospital na pinasinayan noong nakaraang taon ang tatlong gusali nito. 

“Ang bagong district hospital po ng ating lungsod ay inihahandog po ng city government sa lahat ng  mamamayan ng Bacoor, at maging ng taga-ibang lungsod at bayan dito po sa Cavite,” sabi ni  Mayor Strike Revilla sa panayam ng pahayagang ito matapos ang pasinaya noon Dis. 21, 2012.

Sa kanyang maikling mensahe,  malugod na pinasalamatan ni Mayor Revilla ang kanyang ama – si Don Ramon B. Revilla Sr. – na idinonasyon ang kalahating ektaryang lupa sa ReyVille Subd., Brgy.   Habay 2 na kinatitirikan ng bagong gusali ng modernong ospital ng siyudad. 

Ayon sa alkalde, ang donasyon ay handog ng ama na dating senador, bilang pamana sa bayan at  lalawigan na nagkaloob ng maraming biyaya at pagpapala sa pamilya Revilla. 

Pinasalaamtan din ni Mayor Revilla ang malaking tulong ng  Department of Health, si Gov. JonVic  Remulla at Kongresista Lani MercadoRevilla sa paglalaan ng pondo para maitayo ang gusali at  pangakong financial subsidy kapag nabuksan na sa publiko ang ospital. 

Ang pasinaya ay binasbasan ni Fr. Jose Demoy. Ang district hospital ay unang-unang naitayo sa  Cavite mula nang hatiin ang lalawigan sa pitong distritong politika. 

Binubuo ng ospital ay binubuo ng tatlong gusali na handang tumanggap ng 100 pasyente, at  kasalukuyang inihahanda na ang kakailanganing mga gamit-medikal, mahahalagang pasilidad at iba  pang gamit.

Mangangasiwa sa ospital bilang administradora si  Dr. Joy Caballes, katuwang ang  Bacoor City Health office, at mayroon na itong 10 kama, may kasunod pang 25 kama para sa pasyente, at  inaasahang makukumpleto ang 100 kapasidad na kama sa mga susunod na buwan, ayon kay Mayor  Strike. 


Magkakaloob ng tulong pinansiyal ang DoH, ang pamahalaang panlalawigan para sa sahod ng mga  doktor at kawani ng ospital, at may pondong mula sa congressional development fund (CDF) ni  Cong. Mercado-Revilla para sa iba pang gastusin ng opsital ng Bacoor.

Bahagi rin ng pondo nito ay magmumula sa DOH, pondong alokasyon mula sa tanggapan ni Rep. lani mercado at subsidiya mula sa pamahalaang lungsod. 

Sa kanyang mensahe, nangako si Gov. Remulla ng patuloy na suporta sa prograang pangkalusugan sa lahat ng mamamayang Caviteno.

Dumalo rin sa pasinaya si Health Undersecretary Teodoro J. Herbosa bilang kinatawan ni Health Sec. Enrique T. Ona; mga opisyal ng Cavite  Provincial Health Office sa pangunguna ni  Dr.  George Repique, Bokal Jolo Revilla III, City Health Officer Dr. Reynaldo San Luis III, Ms.Rowena  Bautista-Mendiola, mga konsehal ng City Council, mga kinatawan ng ibat ibang organisasyon, mga  kapitan ng barangay, mga kawani at mga mamamayan ng Bacoor.
page 06 - 

"Salamat po, Don Ramon … BACOOR CITY HOSPITAL, HANDOG SA MAHIHIRAP│ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment