BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

ALAK + DROGA + BOGA = TRAHEDYA


MAKAPANINDIG BALAHIBO at sobrang nakakagalit ang nangyaring pamamaril sa Kawit nitong Enero 4. Masaklap na trahedya na uukilkil sa unawa kaisipan sa matagal na panahon sa mga naulila  ng mga biktima, ganundin sa pamilya ng iba pang nasaktan. Pero tiyak din na ‘di makakatulog nang  mahimbing ang pamilya ng napatay din salarin na si Ronald Bae. 

Ayon sa imbestigasyon, lango sa alak at ipinagbabawal na gamot si Bae at kasama nito sa  ‘jamming’ ang alalay niyang si John Paul Lopez,bago naganap ang malagim na trahedya. Sinasabi  sa ulat na bago ‘naburyong’ si Bae ay nag-away sila ng asawa nito na tila ayaw ng makisama pa  nito na tila ayaw ng makisama pa sa kanya kaya iniwan ang misis sa Pampanga at solong bumalik  sa kanilang bahay sa Kawit. Ang dahilan ng pagayaw ni misis ay nananakit umano itong si Bae at  sinubuan pa minsan ng gun barrel minsang lango ito sa droga. Ang revelation ay naganap sa isang  TV interview kamakailan. Take note, dear readers, alam ng misis at siguro pati magulang ni Bae na ito’y adik at meron licensed na baril, bakit kaya ‘di  isinuplong sa awtoridad ito? At meron na  palang record ito tungkol sa illegal drugs bakit naisyuhan pa rin ng gun license? 

WOW! Something is very very here... Kilala umano si Bae sa kanilang lugar bilang ‘Robinhood’  pero nangangahulugan bang magbulag-bulagan ang kanyang mga kalugar sa kanyang pagmamalabis  tuwing lasing sa droga at alak? Marahil, kung meron naglakasloob na isuplong sa otoridad sa  kanyang pagmamalabis at pagiging marahas itong si Bae tuwing lango sa alak at droga (lalo na ang  kanyang kapamilya), baka walang trahedyang  naganap. Bagama’t sa pahayag ng misis ni Bae na  pinakiusapan niya ang mister para magpa-REHAB, kapus ito sa pursigi. 
SAYANG... LALO NA SA MGA BUHAY NA NASIRA!

page 05 - 

"ALAK + DROGA + BOGA = TRAHEDYA by: DANN FABROS│ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013  

No comments:

Post a Comment