BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MGA UNANG BIKTIMA NG KARAHASAN SA 2013

MAGANDANG araw sa inyo. Gumimbal na naman sa ating bansa ang sinapit ng ating mga  kababayan sa Kawit, Cavite. Sa isang iglap o ilang minuto ay 7 ang patay kasama ang bata at isang  buntis at 6 na sugatan sa tama ng isang cal .45 na baril ng isang lalaking walang-awa na nag-amok  na ginaya yata ang mga palbas sa TV o sa sine. May assistant pa na tao na tagalagay na bala. 

Grabe talaga systematic ang ginawang pamamaril at pagpatay, iba talaga ang mga Caviteño.  Kawawa ang mga nabiktima nito. Dapat magkaroon ng mga paghahanda ang bayan ng Kawit sa  ganitong uri ng pangyayari 2 beses na itong nagaganap sa bayan ng Kawit, desperadong negosyante,  ngayon naman mas grabe pa ang nangyari sa ‘di kalayuang baryo na halos magkatabing barangay sa  bayan ng Kawit, Cavite. 

WALANG PUSONG NILALANG SANA MAKARMA KA
KUNG SINO KA MAN
Talagang tarantado at hunghang ang taong responsable sa pagpapaputok ng baril sa Caloocan City na ikinamatay ng tinamaan ng bala si Nicole Ella, na isang pre-schooler.

Sayang at matalino pa naman itong si Nicole na halos nagkamit na ng 12 medalya sa kanilang  school na tinapos lang ang buhay sa murang edad, gawa lang ng ligaw na bala noong nagpapalit ang  taon. Itong si Mr. Agus ay dapat patawan din ng mga kaso, sapagkat umamin na nagpapaputok sila  ng baril noong New year 2013 malapit sa bahay ng mga pamilyang Ella sa Caloocan City. 

Na halos pinagbabawal ng gobyerno ang nasabing pagpapaputok ng baril eh isa ka pa rin tarantado. Ayon sa statistic ng halos 22 tao ang tinamaan ng ligaw na bala sa buong bansa sa nakaraang  pagpapalitan ng taon. Grabe talaga, dapat maghigpit na rin ang gobyerno sa pagbibigay ng permit to  carry o pagbebenta ng baril. Sapagkat halos paulit-ulit ang pangyayaring ito, taon-taon. Ang  nangyayari everybody ay puwedeng magkaroon ng baril na lisensiyado basta may pera na pambayad, hindi na nasusunod ang regulasyon sa mga aplikante ng lisensiya ng baril. 

Dahil ginagawa na ding hanapbuhay ng mga gun store o ilang PNP official ang tungkol sa lisensiya  ng baril na hindi na nila inisipna responsable ba ito o masamang tao ito. 

Wala ng tamang papeles, katulad ng DI Clearance, drug test o Neuro test. Basta may pera, okey na  maski walang kasamang NBI clearance. Litrato lang o isang valid ID na xerox okey na basta sobra- sobra ang bayad. 

AYAN NGA ANG MANGYAYARI, PATAYAN DITO AT HOLDAPAN DITO, PAPUTOK NG BARIL PAG NAG-IINUMAN,
hehehe... “May license naman ang baril.”

page 7 -  
"MGA UNANG BIKTIMA NG KARAHASAN SA 2013 by: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment