MILYON MILYONG deboto ng Black Nazerene amg sumama at tumupad ng panata sa kanyang kapistahan nitong Enero 9 sa Quiapo, halos hindi mahulugan ng karayom ang dami ng mga debotong napanood natin sa telebisyong naghahangad na makaakyat sa karo ng Mahal na Señor, upang tuparin ang isang pangako, sa mga pagpapala at milagrong naranasan sa milagrosong Patron.
Mga debotong iniukol ang sarili sa paghila ng lubid na mistulang pasan ang krus upang makarating sa kanyang andas makaakyat at makahalik tanda ng pasasalamat sa maraming bagay na ipinagkakaloob nito sa mga nanampalataya sa Patron, Matanda bata, paslit mga maysakit.na ng pakitaan ng milagro at gumaling sa mga mabibigat na karamdaman ay nagpasyang mamanata upang magpasalamat at ang iba naman ay sumasama sa prusisyon upang makamit ang mga kahilingan tanging siya lamang ang inaasaahang makapagbibigay.
Tulad ng nakakararaming Katoliko ang aming pamilya ay deboto ng Nuestro Padre Señor Jesus Nazareno sa Quiapo Sa edad ko na 7 taong gulang ay isinama na ako ng aking Lolo George sa prusisyon at nag umpisang humila na kasama ang mga batang tulad ko sa tinatawag na “Paso” o ang kade kadenang magkakapit na braso.
Hindi ko mallilimutan ang isang pangyayaring naganap sa akin noong ako ay nasa ikalawang taon ng pagsama sa prusisyon, namamaga ang aking kanang hinlalaki sa paa at halos hindi makalakad bunga ng isang aksidente, ayaw ko na sanang tumupad noon dahil sa iniindang sakit subalit sinabi ng aking Lolo na mawawala iyon kapag tumupad at ginampanan ko iyon ng may pananalig at pananampalataya.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon habang kade kadena kaming mga kabataan humihila, ang kinakapitang lubid ng nasa unahan ay nakaalpas at sama sama kaming nabuwal at dahil nga sa ang napuntahan namin ay pababang eskinita mistula kaming suman na nagkadikit dikit at nagkapatong patong, isang artistang lalaki na si Resty Sandel ang nagtayo sa akin at hindi ko namalayan na ang namaga kong hinlalaki ay natapakan na pala at ang nana ay lumabas lahat tanggal ang aking kuko subalit ni kapirasong kirot ay wala akong naramdaman maliban sa mainit na dugong dumadaloy sa aking paa.
Kay laking ginhawa nawala din ang aking lagnat na nararamdaman. Simula noon hanggang sa ngayon ay patuloy akong namamanata sa kanya hindi nga lamang nakasama sa araw ng kanyang kapistahan ngayon, subalit bumabawi naman ako tuwing Mahal na Araw.
Sa tuwina rin na may mga dinadala akong suliranin ay ang aking Patron ang aking takbuhan at patuloy ko na nararanasan naman ang kanyang pamamatnubay, patuloy din akong hihila ng lubid hanggang sa makakaya ng aking katawan bilang pasasalamat at pangako sa kanyang kabutihan.
Ang aking pananalig, pananampalataya bilang deboto sa itim na Nazareno ay babaunin hanggang bawiin ang hiram na buhay.
page 4. Hotshots Vol. 10 Blg. 28 ENERO 13-19, 2013
No comments:
Post a Comment