BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PUTAHENG PANGASIUS: MASARAP!


MATAGUMPAY ang presentasyon kung paano ang pagluluto sa isdang Pangasius na idinaos  kamakailan sa Republic of Cavite Restaurant sa Trece Martires City. 

Layunin ng “patikim” ng iba-ibang putahe sa restoran na maengganyo ang maraming mahilig  kumain ng isda na subukan ang Pangasius na pamalit sa mga isdang madalas ay inihahaing ulam  ng pamilyang Caviteno.

Pinuri ng mga nakatikim sa masasarap na putahe si Chef Renato Onabia ng Republic of Cavite  Restaurant ang apat na putaheng niluto niya tulad ng:
• fish roll in honey mustard, 
• nilasing na  Pangasius, 
• Pangasius au gratin, at Pangasius salad with banana.

Nais na pasiglahin ng Department of Trade and Industry sa Cavite ang kampanya para tangkilikin  ang Pangasius bilang ulam at putahe, at sa tulong naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic  Recources ng Department of Agriculture, pararamihin ang pag-aalaga at pagpaparami ng isdang ito sa mga palaisdaan sa lalawigan. 

Bukod sa maraming forum at sanayan sa pagluluto at pag-aalaga ng Pangasius, nabatid na mayroon nang isang paitlugan (hathcedry) ng isdang ito sa Cavite. 

Nabatid pa na may 16 tao ang nag-aalaga at nagpaparami ng Pangasius at inaasahang dadami ang tatangkilik sa isdang ito na pamalit putahe sa mga kainan at handaan. 
page 9 -  
"PUTAHENG PANGASIUS: MASARAP! by: Franz Orlain, PIA-Cavite │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment