BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MGA KAGANAPANG DAPAT NA MATUTUNAN NGAYONG 2013

page 4. Editoryal Vol. 10 Blg. 28 ENERO 13-19, 2013


Umabot sa 697 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon  base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Sa ulat ni Health Secretary Enrique Ona, ang bilang ng mga naging biktima  mula noong Disyembre  21 hanggang Enero 2, 2013,  404 dito ang naputukan,na ang karamihan ay nasa edad na 10 taong  gulang at mga lasing.Sinasabing tumaas  sa 40 ka-tao ang biktima ng ligaw na bala sa iba’t ibang  bahagi ng bansa kaugnay sa pagsalubong ng Bagong Taon. kabilang sa mga biktima ang 7-anyos na  si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang bahagi ng kaniyang utak habang  nanonood ng fireworks sa Caloocan City. Alas-2:26 ng hapon Enero 2 ay binawian na ng buhay ang  bata matapos ang dalawang araw na pagka-comatose sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.Una rito, nasawi ang 4-anyos na batang lala-king si Ranjelo Nimer, ng Brgy. Addition Hills,  Mandaluyong City matapos ding tamaan ng ligaw na bala noong bisperas ng Bagong Taon.Namatay  din  nitong Enero 21 ng umaga ang 28-anyos na misis na tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan  ng pagsalubong sa Bagong Taon sa bayan ng Kalibo, Aklan.


Ang biktima ay kinilalang si Mayette Tulio, meat vendor na  nagtamo ng malalim na tama ng ligaw  na bala sa kaniyang dibdib. Sinasabing papasok na sana sa kaniyang kuwarto ang biktima upang  matulog matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon dakong alas-2 ng madaling-araw noong Enero 1  nang tamaan ng ligaw na bala.Iniulat naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  na   215 katao  ang naaresto ng mga operatiba  matapos na mahulihan ng illegal na paputok sa serye ng  operas-yon sa Metro Manila..Iniulat at ipinahayag ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina   na 9 katao rin ang nasakote sa indiscriminate firing kasunod ng pagkakasamsam ng anim na baril at  tatlong basyo ng bala na ebidensya laban sa mga pasaway na indibidwal. Labindalawang insi-dente  rin  ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Pro-tection sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Metro  Manila.Sa ulat Bureau of Fire Protection (BFP) -National Capital Region, simula noong Dec 31,  2012 hanggang Enero 1, 2013,  umabot sa P4 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.Pito (7) sa  mga naganap na sunog ay pawang mga kabahayan  sa Quezon City,(3) partikular sa  Commonwealth na pinaniniwalaang nag-ugat sa sky lantern na lumamon ng may 15 bahay, isa sa Tondo, Manila at isa sa Marikina CIty.Sa kabuuan sinasabing bago matapos ang taong 2012  umaabot sa P11.9 milyong halaga ng ipinagbabawal na fire-crackers at pyrotechnics ang nasamsam  ng mga operatiba ng pulisya sa serye ng crackdown sa buong bansa.


Ang malaking halaga ng nakum-piskang mga bawal na paputok ay simula nang ilunsad ng bagong   PNP Chief Director General Alan Purisima ang ma-lawakang crackdown kontra sa mga illegal na  paputok upang mabawasan ang mga biktima nito.Sa mga kaganapang nangyari bago matapos at   pumasok ang panibagong taon  nawa'y matuto at magkaroon ng kadalaan at harinawang maiwasan  ang pag gamit ng malalakas na uri ng paputok at ang pag gamit ng pagpapaputok ng  baril hindi  natin alam kung saan at sino ang magiging biktima nito.harinawang ito ay maiwasan na ng dahil sa  kapalaluan ay umutang ng buhay...


No comments:

Post a Comment