BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Maraming salamat! Negros Press Club


BAGO ako magsimula, nais kong magpasalamat una sa Poong Maykapal na andito pa rin tayo at patuloy na  nakikibaka sa buhay. Nawa’y isang masaganang taon at payapa ang taong 2013. Itong January 15, limang  taon na akong nagsusulat sa Operation Expose at ganito na rin katagal ang pamamalagi ko dito sa Cavite.

Malayo na rin ang aking narating, mula sa City of Smile Bacolod City dito ako napadpad sa lugar ng mga  bayani, ang lalawigan ng Cavite.  Nagkaroon ako ng maraming kaibigan dito. 

Maraming pamilya na maituturing na kong aking isa-isahin ay kukulangin ang aking espasyo. Nais kong  pasalamatan ang Negros Press Club, kong hindi ako naging scholar ng NPC marahil ay wala ako ngayon  dito sa Cavite. Maraming tao na ang aking nakasalamuha, mga politiko, artista, mga lider ng iba’t-ibang  grupo at marami pang iba. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lumingon sa aking  pinanggalingan. Sabi nga, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa  paroroonan.”

Isa ako sa mga napagtapos ng Negros Press Club sa kursong Mass Communication sa University of Negros  Occidental taong 1993. Si Daddy Monette Padilla noon ang siyang nangangasiwa ng scholarhip program ng  NPC na naging presidente din ng samahan. Nitong umuwi ako ng Bacolod City, sinadya kong bumisita sa  opisina ng NPC at napag-alaman ko na ang presidente ngayon ay si Arman P. Toga, Editor ng Negros Daily   Bulletin. Very accommodating si Sir Arman at masaya ako sa aking narinig sa kanya na maganda ang  samahan ng mga Media sa Bacolod City. “Magkaiba man ng mga paniniwala, naroon pa rin ang respeto sa  isa’t-isa. Naging tambayan na ng mga mamamahayag ang opisina sa press club. Nagkakaisa ang lahat at  maganda ang camaraderie “ .


Nakaraang taon October 24, 2012 nagkakilala kami ni Mr. Benny Antiporda ang Presidente ng National  Press Club. Naging bisita si Sir Benny sa Symposium na isinagawa ng Asian Star Express Balita sa tema  nitong “Fostering positive change through Enhanced Relationship between PIOs and the Media”. Ito ay sa  pangunguna naman nina Mrs. Whelma G. Apolo ang Publisher ng Asian Star at Senior Director for  Operations & Marketing Ms. Marilou Apolo. Isang makabuluhang okasyon na nakapag pahayag ng  saloobin at opinion ang Media at mga bisita. Nabanggit ko kay Sir Benny Antiporda ang tungkol sa Negros  Press Club at nakita ko ang kanyang pagka mangha at sinabi niya na ito ang oldest press club sa buong  Bansa. Marami  ang mga napag-usapan sa nasabing symposium at nabanggit dito ang mga salitang “Hao  Shao” na tumutukoy sa ilang mga Media na ang kanilang pahayagan ay lilitaw, lulubog! At una rin nilang  narinig sa akin ang salitang “tamburong brigade” wala naman ito sa Cavite, dahil pag “on-air” dapat sa  airwaves pero ang mga kasapi ng “tamburong brigade” ay sa ilalim ng lupa. 

Tumutukoy naman ito sa mga Media na nagsasabit ng halos ¼ size ng ID na wala namang mga outlet. Naibahagi ko rin ang expression naming mga Media sa Bac olod City na inutusan lamang na bumii ng suka sa  tindahan pagbalik may nakasabit ng Media ID.  Sa pangkalahatan masaya pa rin ang maging bahagi ng  mamamahayag ma pa radio man, television, newspaper at ngayon pati sa internet. Isa pa rin ang aming  hangarin na mapaabot sa madla ang mga impormasyon.  

Media Night ng SM Bacolod City Bongga!

Labis ang aking pasasalamat kay Negros Press Club Pres. Arman Toga na naging bahagi ako ng Media  Night ng SM Bacolod City. 

Siyempre kay SM Cavite PR Officer  Ms. Jen Paus at SM Cavite PR Manager Ms. Cathie Antonio na agad  kong na text na ako ay invited sa Media Night. Masaya naman sila na ang kanilang Media Partner sa Cavite  ay naimbitan din sa Media Night ng Bacolod City. Maraming salamat sa inyo, masaya akong nakasama ang  mga dati kong kasama na mga Media sa Bacolod City. Maraming salamat din kay SM Bacolod City PR  Manager May Castro na very accommodating din. 

Nasabi kong bongga ang kanilang paghahanda at malumanay naman sumagot si Ms. May na siya ay   tinulungan  ng kanilang Marketing kaya naging bisita nila si Giselle Sanchez. Naaliw ang lahat sa kahusayang  ipinakita ni Giselle na isa ring mamamahayag sa radio, member ng KBP, kolumnista, V blogger, singer at  actress. 

page 11 -  
"Maraming salamat! Negros Press Club by: MARITES L. LEONILLO │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  



2 comments:

  1. QUANTUM BINARY SIGNALS

    Professional trading signals delivered to your mobile phone daily.

    Start following our signals NOW and make up to 270% a day.

    ReplyDelete
  2. Searching for the Best Dating Site? Join to find your perfect date.

    ReplyDelete