BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Pagiging sensitibo sa Sports, papaanong makakatulong?


UNA sa lahat, ang aba ninyong lingkod ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik at patuloy na  tumatangkilik sa pahayagang ito, Cavite Expose, mula pa noong 2009 nang ako ay magsimulang magsulat  dito mismo sa pahayagang ito. Higit sa lahat, ang pamunuan ng Cavite Expose sa pangunguna ni Kuya Rey  Morales, ang ating publisher na si Doy Nava, ang lahat ng staff, maraming maraming salamat po sa  pagsuporta sa hangaring mabigyan ng ibang angulo patungkol sa sports. 

At sa patuloy na nagbibigay ng kritiko at komento sa mga nakalipas na panahon, marami pong salamat sa  inyong payak at hindi matatawarang ideya para patuloy po naming mapabuti ang pahayagang ito, na siyang  nagpapasulong sa mga bagay na nararapat na pasulungin. Marami pong salamat. 


***
Maituturing ka bang isang taong sensitibo?
Saang aspeto ba tayo masasabing sensitibo?
Kung sa ating pangangatawan ang paguusapan, alin kaya sa limang ‘senses’ ang pinaka “sensitive” sa atin? 

Bigyang pansin natin ang isang bulag. Ang bulag ay walang kakayahang makakita, pero hindi dahilan ito para  sabihing wala na syang silbi at mapipigilan na siyang magpatuloy sa buhay. 

Siyempre hindi, ipagpapatuloy niya ang buhay kahit wala siyang nakikita. Wala man ang kanyang mga mata,  subalit napagtutuonan niya ng pansin ang iba pang pamamaraan para siya ay makakilos ng hindi  kinakailangan ng mata. Tulad halimbawa ang pagiging sensitibo niya sa pandinig, na kung mayroong  dumarating o nagsasalita, matamang nakatuon ng buong buo ang kanyang pagiisip sa kung saan ito nanggagal  ing at ang bawat salita o pamamaraan kung papaano ito naibubulalas ng isang tao. Higit pa riyan, naitatala  niya ito ng mas matagal sa kanyang isipan kumpara sa ibang ordinaryong tao. At kung kakayanin ay maaari  pa nitong gayahin ang gayung gayong pagkakabanggit, pati na ang tono nito.

Minsan, napadaan ako dito sa MRT-LRT sa may bandang EDSA sa Pasay City, nakarinig ako ng isang tinig  na tila huni ng isang ibong umaawit, na para bang tinig ni Regine Velasquez! Malayo pa lang ito ay kapansin pansin na ang kanyang tinig. Nuong napatapat na ako sa kanya, napansin ko na isang babaeng bulag ang  umaawit, habang hinahawakan ng isang bata ang mikropono, at isang tabo na kinalalagyan ng kaunting barya. 

Tunay na nakakaaliw ang kanyang boses sa pag awit yun nga lang mayroon itong kakulangan sa paningin. Paano naman natin magagamit ang pagiging sensitibo sa larangan ng sports? At ano naman ang matututuhan  natin sa nabanggit na bulag? Buweno, sa larangan ng sports, isang matinding konsentrasyon ang kinakailangan. Gamit ang iisang pandama (mata, tenga, ilong, panlasa, pakiramdam) para hindi ito  makapagpagulo sa gagawing pagkilos. Halimbawa, kung ang sports mo ay ang pagpapana (archer), dapat  lamang na buong buo ang pagiging sensitibo mo sa iyong mga mata. Pipilitin mong isang tabi ang ilang  pandama, at ibubuhos ng lahat para lamang sa iyong mata, at dahilan din ito para hindi magkaroon ng  kakaibang kaguluhan sa isip at maiba ang diskarteng gagawin sa oras ng pagpana. 

Tulad ng isang bulag, hindi siya nagbibigay pansin sa kanyang nakikita sa halip kung ano ang kanyang  natutuhan noong naririnig nito ang orihinal na tono ng awit, na siya namang kanyang ginagaya. Kung maganda  ang pinanggalingan, natural lamang siyempre na magagaya nito ang magandang pagkakaawit ng awitin.  Buong buo ang magagamit ng isang manlalaro ang kanyang sangkap para ituon sa iisang bagay at hahayan muna nitong isantabi ang ilang pandama para doon lamang nakasentro ang kanyang gawain.

Marahil masasabi mong marami ang nagkakaroon ng iisang kaisipan kapag ginagamit nila ang kanilang  abilidad, tulad sa pagkanta gamit ang kanilang tenga sa pandinig, ang paguhit na gamit ang kanilang kamay at  sensitibong mga mata, ang mga taga-luto gamit ang kanilang ilong at dila para makapagluto ng mga  kakaibang pagkain at katanggap tanggap sa marami. 

Sa lahat ng pagkakataon, ang kahinaan o kawalan ng isang sangkap ay hindi hadlang sa anu mang bagay  para mapasulong ang kaniyang kalagayan. Hindi ibig sabihin na ikay ay pilay, hindi ka na pupwedeng makilahok sa sports, bakit hindi laruin ang Chess? Na kung saan hindi kailangan ng mga paa para maging  isang atleta nito. 

Huwag sanang mawalan ng kawalan ng pagtitiwala sa sariling kakayahan, hindi ito hadlang sa hinaharap ng  isang tao, bagkus, marami sa mga may kakulangan ay maituturing pa ngang kilala at tagumpay sa larangan ng  sports. At sana, maging inspirayon sila para sa mga may kakulangan, dahil ginamit nila kung ano ang meron  sila at ginawa itong sensitibo sa paraan na binubuhos ang lahat para maging ganap na kapaki-pakinabang sa  kanyang hinaharap. 

Hanggang sa muli!
***
Greetings to Mr. Alex of DSWD of Cavite City!
Sana po ay makita nila ang inyong kalagayan,
na hindi ininda ang kapansanan at ginamit ang pagiging sensitibo bilang mababa ang loob para sa ating mga  kababayan, at isa lamang kayo sa mga patotoo ng kolumn na ito.


page 10 -  
"Pagiging sensitibo sa Sports, papaanong makakatulong? by: EMAN CAYABYAB │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  




No comments:

Post a Comment