BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

LTFRB, MATUWID KA NGA BA?


MAGANDANG araw po sa aking mga tagasubaybay sa aking kolum “Ang inyong lingkod ang Tigre ng  Lansangan. 

Ito’y karugtong lang po ng aking naisulat nitong huling isyu na bagay lang na dapat malaman ng ating mga  kababayan, patungkol sa mga pinaupong opisyal ng gobyerno ni Pangulong Roxas ay este mali pala, mahal  na Pangulong Noynoy Aquino, tulad nitong si Chairman Jacob ng LTFRB na halos lahat ng aking napagtanungan para rito kay Chairman ay puro negatibo ang mga sinasabi, dahil sa kanyang pamamalakad,  kasama na ang kanyang board member sa aspetong hindi makamasa sa mga hinaing ng mga operator ng mga  pampublikong sasakyan na lubusang pagpapahirap ang mga tugon ng mga ito. 

Negatibo nga ba ang pamamalakad ng mga ito? LTFRB mga sir, sa aking palagay sir, dapat lang po nating  bigyang pansin ang mga hinaing ng mga ito, dahil kung wala ang mga nasabing operator ay wala rin kayong  ahensiyang paglilingkuran, kaya po kayo inilagay sa puwesto upang paglingkuran ang sambayanang Pilipino  sa legal na pamamaraan. At huwag na nating pahirapan at gayahin ang bulok na sistema ng nakaraang  administrasyon, maawa kayo sa mga ito mga sir. Ang buong akala ko, matuwid ang landas na tinatahak  ninyo katulad ng ating Pangulong PNoy na dinidinig ang mga hinaing ng sambayanang Pilipino, magbago na  sana kayo ng estratehiya sa pamamalakad patungkol sa mga prangkisang problemang kinakaharap ng  mamamayang Pilipino, upang maibahagi naman natin sa lahat na tayo ay may natutunan sa nagdaang  administrasyon. Na may maling panuntunan sa pagsasaayos ng isang ahensiya, dahil sa lagayan system kaya  sir umaasa po kami na hindi kayo kaisa sa mga ganuung sistema matakot kayo sa Diyos Ama, baka bigyan  kayo ng matalim na kidlat at hindi nyo mailagan mga sir.

Hanggang sa muli. Grawwwl..

page 10 -  
"LTFRB, MATUWID KA NGA BA? by: GENER TOSCO │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment