BLG.

PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SM Supermalls JOB FAIR a success!

SM Supermalls would like to Congratulate the 7,839 People who were hired on the spot at SM's Labor Day  2012 JOB FAIR.

Thanks to the 2,140 Participating Companies.

BOC TAGUMPAY


Binabati ko ang BOC, Bureau of Customs sa matagumpay na pakikipaglaban sa mga smugglers sa raid na ginawa nila sa Pasay City, sa may Russel Avenue, na isang warehouse kung saan nakaimbak duon ang halagang 25 milyones na mga assorted havainas, vans, converse at iba pang pekeng sapatos at tsinelas na puro yaring china.  Binabati ko si commissioner Biazon at deputy nitong si Gen. Lim, Mabuhay kayo at tuwid ang landas ng departamento ninyo.
BOC TAGUMPAY
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

MGA BADING PUEDE NA SA AFP AT PNP


Magandang balita para sa bading o baklang gustong magsundalo o magpulis ito na ang chance ninyo para lalo kayong mapalapit sa mga lalaking macho. Pumunta na sa mga ahensiya o opisina ng PNP o AFP, Ayon kay AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos, walang nagaganap na diskriminasyon sa hanay nila, basta pumasa sa rigid military training at okey ang documents nila.  Una na itong sinabi ni PNP-PCRG head, Chief Supt. Agrimero Cruz  Jr. na tatangapin nila ang mga baklang nais maging alagad ng batas. Subukan natin sila baka hindi sila mga corrupt na opisyales.
MGA BADING PUEDE NA SA AFP AT PNP
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

FRATERNAL ORDER OF THE CHEVALIERS-UNANG PATAK JOINS BRIGADA ESKWELA in Noveleta, Cavite


NOVELETA, CAVITE- Naging matagumpay ang proyekto ng Fraternal Order of Chevaliers ng Unang Patak sa pagtulong sa Noveleta Elem. School sa paglilinis ng school ground kasama ang lahat halos ng Miyembro ng Noveleta Conclave sa Pangunguna ni Bro. Rey Garrido, OC 2012 ng Fraternal Order of the Chevaliers, sa pagbibigay ng perang Donasyon sa pamunuan ng NES, Principal na napakasipag na si Roberto De Borja at masipag na guro na si Eldie Saclolo.
FRATERNAL ORDER OF THE CHEVALIERS-UNANG PATAK JOINS BRIGADA ESKWELA in Noveleta, CaviteBy: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

Masungit na empleyado ng LTO Taguig


MGA minamahal kong tagabasa nais ko pong batiin kayo ng magandang araw ngayon ay nais kong bigyan diin ang mga sumusunod na issue,  binabati ko po pala ng be-lated happy bday si Sir Jerry Villas na may-ari ng E And J Training Center at president ng Queen Bee Security Agency Inc. na may opisina sa Bagong Crame, Quezon City.

Ito pong tao na ito ay maraming natulungan tao na naghahanap ng hanapbuhay at ito din ay isa sa batikang pulis ng HPG Crame, Sir Patuloy mo lang yang pagtulong mo sa kagaya naming mahirap, at pagkalooban kayo ng mahabang buhay ng dakilang lumalang ng sanlibutan,  Mabuhay Kayo.


MASUNGIT NG EMPLEYADO NG LTO TAGUIG,
Madam sungit  pati pag-aayos mo ng make up ay office hours na hindi mo ityempo ng brake time of bago ang 9 am ng umaga tinetyempo mo pang maraming kliyente ang LTO sa harapan ng counter mo e hindi mo na inisip na nagmamadali din sila at kung saan saan pa galing ang mga tao, tapos sisigaw ka ng huwag kayong  mamadaliin abay luka luka ka pala lingkod ka ng gobyerno saan ba galing ang sweldo mo diba sa mga kliyente ng LTO, dapat naging nurse ka nalang ng PGH hindi ka bagay sa LTO, counter 07 ng Taguig.

Masungit na empleyado ng LTO Taguig
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

Ang Malaking Problema ng Anemia


MARAHIL ay kilalang-kilala mo na ang mga sintomas ng anemia: 
• pamumutla,  
• madaling pagkapagod,  
• pagiging  ginawin, at iba pa. 

Pero ano nga ba ang anemia? Para sa iba, ang pagkakaroon na ng mataas na presyon ng dugo (blood pressure) ay nangangahulugan ng sila ay hindi anemic, at anemic naman sila kapag ito ay mababa.
Ngunit mali ang ganitong pananaw ng ilan sa ating mga kababayan. Ang pagiging “low blood” at anemic ay dalawang magkaibang bagay 

Ating intindihin: ang blood pressure ay 
sumusukat sa lakas ng bugso o daloy ng dugo sa ating mga ugat.
► Para sa isang adult, nasa pagitan ng reading na 90/60 hanggang bago mag 120/80 mmHg ang normal
na blood pressure.
►  Kapag 120/80 o higit pa, maaaring ituring ito na ito na hypertension (high blood ang tawag ng ilan). Nangangahulugan itong mataas ang presyon ng dugo sa loob ng ating mga ugat. At ang kasalungat nman nito ay hypotension (low blood). Ito ay kapag mas mababa sa naturang normal range naman ang presyon ng dugo. Pero bago  maturingang may hypertension or hypotension, kailangan munang suriing maigi ang indibiduwal sapagkat marami ring mga kadahilanan na nakakaapekto sa pagtaas o pagbaba ng blood pressure. 
Samantala, ang  anemia naman ay ang kakulangan ng tinatawag na red blood cells sa ating dugo. Sa ganitong tamang konsepto, pwede tayong makakita ng isang indibiduwal na may mataas na blood pressure subalit mayroon ding mababang red blood cell count. Ika nga, “hypertensive sya, at the same time, anemic din”. Ang red blood cells ay nagsisilbing transportasyon ng oxygen upang makarating sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.

Nagsisilbing enerhiya ang oxygen para patuloy na gumana ang organs ng katawan. 
Halimbawa: 
• ang utak para makapagisip, 
• ang kidneys para makasala at gawing  malinis ang dumadaloy na dugo, at ang mga
• muscles para may lakas sa paggalaw,ay nangangailangan ng oxygen.

Ang red blood cells ay sadyang madikit sa oxygen kung kaya’t may kakayahan itong dalhin ang oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan sa pamamagitan  ng pagdaloy sa mga ugat. 

Sinu-sino ang nagkakaroon ng anemia? Bagamat maraming klase ang anemia, tatalakayin natin ang pinakakaraniwang klase: ang  iron deficiency anemia. Ang pinakamalimit na dahilan ng sakit na ito ay ang pagkawala ng dugo sa katawan katulad ng operasyon, panganganak, excessive na menstrual flow (1/3 cup ng dugo ang normal na nawawala sa babae sa bawat buwanang dalaw), at ang pagkakaroon ng mga ulcer sa bituka o small intestines. 

Ano ang mangyayari kung tayo ay anemic? Hindi sapat ang oxygen na natatanggap ng ating katawan kung kaya’t ang ilan sa mga sintomas ay madaling pagkapagod  at pagkakapos sa paghinga (kulang ang energy source na oxygen sa muscles), pamumutla (kakulangan sa red blood cell na nagbibigay ng mala-rosas na kulay sa ating kutis, talampakan, palad, labi at conjunctiva ng mata), sakit ng ulo, pamamanhid at panlalata (kakulangan ng supply na oxygen sa utak at sa ibang parte ng nervous system), at ang malakas at mabilis na pagtibok puso (nagko-compensate ang puso upang matugunan ang pangangailangan ng body cells sa oxygen gamit ang mangilan-ngilang available na red blood cells). Ang mga ito ay ilan sa mga karaniwang nararamdaman ng taong anemic. Bukod sa pagpuna ng mga sintomas na ito, kailangan ding maconfirm sa pamamagitan ng laboratory examination ang anemia. Complete blood count ang procedure na ginagawa. Dito, kumukuha ng blood sample, sinusuri ang dugo sa ilalim ng microscope at nakikita ang bilang ng red blood cell, white blood cell at platelets.

Ano ang dapat gawin? Kapag ang dahilan ay ang pagkakaroon ng ulcer sa bituka o small intestines, kinakailangang sumangguni sa manggagamot upang mabigyan ng lunas ang mismong sanhi ng anemia. Dahilan
sa ang taong anemic ay madaling mapagod, kinakailangan ng malimit na pagpapahinga sa pagitan ng mga pang-araw-araw na gawain. Ito ay upang hayaang makahabol ang kaunting red blood cells na dumadaloy sa
pagdedeliver ng oxygen sa katawan. Bagama’t nariyan na ang kakulangan sa red blood cells, ang goal ay  dapat mapalitan ang nawala sa katawan upang mabalanse. Upang matulungan ang katawan sa paggawa ng panibagong mga red blood cells, kailangan  nito ang iron supplements. Ang iron ay tumutulong sa maturation ng mga panibagong red blood cells na ginawa ng ating red bone marrow. Kung sapat ang iron intake, mas mabilis ang pagbabalanse ng nawalang red blood cells sa katawan. Ang ilan sa mga pagkain na mayaman sa  iron ay ang green leafy vegetables katulad ng spinach at dahon ng malunggay at ampalaya. Maganda ring source ng iron ang pula ng itlog at atay. Maaari ring uminom ng iron tablets or capsules lalo na kapag ang babae ay buntis. Nabibili ito sa botika kahit walang prescription mula sa doktor. Nasa form ito ng Ferrous sulfate. Paalala kapag naka-iron supplement: hindi dapat iniinom ito ng walang laman ang tiyan sapagkat nagdudulot ito ng pagtaas ng antas ng asido sa tiyan. Karaniwan ding nagiging maitim ang dumi ng taong umiinom ng iron supplements. Sila ay maaari ring magkaroon ng constipation o di naman kaya ay diarrhea. Huwag mabahala kapag napansin ang mga ito. Kapag masyado naman nang mababa ang bilang ng red blood cells, maaaring nangangailangan na ito ng blood transfusion upang kaagad-agad malunasan ang problema. Huwag bale walain ang anemia. Ito ay maaaring sintomas ng isa pang malaking problema sa katawan tulad ng pagkawala ng dugo. Palagiang kumain ng mga gulay na mayaman sa iron. Kumunsulta kaagad sa doktor upang malaman ang sanhi nito. 

Ang Malaking Problema ng Anemia
By: EDWIN POBLETE M.D. │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

VM Jhing-Jhing: 20-years of public service... and beyond


"I've been in public service for about 20-years...perhaps I can humbly say at that age 40, I am the longest serving public servant in the municipality of Rosario." Ito ang naging pambungad na pahayag ni Rosario Vice-Mayor "Jhing-Jhing" Hernandez sa ating panayam kamakailan. Nagbunsod ang pag-uusap na ito sa kumalat na balitang tatakbo ito bilang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan ng Cavite sa 2013. Naghahangad ang edad 40 na vice mayor para sa mas mataas na level ng panunungkulan para lalong maisulong ang kanyang adbokasiya ng "transparency and good governance" bilang isang matapat na lingkod bayan. Ika niya, "maraming nagtaas ng kilay o kaya'y masasabi nating gustong maliitin ang ating kakayahan bilang public servant." At sino nga ba naman ang hindi mag-iisip o magduda, "meron bang kakayahan ang isang VM Jhing-jhing para sagupain sa larangan ng pulitika ang mga Abaya na siyang namamayagpag sa unang distrito ng Cavite?" Paliwanag niya, "siguro nga sadyang wala tayong ilalarga pagdating sa gagastusin, pero ang pagsuong na ito ay isang 'consensus' mula sa partido (Magdalo) na handang tumulong. At ang mahalaga'y kung ano ang ating ihahain sa ating mga constituents na siya namang may karapatan para magluklok sa atin." 

Nasaksihan natin ang halos isang dekada na panunungkulan ni VM Jhing-Jhing, nasubok ng manunulat na ito ang ilang kaganapan na masasabing nakatala na sa history ng pulitika sa lalawigan ang ilang mahusay na ginampanan niya upang maisulong ang tapat at mahusay na panunungkulan. Matatandaan kung paano inihayag ni Jhing-Jhing ang ilang katiwalian sa Rosario ng nakaraang administrasyon - dinala nito ang usapin upang binsay-binsayin at pagdebatihan ang kanyang "krusada" sa Sanggunian Panlalawigan...ang the rest is history, ika. Isang mahusay na team player, nakikinig at pinag-aaralan ang mga opinyon/obserbasyon ng mga elders at nagmamalasakit na constituents ganundin sa kritisismo, upang lalo pang mapaigi ang kanyang gawain bilang presiding officer ng Sanggunian Bayan ng Rosario. Naniniwala sa kasabihang, "a good leader is a good listener." Bagama't bata pa sa edad na 40, siguro nga'y maituturing ng "oldtimer" sa pulitika sa loob ng 20 years. Hindi na rin matatawaran ang kanyang kakayahan sa mundo ng lehislatura sa paglagas ng maraming taon, kung kaya't maraming nagsasabi, "VM JhingJhing is 'ripe'  to represent Cavite's 1st district  comes 2013." Kung mga proyekto para sa ikakaunlad ng maraming maralitang mamamayan ng Rosario, marami nang "political goodwill" ang kanyang naipundar. Livelihood/employment generating projects, kalinga para sa mga senior citizens, educational programs para sa mga kabataang mag-aaral.
Katuwang ni Mayor Ricafrente at ng buong sanggunian sa isang advocacy na tinaguriang "FROM WOMB TO TOMB." Sabi ni Jhing-Jhing na umiiral ang kanilang campaign slogan: GANITO KAMI SA ROSARIO,
DAPAT GANITO ANG BUONG DISTRITO. Nabalangkas ang nasabing slogan dahil na rin sa lantad na pagiging progresibo ng Rosario, na bagama't maliit sa land area kumpara sa ilang bayang-karatig ay mayaman naman sa human resources at masinop ito sa pangangasiwa ng kaban ng bayan. At siyempre, masasabing mahusay na team-playing ng tambalang Ricafrente-Hernandez at ng sangguniang bayan.
* * *                   * * *                 * * *
EXCERPTS sa panayam:

Question:  
Your decision to run for Congressman in Cavite's 1st district was a consensus  among  partymates(Remulla's
MAGDALO)...or was it a long time dream?
VM Jhing-Jhing:
It's a party consensus, and being a team-player... yes, I am obedient. Pero masasabi ko, ang aking kahandaan ay nariyan na gagabayan ng aking 20-taon bilang public servant.

Question:  
To become a Congressman is an off-shot to your "long posting" as vice-mayor, the presiding officer of the SB. Of course, your expertise in legislation will be a plus factor, an advantage if you will, comes 2013 Elections. Ano ang tingin mo?
Jhing-Jhing:
Malaki ang aking paniniwala na makakatulong ang aking ginampanan bilang presiding officer, at sana nga'y magiging basehan ito  para sa aking inaalok na hangarin upang ang iniisip natin na mahusay na paglilingkod ay umabot pa sa mas maraming mamamayan.

Question:  
How would you square-off against an opponent who is formidable in terms of political warchest and is an ally of Malacanang. There's this perception that to have an effective political machinery you're ready to 'oil'
it with huge financial consideration?
Jhing-Jhing:
Marami ang gustong magmaliit sa atin dahil totoo naman na wala tayong kakayahan kung pera ang pag-usapan. Pero marami naman tayong nakikitang gustong tumulong sa parteng 'yan...ang partido at mga mamamayan na atin na rin naging kasangga at pinagsilbihan. Political goodwill, I believe, will play a big part in this  aspiration.Kung pag-uusapan ang tapat na paninilbihan, sa loob ng 18 years 'nilang' nasa gobyerno hindi man nila naisip ang isang ospital na maitatayo dito sa distrito para sa pangangailangan ng ating mahihirap na mamamayan? (Paunawa: nangako si VM Jhing-Jhing na itutuloy namin ang pag-uusap sa ibang
pagkakataon upang ang ilang mga bagaybagay tungkol sa transparency and good governance ay mas Malalim na matatalakay. Papunta na kasi siya sa "opening" ng paglulunsad ng CALLE VERDE, bayanihan project ng mga magta-tricycle ng Rosario.)



VM Jhing-Jhing: 20-years of public service... and beyond

By: DANN FABROS │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

6 ELEVEN CATERING


Contact: JOSIE NAVA-DELA CRUZ
(046) 431-1947 / (046) 504-4736

BANTAY SALAKAY SA BELVEDERE III


GENERAL TRIAS CAVITE- Pinangangambahan ng mga Home Owner Members ng Belvedere III Pasong Kawayan II General Trias , ang isang Security Guard na nakatalaga sa nabanggit na Subdivision, anila ang nasabing Security Guard ay patuloy na naghahakot ng mga pami-pamilya sa ibat-ibang bayan upang dalhin , paupahan at patirahan ang mga bakanteng unit ng Filenvest Land Developer , ng wala di umano na pakikipag- ugnay sa Home Owners Association.”itoy bagay anila, na dahilan sa patuloy na pagdami ng mga inpormal settler sa kanilang lugar . na kung saan ay maaring gamitin ang mga ito na flying voters sa nalalapit na 2013 elections anila.
Pansamantalang hindi muna ipinalagay ng ating source ang pangalan ng bantay salakay na security guard na ito , habang inihahanda anila ang pormal na reklamo ng Home Owners Association na ipaabot sa pamunuan ng Filinvest Land Developer sa aksyong gagawin laban dito . kaakibat sa problemang ito ay upang maiwasan na rin anila ang malulubhang krimen maging dulot nito. Dahil anila maraming krimen ang mga nangyari sa kanilang lugar ng mga nagdaang araw at mga tao na ang sangkot sa kaguluhan ay hindi naman Home Owners Members.
BANTAY SALAKAY SA BELVEDERE III
By: REV. PRUNING ALVAREZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

MGA MINISTRO NG KATARUNGAN


MORAL RECOVERY PROGLAM
MAPALAD sila na gumagawa ng katarungan , at patuloy na gumagawa ng matuwid (Awit 106:3). Ang Dios ay Dios ng katarungan , inutusan niya ang Israel na kumilos ng matuwid at tapat sa pakikipag kapwa at pamumuhay ng may katarungan . siya ay nalulungkot kung ang mga hukom at mga hari ay namumuno ng may katiwalian at hindi pagpapairal ng katarungan para sa bayan . inaasahan ng Dios na ang lahat ng bansa ay magpapakita ng katarungan sa kanilang mga batas at hukuman , at sa buhay ng kanilang mga mamamayan . Ang mga lalaking nagtatag ng Estado Unidos ay kumilala sa katarungan ng Dios . sila ay sumasang –ayon na ang paraan at pagtitiwala sa kanyang mga daan ay dapat maging bahagi ng buhay at batas ng bansa . sinasabi niJames Madison , bago ituring ang isang tao na mamamayan ng lipunan, dapat muna siyang magpasakop sa tagapamahala ng lumikha ng sansinukob .  Ngunit may mga nakagugulat na pangyayari ang masasaksihan sa isang hukuman . maaring hindi pahalagahan ng hukuman ang isang matibay na ibedensya laban sa nasasakdal ka hit na ito ay isang kaso o isina tape na pag-amin ng kasalanan , kung  ang paraan nang pagkuha nito ay labag sa batas Kahit na narinig niya ang pagamin hindi pa rin niya ito pahahalagahan .

Ang paglabag sa batas ay siyang nagpapabalewala dito .  Katulad ding bagay ang maaring mangyari o nangyayari na dito sa ating bansa . kahit na alam ng Dios ang lahat nating iniisip , at magagandang balak para
sa pag-unlad ng ating pamumuhay at pag-angat ng bayan , hindi pa rin niya pahahalagahan ang ating mga mithiin pang kapayapaan dahil binayaan natin ang hindi pagtupad sa ating hustisya at katarungan na dapat manaig sa ating bansa , ang siyang sumisira ng ating pakikisama sa kanya. Sinabi ng Biblia na hindi obligado ang Dios na dinggin tayo kung  hindi natin pinakikinggan ang daing ng mga  mahihirap . kung nabubuhay tayo sa pagkakasala ng pangungulimbat sa ating bayan . PAGPALAIN PO TAYO NG DIOS.

MGA MINISTRO NG KATARUNGAN
By: REV. E. ALVAREZ│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

BRIGADA ESKWELA SA BELVEDERE III ELEM. SCHOOL


GENERAL TRIAS CAVITE –
Dinaluhan ng may 15 punong guro ng ibat-ibang paaralan ng ika- 6 na distrito sa lalawigan ng Cavite, sa Pagbubukas palatuntunan ng “ brigade eskwela “ na pinasimulan sa Belvedere III Pasong Kawayan II  General Trias nitong may 21, 2012 sa pangunguna ni Dr.Edna A . Bayot district supervisor, Jesusita  A. Medina  punong guro ng nasabing paaralan,  Marina Barias punong guro Angel Bawalan elem. school , Noribel  Ambata punong guro ng General Trias Elem. School,   Laura Garcia punong guro games , at iba pang mga punong guro na  sakop ng Dist. 1 of Gen . Trias.  Kasama na rin dito sa nasabing  pagbubukas palatuntunan si Brgy Capt . Anastascio Alcantara at ang kanyang mga kagawad sa nabanggit na baranggay . nakiisa narin  dito ang ibat-ibang mga samahan tulad ng samahan ng mga kababaihan sa Belmont Hills , Pamayanang Maliksi , Belvadere III at Kabayan ,sa pagbubukas ng nasabing palatuntunan ng “Brigada  Eskwela” nagsama-sama ang grupo ng mga guro , Ngo’s, at mga Brgy Official sa motorcade bilang pagpakita ng kanilang pagkakaisa sa komunidad na sumuporta sa nasabing “brigada eskwela”. Itoy dahil na rin sa ikakabuti at ikagaganda ng nasabing paaralan sa Belvedere III bilang pangalawang tahanan  ng  mga  magaaral.ayon sa pahayag ni Jesusita Medina Principal ng nasabing paaralan , ang layunin ng nasabing “Brigada Eskwela “ ay maihanda  ang mga pangunahing pangangailangan ng mga  mag-aaral bago sumapit ang araw ng pasukan . tulad aniya sa paglilinis sa kapaligiran, pagsasaayos ng mga instilasyon ng kuryente , mga nasirang upuan , palikuran at paglilinis sa loob at labas ng paaralan ng mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok upang maiwasan ang sakit na Dengue sa panahon ito ng tag-ulan. Sa pagpapatuloy ng “Brigada Eskwela “ sa paaralang Elemtarya ng Belvedere III kasabay nito ang pakikiisa ng P.k.2 Bolunter brigade ni Vice Mayor Totie Campaña sa pangangasiwa ni Benny Manesca kasama narin dito ang grupo ni Rev. Pruning Alvarez ang samahan na namili maging Gentriseño na makikiisa sa “ BRIGADA ESKWELA”

BRIGADA ESKWELA SA BELVEDERE III ELEM. SCHOOL
By: REV. PRUNING ALVAREZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

BRIGADA ESKWELA...


HOTSHOTS
PAPALAPIT ng papalapit ang itinakdang araw ng pasukan sa eskwela. Of course, busy na ang lahat magsimula sa mga principals ng different  schools, teachers up to their janitorial or maintenance staffs eh talagang bising bisi sa darating na pasukan. 
Starting with of course, ng paglilinis ng mga gamit  pang eskwela, sorroundings ng schools at pag re-repair ng mga sira ng mga gamit sa schools at ang mga classroom na gagamitin ng ating mga estudyante. Sa dami ng mga papasok na estudyante every year, hindi kaya ng mga principals teachers,maintenance staffs na gawin lahat ang mga paglilinis, pag re repair pag papapintura at pag gawa ng mga classrooms, That's why BRIGADA ESKWELA wa created, to help,  and to builds wika nga.with the participations of Municipal and City Governments , Non Goverments Organizations, Fraternities, Military and PNP Personnels  sa  nasasakupang komunidad at sa mga kalapit pang lugar. And I admire those organizations The Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard and all those Military Personnels na nakabase sa Sangley Point at sa Fort San Felipe sa Cavite City sa pagtulong sa pag sasa ayos ng mga eskwela. Syempre ang walang  kapagurang pagtulong ng mga kapulisan at mga  OJT ng CAVITE COMPONENT CITY  POLICE STATION  sa mga eskwelahan sa lunsod sa personal na superbisyon ni P/ Supt. Rommel  Laconsay Javier ang hepe ng ating kapulisan sa walang kapaguran nitong pagsubaybay sa kanyang mga tauhan .

From Bagumbuhay Elementary School to Porta Vaga Elementary School, Sangley Point National High School  na nagkaloob pa ng 10 supot ng semento upang maidagdag sa pagsasaayos ng building na nasunog bago pa man ang graduation. As of this writing , ang mga kapulisan at ang mga bagong nasa On the Job Training na kapulisan na nasa lunsod ng Cavite ay pumunta naman sa Naic, Cavite and i've heard to Tanza , Cavite  to help some schools there in maintenance works. Keep up the Good Works mga Igan and I salute each and everyone for a job well done....
God's will till next issue friends...
BRIGADA ESKWELA
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

Oath of Newly Elected Officials of Guardians Brother Cavite City Chapter

NILALAGDAAN ni Mayor Ohmee Ramos ang Oath  of Office ng mga bagong opisyales ng Guardians Brotherhood, Inc. sa Cavite City kamakailan lamang sa  ibabang larawan ang Ang mga bumubuo ng mga  Opisyales ng Guardians Brotherhood Inc. Cavite City Chapter.

SEC Reg. No. 123899, Dec. 10, 1984
Provincial Office Address: 249 C. Dones St. San Antonio, Cavite City, Philippines 4100                                         E-mail Address: gbicavite@yahoo.com    
Website Address:  http://www.gbi.webs.com

INSTALLED OFFICERS 2012-2013
1. FGMF CHRISTOPHER “WARRIOR” AGUILLON
 (Provincial Chief of Staff)
2. FGNF FRANCISCO “MIGHTY” VANTA
 (Chapter Commander)
3. FRMG LEON JUNN “WARLORD” YOUNG
 (Deputy Chapter Commander)
4. FGAF WILFREDO “BALWEG” ABELLA, SR.
 (Chief of Staff)
5. RMG ERNESTO “ALAKDAN” DE LEON (GB 1)
6. CONFIDENTIAL  ( GB 2)
7. FGNF NERRY “BINC” PONES  ( GB 3)
8. FGNF EDSEL “COBRA” MOLINO  ( GB 4)
9. FGNF RICARDO “YUSKY” YUCOR  ( GB 5)
10. FGBF SERAFIN “TRES” ARTIZONA III  ( GB 6)
11. FGBF WILSON “AGANA” AGANA  ( GB 7)
12. FGNF ANTONIO “BORGS” DE CORLON  ( GB 8)
13. FRMG REYNALDO “SAMURAI” SIOCO
 (MG President)
14. FRMG FREDDIE “GREG” GREGORIO
 (MG Vice-President)
15. RMG MA. CLAIRE “AXELROSE” ADOLFO
 (Secretary)
16. RMG RENANTE “VIRGO” AMISTAD
(Messenger)
│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

Stories of 3

3 apes escaped the zoo
one was seen eating burger at Mc Donald’s!
The second ape was seen peeping at the ladies CR!
The third ape was last seen reading this text! =P
****

3 brothers named Bu, Chu and Fu 
migrated to USA from China. They decided to change their name... 
Bu become Buck
Chu became Chuck..
Fu decided to go back to China :-D
****

3 Catholic women
CW1: My son is a priest, every one calls him Father.
CW2: mine is a cardinal, everyone calls him Eminence.
CW3: mine a stripper, everyone says “Oh my God” when they see him.
****

3 DRACULAS in restaurant
RICH: Give me fresh blood.
MIDDLE CLASS: Give me dinuguan.
POOR: Hot water lang. (Took out a used MODESS). Hirap ng buhay, tsaa na lang ako.
****

3 Kinds of Girls
MAHIYAIN – covering face with her skirt exposing her kuan
MATULUNGIN – “Ako na lang ang maghuhubad, sir”
PAKIPOT – “Ayoko sa harap sa likod na lang”


By: JAFO │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue
KILITIAN!!! ang ‘di tumawa, eh ‘di ‘wag!
JAFO – 0926-9137283

Revita Health Products


Is a unique bundle of powerful essential nutrients naturally found in fruits that helps to boost your energy everyday, strengthens immune system and stimulates normal blood formation. Revita Health Drink -  is a unique drink created for those who want to empower a healthier lifestyle and enjoy the goodness that life has to offer.
• It is found in almost parts of the body.
• It has an anti - aging effect.
• It whitens the skin.
• Most powerful antioxidant.
• Fights free - radicals.
• It nourishes the body on the cellular level.


MELANIE A. BUENVIAJE
Branch In-charge Rosario, Cavite
Mobile #: 0908-1495438 • Email: melaniebuenviaje27@gmail.com
Sherry Ann Z. Trinidad • Mobile #: 09295096206
Blk. 2 Lot 6 GREEN SQUARE Bldg. 
Costa Verde Subd., Tejeros Convention, Rosario, Cavite  
(near SM Rosario)




BARANGAY NG SAN ANTONIO I, NOVELETA - ISANG MAAYOS, MALINIS AT MAUNLAD NA BARANGAY

SA maraming Barangay dito sa Cavite, isa ang Barangay San Antonio sa mga Barangay na nakita kong malinis at maayos. “Nagkakaisa ang mga tao dito sa aming barangay at tulongtulong ang lahat na maging maayos at malinis ang aming kapaligiran. Maging ang pagbabantay sa gabi para mapanatili ang katahimikan sa aming lugar ay marami ang boluntaryo na tumulong sa pag papatrol sa gabi”,  ito ang pahayag ni Kapitan Ben Ledesma. Ang Barangay San Antonio I ay binubuo ng 2 Subdivisions ito ang Jordan Estate at Camella Homes. “Maging ang paglilinis sa mga imburnal ay halos kanya-kanyang linis na rin para maiwasan ang pagbaha sa lugar”, ayon pa sa Ama ng Barangay. Dahil sa pagkakaisa ng mga Home Owner’s Association ng dalawang subdivision naging maayos ang pamumuhay ng mga nasasakupan nito. Pinaguusapan na ng dalawang asosasyon sa pamumuno ng kanilang masipag na Kapitan Ben Ledesma maglagay ng mga street lights sa dalawang subdivision.
Sa Kinatatayuan nina Kapitan Ledesma, Kagawad Arnulfo Saquilayan, Kagawad Richard Salud ang Chairman ng Peace and Order at Erwin Castro ang Chief Barangay Tanod ay ang boundary ng Barangay San Antonio I at Kawit. Makikita sa  larawan ang mga paglilinis sa ilog.
Oplan Linis Creek – Sa pangunguna ni Kapitan Ben Ledesma kasama sina Sgt. Milo Batisla Ong Officer ng Home Owner’s Association ng Jordan Estate Subdivision, Brgy. Kagawad Arnulfo Saquilayan, Rene Villarente PRO ng Home Owner’s Association at Board Director, mga mangagawa mula sa Engineering Office at Mayor’s Office ng Noveleta ang nagtulong-tulong ma malinis ang mga kanal bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan. Kapag malinis ang mga kanal maiiwasan ang mga pagbaha sa lugar. 
Makikita naman sa larawan ang mga tropeo at parangal na natanggap ng Barangay San Antonio I, na buong ipinagmamalaki ni Kapitan Ben Ledesma. Kinikilala ang Barangay na isa sa mga malinis na barangay sa buong Cavite at maging sa buong CALABARZON Region IV-A. Maging sa larangan ng palakasan Champion ang Barangay sa Basketball at Men’s Volleyball.
Ito naman ang Barangay Health Center ng Barangay San Antonio I.
Makikita sa larawan ang pag gawa ng Rip Rap sa ilog mula kay Governor Jonvic Remulla. Ito ay malaking sa tulong sa barangay.
Si Kapitan Benjamin M. Ledesma na naging aktibo sa pamamalakad sa kanyang barangay. Sa kabuuan isang matahimik, malinis at maayos ang kanyang Barangay.

Subsidiya para sa mga kooperatiba ng Cavite, ipinamahagi ni Gob. Remulla


Upang matulungan ang mga (Photo courstesy of CID  Cavite City PNP) kooperatiba sa Cavite, nagkaloob ng subsidiya sa dalawang kooperatiba ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Jonvic Remulla katuwang ang Provincial Cooperative Livelihood and Entrepreneurial Development  Office (PCLEDO) sa pamumuno ni G. Rene Tongson, kasabay ang pagtataas ng watawat kamakailan sa Provincial Gymnasium sa Trece Martires City.

Ipinagkaloob sa  DBB Public Market Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Burol 1, Dasmarinas City ang P30,000 para sa stall holders sa ilalim ng SM Marketmall at P50,000 naman sa BULPHA Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Banaba, Silang bilang dagdag puhunan sa pagpapalawak ng kanilang mga programa at serbisyo.  Noong nakaraang Abril 30, nagkaroon rin  ng katulad na programa kung saan tatlong kooperatiba ang nauna nang nabigyan ng subsidiya. Kabilang sa tumanggap ang Municipality of Indang Employees Multi-Purpose Cooperative ng P30,000 para sa kanilang rice loan project; Handog Kaunlaran Credit Cooperative ng Alfonso, P20,000 karagdagang puhunan para sa operasyon ng kanilang negosyo; at PASADAKO Multi-Purpose Cooperative sa Dasmarinas City  na nabiyayaan ng P50,000  pambili ng makinang panahi upang matugunan ang demand ng mga kliyente. Sa kabuuan, nakapamahagi ang pamahalaang panlalawigan ng P180,000 subsidiya para sa nabanggit na limang kooperatiba.

ISANG HARI NA LASING SA KANYANG KAPANGYARIHAN

REKTAHAN-- MAY isang maunlad na kaharian na pinamumunuan ng isang mabait na hari. Lahat ng kanyang nasasakupan pag lumalapit sa kanya walang “hindi” sa hari na ito, lahat ay nabibigyan niya ng tulong kaya dahil dito mahal na mahal siya ng mga tao. Sa haba na ng kanyang panunungkulan, kumpiyansa ang hari na ito na magtatagal siya sa kanyang trono. Lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang mga pinagkakatiwalaan sa palasyo ay gumagawa na ng hakbang ng palihim na mag-aalsa laban sa kanya. Ang kawawang hari na ito, pagkasama niya ang mga ito, ay napakabuti sa kanyang harapan. Magugulat na lamang ito na isang umaga sa kanyang pag gising wala na ang karangyaan at kapangyarihan sa kanya na gaya ng kanyang pagtatamasa sa kasalukuyan.


Sa kabila ng kabutihan ng hari na ito, mahilig ito sa babae, marami na siyang asawa nguni’t kung may magustuhan kahit ano pa ang estado ng babae walang kawala pag nagustuhan niya ito. Kalat na kalat na sa kaharian ang walang ka “taste taste” ika nga nila ng hari sa pagpili ng kanyang “kulasisi”. Mayroon din siyang “babae” sa ibang kaharian. Dahil sa hilig na ito ng hari, sobrang napaka galante niya sa kanyang mga “babae” at dahil dito ang kanyang mga alepores ay parang mga gutom na Leon sa panggigipit sa mga mahihirap. Naglipana na rin sa kahariang ito ang mga  kalapating mababa ang lipad na kahit “bubot” pa lamang ay nagsikalat sa kaharian. Palibhasa gawain ng hari ang “hayok” sa laman, hindi niya ito nakikita. Sa mata ng ibang kaharian kapuri-puri ang hari na ito, ngunit ang totoo untiunti nang nalalantad ang tunay na katayuan ng kaharian. Sa labas isang napakagandang palasyo nguni’t nabubulok na ng paunti-unti ang
loob nito.

Sa ngayon, walang kamalay-malay ang hari na ito sa maaaring kahihinatnan ng kanyang kaharian dahil sa sabi nila ito ay parang lasing na nagpapakasasa sa kanyang kapangyarihan.

By: MARITES LEONILLO │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    

CAVITE CITY’s POOR ECONOMY

CIVIC ACTION
-- If you were to ask, what attraction in Cavite City would stir your interest to come and be proud of being there?  I remember when we moved to Makati sometime in 1967, my parents would always plan a trip to Cavite City for many reasons; business trip was on their top list.  I used to hear them talked about the Land Transportation Commission office when they were engaged in a small transportation business. I heard them talked about buying imported items or PX GOODS which Cavite City was very famous of.  They also talked about meeting with high profiled people from the local and national government.  But for me, as a child then, the most exciting part was when they would ask me to come with them to visit my Godmother, Filomena “DALAGA” Samala, the St. Raphael Transit matriarch.  For many decades, Cavite City was standing tall like Olongapo City by hosting the U.S. Naval Base popularly known as Sangley Point which propelled its economy to full swing.  All business categories, from the smallest to the grandest, were prolific; bars, disco pubs, beer houses, red houses (yes – we have had a lot long ago) bowling alleys, movie houses, Chinese restaurants, groceries and mini marts.....etc. — name it, we have it!


When the news exploded about Sangley Point Container Port conversion  project  so many banks came in throngs sprouting like mushrooms all  wanting to get a slice of the cake with the hope that they will enjoy licking the icing too.  Real estate business went active for awhile. But when the project was completely  shelved, the negative drawback came like  big punches on our head. New banks folded up and moved outside Cavite City, its economy went adrift and eventually plunged down aggravated by political brouhaha.

How can we revive our economy?  Infrastructure projects would be one of the best solutions, new roads and better facilities to prime pump investors’ interest to establish their businesses here – we can be a call center haven due to our close proximity to Mall of Asia, Metro Manila, Makati CBD, NAIA and Domestic

Airport via CAVITEX.  We can revive again the ferry boat service with added features like floating restaurant on cruise Cavite-Bacoor BayManila Bay via MOA, Cultural Center of the Phil (CCP) and Luneta Park vice versa.   Or simply ferry passengers, local and foreign tourists,
fishing enthusiasts, hobbyists and artists to a sea aquarium, cultural show or a health and wellness spa by the sea.  We can capitalize on our peninsula landscape as major core of attraction to progress.  Hopefully, the museums inside Fort San Felipe would be open to public and all schools outside the City for educational tour. We can be one of the major suppliers of dried fish to Manila and our neighbouring towns just like how Salinas (Rosario, Cavite) is famous of their smoked fish (tinapa). How about a “wharf” for fresh sea catch that would draw potential wholesale buyers from Metro Manila?
We can also be a home for specialty schools like language or training schools, review centers, SPED learning center, or physical rehabilitation facility   We can also improve our crematorium facilities to accommodate nearby cities or municipalities who have to endure a long trip to Sucat, Paranaque or Metro Manila for the cremation service of their departed loved ones.  We need to establish our own identity by making some brands and commodities only found in Cavite City (sorry but I am not suggesting rare breed of politicians).  But we certainly hope and pray that we will not embark as “shabu outlet”  or illegal trade  business  center to help revive our gloomy economy. If Olongapo City and Pampanga were able to get back on their own feet,  CAVITE CITY can do much better, whether you agree or not – we can always try and try until we succeed. LET US HOPE FOR THE BETTER AND THINK POSITIVE.

LION PEANUT GONZALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    


Residents of Bacoor can avail of the Star City discount until 30th of November 2012


In its  effort  to  provide residents  joyful  merriment and a well-deserved R&R, the Local Government of Bacoor thru its dynamic and 24/7 Mayor Strike B. Revilla, PhD,  entered into an agreement with Star Parks  Corporation,  owner-operator  of  known  entertainment/theme park, Star City.  The latter, according to the Memorandum of Agreement signed by both LGU-Bacoor and Star City last April, offers a discounted rate   to Bacoorenos upon presentation of local government-issued ID cards. Further, senior citizens in the municipality shall be allowed entry to the park free of charge; provided they present their ID’s as well.   Residents of Bacoor can avail of the Star City discount privilege until 30 November 2012.  Signing the MOA for Star Parks Corporation is its Sales and Marketing Manager Ms. Teresa R. Rivas.

 (BPIO/Photos: Ruben Gabalfin)

Securing the welfare of Senior Citizens is one of Mayor Strike B. Revilla's Topmost Priorities


More than seventy presidents representing the various senior citizen organizations within Bacoor attended the Senior Citizens General Assembly held on 05 May at the ABC Hall. The event likewise served as training for the attendees, as they were re-oriented on their responsibilities as leaders in their respective areas. Securing the welfare of the more than 46,000 senior citizens in the municipality is one of Mayor Strike B. Revilla’s topmost priorities. This is evident in the programs being implemented by the local government, such as the Libreng Sine (every Monday and Tuesday), 32% discount in medicines, and medical assistance among others. Incidentally, the Municipal Health Office will be holding its ‘Kalinga Para kay Lolo at Lola,’ a medical mission specifically for senior citizens on 29 May at the Alima Health Center. Also present during the event were Senior Citizens Provincial Federation President Senor Angel Pamiter, Senior Citizens Federation President in Bacoor, Mr. Bienvenido Mejia, OSCABacoor Chairperson Ms Angelina Cervantes and Ms Chaye Cabal Revilla.

(BPIO/Photos: Ruben Gabalfin)

BACOOR’S WALK AND RUN FOR YES! THIS JUNE


The Local Government of Bacoor, led by Mayor Strike B. Revilla, PhD, in cooperation with the various                                                                                                                                                                                                                                                                   sectors and organizations within the municipality, will be holding a walk-for-acause dubbed as ‘Walk and Run for YES!’ (Alay-Lakad/Takbo Tungo sa Pagiging Lungsod ng Bacoor) on 16 June 2012, 5am, along Molino Boulevard. This noteworthy activity is part of the municipality’s information awareness campaign, as it gears toward finally becoming a city. (On April 10, President Benigno ‘Noynoy’ Aquino signed the Bacoor Cityhood Bill, converting the 341-year-old municipality into a component city. A plebiscite will be held early June, which Bacoorenos are encouraged to participate in.) The ‘fun walk’ will have two (2) starting points – at Emilus Mart-RFC Molino and near 678 in Brgy Bayanan (along Molino Boulevard)– and will end at McDonalds - Molino, where a brief programme will be held. There will be NO REGISTRATION FEE; participants would just have to pre-register at the Public Information Office, 4/F of the Municipal Hall, from 16 May-11 June (M-F, 9am to 5pm), and/ or Emilus Mart branches (RFC Molino and Molino 3, M-Sat, 8am-7pm).More than 8,000 participants from different sectors (local and barangay officials, municipal employees, teachers, students,
homeowner associations, non-government organizations, environmentalists, civic-oriented groups, among others) are expected to join this event. Last March, the Local Government of Bacoor organized a fun run for a cause, dubbed as ‘Let’S Run para sa Kalikasan (Bawal na ang Plastic at Styro sa Bacoor)’ which launched Municipal Ordinance No. 14-S-2002 (regulating the distribution of plastic bags and polystyrene <Styrofoam> and providing penalties for violations thereof). Close to ten thousand runners participated. For further details, contact the Public Information Office on 046 434 4466 local 110, 0915 786 3907, 0919 205 8872. Major supporters of  the ‘Walk and Run for YES!’ (Alay-Lakad/Takbo Tungo sa Pagiging Lungsod ng Bacoor) are Planet Drusgtore, McDonalds-Molino, Emilus Mart, and Planet Cable.
│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

Oplan Tuli sa Noveleta


May 15, 2012
Noveleta, Cavite – Isang Oplan Tuli ang nagaganap sa likod nina ViceMayor Eric Garcia, Dr. Rolando Jamir, staff ng Municipal Health Office kasama ang PHO, OPG at Air Force ng Cavite na maging ganap na binata na ang nais magpatuli at ito ay libre sa pangunguna ni Mayor Boy Alvarez.

PRESS FREEDOM MISUSED


Where do we draw the line between freedom of the press and the individual's right to privacy? There is a thin line between freedom of the press and the individual's right to privacy. A journalist, who exercises assiduousness in acquiring facts, always responsible for his actions, and does not resort to any immoral activities just to get the scoop, is practicing true fueedom of the press. Freedom is not absolute. We have this delusion and freedom entails no boundaries or limitless. How many times a journalist gets sued for libel because of the negative impression created by a malicious article? Yes, Article III of the Bill of Rights strongly states that "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances." But
never disregard the fact that the same constitutional right is also given to every citizen, “every person shalt respect the dignity, personality, privacy and peace of mind of his neighbors and other persons." Individuals who were cloaked in authority abuse it. They assume that they can say anything, do anything and decide on anything as they please, even to the extent of willfully causing someone else's misfortune. While it is true that
the pen is mightier than the sword, the person who wields it has fulL control of it thus he has the pleasure to concoct stories he thinks is salable. Gone are the days of real journalistic prowess. As compared to today's journalism, we have an abundance of smut, libelous, harangue and vulgar language attributed to tabloids and some shame reading materials. During a press conference Pres. Benigno Aquino III reminded reporters of what should be: to gather first  hand information (correct information)  before  broadcasting it. However,  media/press are drooling over PNoy's love affair which sells like hot Pinoy pandesal in bakeries. Where is objectivity? 

In colleges and universities, communication students are being taught ethics in journalism and a lot of those principles that would help them become better media practitioners. Four years of exposure in theories and six hundred hours of internship  in media outfits go down the drain. Why? Once they graduate they'll be eaten up by the system, all the controversies and scandals involving media. The media industry together with the academe should work together in developing the skills and the good character of these future broadcasters, journalists, advertising and public relations practitioners. Mr. Howie Severino said, "Think before you click." This should be the battle cry of every reporter, broadcaster, journalist, or even bloggers! Remember that we are also  human beings who are sensitive. The words that we hear or read can be a compliment or worse it may defame, once uttered it can never be retracted. Before we point a senseless finger at others for their  alleged unholiness, consider that we are also at fault. This is why the remaining fingers point back at us. The main point of it all: be RESPONSIBLE. 
By: VON ROMMERL BARBOSA GARRIDO │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

Pasasalamat sa Tanza PNP



KASANGGA
NAGPAPASALAMAT po ang may-ari ng nawawalang Nissan X-Trail na dalawang beses inilabas ng inyong lingkod sa aking kolum kamakailan. Pagreresolba at pagdiskubre sa nasabing sasakyan sa Tanza, Cavite, ito po ay inabandona ng hindi nakikilalang mga carnapper noong May 4, 2012 na nadiskubre at agad itinawag ng hepe ng Tanza police na si PSUPT. RADEL DE LEON RAMOS at mga tauhan nitong sina SPO3 Richard Pavorito, PO1 Richard Yolangco at PO1 Julius Torres at iba pa.

Nagpapasalamat po si Miguel Asim, mayari ng Nissan X-Trail na nawawala pa noong October, 2011, maraming salamat po Chief of Police ng Tanza PNP, Mabuhay po kayong lahat. 

OPERATIONS NG PNP MOTORCYCLE UNIT, TAGUMPAY! 
Binabati ko si SPO4 Rodillo, team leader ng Cavite PNP Motorcycle Unit sa mahusay na operasyon nila sa Noveleta, Cavite noong ika-16 ng Mayo, 2012 ng umaga, maraming mga pasaway na walang disiplinang gumagamit ng motorsiklo ang nabigyan ng tiket, sa ganyang paraan ay mababawasan ang paggamit ng illegal na motorsiklo sa Cavite. Saludo po kami sa inyo!!!.

TAGUIG-LTO, DISIPLINADO
Binabati ko ang hepe ng LTO-Taguig sa mahusay na sistema at pamamalakad ng kanyang nasasakupan, walang fixer, mabilis at super higpit diretso ang daan dito mula sa lisensiya hanggang rehistro, kaso isa lang ang sisira sa inyo, ang Counter 7 sa records, dapat ‘wag na itong lola na kamukha ni “Miss Tapia” na sobrang suplada. 9:00 am pa lang ng umaga ay super sungit na at sigaw ng sigaw, hoy bruha, ‘wag kang ganyan! Sa init ng klima at panahon baka atakihin ka sa puso o ma-heat stroke ka. Nakakahiya sa amo mong diretso, ikaw lang ang dudungis sa kanya, bruha. 

NOEL NG MOLINO IV, BACOOR
Ganda ng name mo, pero hindi ang diskarte mo pare, baka matimbog ka diyan at ataduhin ka ng mga taga-Bacoor, Cavite. Pare, kung mainit ka na sa Caloocan ay doon ka na lang, ‘wag ka ng mandukot o mangbiktima ng mga napunta sa SM Molino, pati ‘yan 2 tao mo. Hoy ungas, dalawa na ang nagtetext sa akin na nadale mo sa area mo, sana tubuan ka ng cancer at matodas ka.

By: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

Mabahong Hininga na Hindi Masikmura


CAVITE HEALTH WATCH
ANG bad breath ay ‘di kanais-nais na amoy na nagmumula sa bibig. Maaaring hindi ito  namamalayan hanggang may taong makakapuna. Gayunpaman ang lahat ay nagnanais ng hiningang pwedeng ipanlaban sa halikan. Dahil dito, ang mga taga-gawa ng mga mouthwash, mints at mouth sprays ay tumatabo ng milyun-milyong piso tauntaon. Subalit ang mga produktong ito ay panandaliang tulong lamang sa pagkontrol ng bad breath na kilala bilang “halitosis”. 

Marami ang sanhi ng bad breath. Pangkaraniwan dito ang
• kawalan ng “dental hygiene”. Ang iba pang mga kadahilanan ay
• gum disease,
• tooth decay,
• impeksiyon sa ilong o lalamunan,
• hindi maayos na diyeta,
• constipation,
• paninigarilyo,
• di-makontrol na diabetes,
• liver o lung disease,
• indigestion,
• permentasyon ng mga tinga sa bibig,
• postnasal drip,
• stress at masamang bacteria sa colon.
• Ang pagkain ng mga mamantika at may malakas na amoy tulad ng bawang at sibuyas ay nagbubunga ng bad breath.
• May iba pang gulay at spices na nagdudulot rin ng bad breath.
• Ang palagiang impeksiyon sa baga ay maaaring magdulot ng masangsang na hininga.

May ilang karamdamang nagdudulot din ng kakaibang amoy ng hininga.
• Halimbawa, ang kidney failure ay nagdudulot ng amoy ihing hininga.
• Ang liver failure naman ay nagbubunga ng hiningang amoy isda.
• Ang isang diabetic ay kalimitang may amoy prutas na hininga.


Ayon  sa  mga pananaliksik tinatayang sampung porsyento ng kaso ng halitosis ay dulot ng  sinusitis,  tonsillitis at iba pang katulad na kondisyon. Napag-alaman din na ilan sa mga dumaranas ng halitosis ay walang malay sa kanilang sakit. Sa kabilang banda may mga taong nagaakala na mayroon silang halitosis subalit wala naman. lto ang tinatawag na  psychogenic halitosis. Ang problemang ito ay dinaranas ng ilang taong mayroong eksaheradong sensation. Kalimitan, ito ay dala ng isang  malubhang mental disorder tulad ng  schizophrenia. Minsan ang mga taong palaisip ng masama ay nakadarama ng matinding epekto sa kalusugan 


Makatutulong sa mga taong may psychogenic halitosis ang pagbibigay ng doktor ng solusyon hinggil sa pagsugpo sa bad breath. Kung magpapatuloy ang problema nangangailangan na ang pasyente ng isang psychotherapist.

TULONG PANSARILI UPANG MAIWASAN ANG BAD BREATH
Para sa karamihan, ang bad breath ay naisasaayos sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang simpleng pamamaraan:
• Regular na checkup sa dentista.
• Pagsisipilyo ng ngipin matapos kumain. Linisin din ang dila para matanggal ang mga patay na cells.
• Gumamit ng dental floss isang beses bawat araw para matanggal ang mga tinga sa pagitan ng mga ngipin.
• Uminom ng maraming tubig para mapanatili ang pagiging basa ng bibig. 
• lwasan ang mga matatapang na pagkaing nagdudulot ng bad breath tulad ng sibuyas at bawang. lwasan din ang spicy foods. Ang beer, kape, at alak ay nag-iiwan ng residues na dumidikit sa malambot na bahagi ng ngipin at sa bawat paglabas ng hangin ay lumalabas din ang masamang amoy.
• Palitan ang inyong toothbrush tuwing ikalawa o ikatlong buwan. 
• Magmumog matapos gumamit ng inhaler medication.
• lwasan ang mga pagkaing madaling maipit sa pagitan ng mga ngipin na pinagmumulan ng tooth decay tulad ng karne, gulay na maugat kagaya ng baguio beans, mga matatamis lalo na yaong malalagkit. 
• Linisin ang loob ng  katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng fresh lemon o kalamansi at tubig.
Sumailalim sa detoxification process.


Supplements with Scientific Support
1. Ang vitamin C ay nakatutulong magpalusog ng gilagid. Uminom ng 2 hanggang 4 na gramo kada araw.
2. Uminom ng  acidophilus araw-araw. Ang acidophilus (good bacteria) ay tumutulong balansehin ang  microflora sa inyong colon, na naglalayong mabawasan ang odor-generating fermentation.
3. Ang digestive enzyme at hydrochloric acid ay tumutulong na tunawin ang mabibigat na protina at nakababawas ng protein breakdown ng bacteria, isang proseso na naglalabas ng di-kanais-nais na amoy.
4. Ang mga chlorophyll tablets o liquid ay maaaring pansamantalang magdulot ng kulay berdeng dila. Subalit tumutulong din itong maisaayos  ang inyong hininga. Ang chlorophyll ay natural na deodorizer at isang aktibong sangkap ng mga popular na breath mints. Ang  alfalfa, kasama ang wheat grass, na may taglay na chlorophyll, ang naglilinis sa bloodstream at colon. Uminom ng 500 hanggang 1000 mg na tablet o isang tablespoonful ng likido ng chlorophyll 3 beses araw-araw. 5. Ang pagnguya ng parsley matapos kumain ay mabisang gamot sa bad breath. 


TANDAAN na ang bad breath ay maaaring senyales ng iba pang suliraning kalusugan. Komunsulta sa  inyong doktor para sa isang malawakang check-up kung ang sariling paggagamot at supplements ay walang
bisa sa inyong kalagayan.




By:  EDWIN POBLETE M.D.  │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      


Karunungan Para sa Pamumuhay (papaano ako makapamuhay ng may katalinuhan )

MORAL RECOVERY PROGRAM
Sa Dios ka magtiwala buong puso at lubusan . at wag kang mananangan sa sariling karunungan siya ay  sanguniin sa lahat mong mga balak , at kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad , (Kawikaan 3:5-6) . Maraming tao ang namumuhay na may ganitong pilosopya sa buhay.  “Sa mga panahong ito , dika dapat  tatanga-tanga .Kailangan mong maging wise ! kung hindi, yuyurakan ka ng iba at aagawin ang iyong mga karapatan .”Ano ang ibig sabihin ng ganitong pananaw sa buhay? Ang  mga Filipino ba’y nararapat na mamuhay sa ganitong pilosopya? Ang koum na ito ay tungkol sa pangangailangan ng tao ng karunungan upang magsilbing patnubay niya sa buhay, ito’y magbibigay ng ilang mga praktikal na tuntunin sa taong naghahangad na mamuhay ng may “katalinuhan “. 1. Alalahanin ang kapakanan ng iba sa lahat ng ating pakikisama . Ilang taon na ang nakakalipas may isang matalinong pilosopong –seyintipiko na nagsabing ang buhay ay isang nagpapatuloy na pagpupunyagi upang mabuhay . sa pagpupunyaging ito , ang kanyang sabi , ang pinaka-malakas  lamang ang nanatili. Ibig sabihin ng kaisipang ito sa pakikipag-ugnayan sa tao may ilang nag papalagay na iyon  lamang marurunong ang nararapat mamalagi sa daigdig o planetang ito. Ito bay maka-Dios na pangangatuwiran o hindi? 

Dalawang babala ang ibinigay sa atin ng pantas na si Solomon sa Biblia sa lumang tipan tungkol dito ang una ay tumutukoy sa tahanan . na kung saan madalas nating angkinin ang ating mga karapatan at ipahayag ang ating nararamdaman nang walang pagaalinlangan . Sa mga tahanan ng mga Judio ay madalas nilang ipagdiwang ang mga kapistahang pampamilya sa pamamagitan ng isang handog  pangkapayapaan , hindi lamang piesta na ipinagdiriwang , sa ibat-ibang panig ng ating bansa . ang mga gayong pagdiriwang ay nagiging malayo sa pagiging mapayapa sapagkat na lambugan ng mga ritwal na pangreliheyon. Ang Biblia na siyang  salita ni kristo ang nagbibigay ng tunay na kapayapaan at karunungan sa buhay . Kayat naniwala ang mga pantas na kahit tinapay at kaning walang ulam ang kinakain ngunit may kapayapaan ay higit na mabuti y sa isang bahay na sagana sa handaan at pagkain at sa lahat ng bagay subalit puno ng alitan panigbugho, bangayan at intriga .

Abanga sa susunod na labas sa paksa ito na papaano ako makapamuhay ng may katalinuhan? PAGPALAIN PO TAYO NG DIOS.







By: REV. E. ALVAREZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

PASUKAN NA NAMAN SA BAYAN NI JUAN CAVITEÑO

SPORTS DIMENSION
NAGPAPANIC ka na ba? Dahil ba pasukan na naman at minamabuti mong maghanda ng pagkarami-raming pangangailangan para sa darating na pasukan. Kay dami ng kailangan, kay dami ng dapat bilhin, at
papaano naman ang mga gamit at pangangailangan naman sa sports? Para sa iba, panghuli ang paglalaan dito dahil hindi ito prioridad, at itinuturing na pang-aliw sa buhay ang pagkakaroon ng sports sa buhay. Gayunpaman, iilan lamang ang may pagkakataon na makapaglaan at binibilang na prioridad sa buhay ang pagkakaroon ng sports sa buhay. Para sa iba, ang sports ang buhay nila para maipagpatuloy ang buhay.Sa ganang akin, totoo na mahirap pagsabayin ang pagkakaroon ng sports sa buhay bilang estudyante at para sa pamilyadong tao. Hindi sasapat ang pangangailangan kung isasama sa listahan ang sports. Kung kaya naman, isinasantabi ang kahiligan, at nakokuntento na lamang bilang tagahanga o manonood na lamang ng piling mga sports.

Kahit sa ibang bansa, hindi ganun kadali ang pagkakaroon ng sabay na paglalaan ng oras at panahon, lalo na kung wala sa kalagayan. Naisin mo man ay hindi ito matutugunan dahil sa magkukulang din naman sa pagtutok at pansin.

Sa darating na pasukan, pili lamang ang makakagawa nito, subalit, iilan din lang ang makakatugon kahit na may paglalaan. Kung kaya naman, may kakaunti pang panahon upang paghandaan na baguhin ang  kinagawiang pagkilos sa pangaraw-araw, sa skedyul, sa kasama, at higit sa lahat ang sariling disiplina.

Para sa mga estudyanteng papasok ngayon, ipagpatuloy lamang ang inyong pag-aaral, at timbangin ang inyong pamamaraan ng paglalaan sa darating na pasukan. At higit sa lahat ‘wag kayong mawawalan ng
pag-asa na mga pagkukulang na mararanasan, sapagkat kaakibat ang pagtitiis sa lahat ng pagkakataon.
Ikaw ang tinatanong, ano ba ang iyong prioridad, ang pag-aaral o pagiging sports minded.
Hanggang sa muli

***
Sa susunod na isyu, ay paguusapan na natin ang
paraan ng pag-iskedyul ng inyong buhay kasama ang
sports. Paano ba?
***
Kung mayroon kang mungkahi o nais mapag
usapan, maaari kang sumulat gamit ang email sa
emancayabyab@yahoo.com , at susubukan nating
mailahad ang ganung isyu.
By: EMAN CAYABYAB │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

May apila sa Comelec en banc ... MALIKSI, SIYA PA RIN ANG MAYOR NG IMUS


IMUS, CAVITE-
HINDI pa nauupo bilang alkalde uli ng Imus si Mayor Homer ‘Saki’ Topacio Saquilayan. Ito ang lumabas sa kampo ni Mayor Emmmauel.L. Maliksi kaugnay ng mga balita at ugong at mga bulong na ang nakaupo na raw ngayon sa munisipyo ay si Saki na pinalitan ni Maliksi noong Disyembre 28, 2011. Nitong nakaraang mga linggo, sumugod sa munisipyo ang maraming miyembro ng media, kabilang ang crew ng ABS-CBN at ABC TV 5, at iba-ibang field reporter ng maraming estasyon ng radyo. Bunga ito ng mga tinanggap na tawag at text messages na mauupo na si Saquilayan at nitong Lunes, Mayo 14, inakala ng marami na pupunta sa munisipyo ang dating alkalde para mag-opisina matapos ang ginanap na ‘Walk for Peace’ at misa sa Katedral ng Imus. “Wala namang order na mauupo siya,” sabi ni Maliksi na ang tinutukoy ay ang sinasabing pag-upo ni Saki nang mismong araw na iyon. “May nakita ba kayong nagra-rally sa paligid at sa harap ng munisipyo? Wala naman, di ba?” muli ay sinabi ni Maliksi sa mga mamamahayag na ininterbyu siya ng Lunes na iyon. Pinatotohanan ni Maliksi na nagharap na ang kanyang abogado, si Atty. Lualhati Cruz ng motion for reconsideration (MR) noon pang Mayo 07 laban sa desisyong inilabas ng Comelec 1st Division na binabaligtad ang order ng Imus RTC Br. 22 na nagdeklarang si Maliksi ang tunay na halal na alkalde ng Imus. Dedesiyunan ng Comelec en banc (MR) kung tama o mali ang desisyon ng Comelec 1st Division na pinamumunuan ni Commissioner Abraham Sarmiento, Commissioner Armando Velasco at Commissioner Robert S. Lim. Una, rito, humingi ng temporary order si Saki laban sa utos ni Mangrobang na iupong alkalde

si Maliksi, pero sa botong dalawa kontra sa isa ng Comelec 1st Division, nakapanumpa bilang alkalde at sa kasalukuyan ay nananatiling alkalde pa rin ng Imus si Maliksi. “Pinili po namin na manahimik at isampa ang kaso namin sa Comelec en banc para hindi magkagulo at hindi malito ang mga mamamayan ng Imus,” sabi ni Maliksi, kasunod ang pakiusap sa lahat na hayaang ang Comelec at ang husgado ang magdesisyon sa iringan sa politika ng “aking makisig na katunggali.” “Basta po ako, patuloy lang sa aking trabaho at maghihintay nang matahimik sa magiging utos ng Comelec at ng husgado,” sabi ni Maliksi. Nakikiusap si Maliksi sa lahat na iwasan ang pagkakalat ng intriga sa politika at walang batayang balita. “Tulad ng sinabi ng aking katunggali, idaan natin ang lahat sa maayos na proseso ng batas at iwasan ang karahasan,” pagtatapos ni Maliksi. 


By: TESS LEONILLO & ET │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012