BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

CAVITE INTERNATIONAL AIRPORT IKOKONSTRAK SA KAWIT


MARAMING Caviteno ang tuwang-tuwa sa balitang binabalak ng administrasyong Aquino na magtayo ng  bagong international airport sa munisipalidad ng Kawit. 

Bukod sa lumabas ang planong ito sa mga pahayagan, ilang radio broadcast ang nagsabi na ang balak na paliparan ay ikokonstrak sa  nire-reclaim na lupa sa dagat ng Kawit at ito ay pinangangasiwaan na ng Public Estate Authority.

Ayon pa sa balita, unang naisip na itayo ang modernong paliparan sa dating Sangley Point Airport sa Cavite  na dating ginagamit noong nasa Cavite City pa ang pasilidad ng United States Navy. 

Iniwan ng lakas dagat ng USA ang pasilidad nang matapos ang kasunduan ng US at Pilipinas tungkol sa  pananatili ng mga base military nito sa bansa. 

Lahat ng pasilidad at base military ng America sa bansa, kabilang ang US Naval Base sa  Cavite City at  Olongapo City, ay inalis matapos ang kasunduang ito. 

Sinabi naman ng ilang sources sa Department of Transportation and Communicationsn na ang planong  International airport sa Kawit ay inaokeyan na ni Pangulong Aquino, at nabatid din na sa Abril  2013,  maaaring maumpisahan na ang proyektong Light Railway Transit Extension mula Baclaran patungong Las  Pinas at Bacoor City. 

Ayon kay DoTC Sec. Joseph Emilio A. Abaya, malapit nang matapos ang bidding process sa proyektong  LRT Cavite Extension na sinabing mamadaliin ito para matapos bago ang 2016.

Bago rin matapos ang 2016, uumpisahan din ang planong pagtatayo ng isang bagong pantalan  ng Bureau of  Customs sa coastal town ng Ternate. 

Anang isang opisyal ng BoC, luluwag ang South Harbor sa Maynila na nandito ang Port of Manila, Manila  International Container Port at ang Customs Collection District sa Ninoy Aquino International Airport. /ET 

page 11 -  
"CAVITE INTERNATIONAL AIRPORT IKOKONSTRAK SA KAWIT │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment