BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

EDUCATIONAL ASSISTANCE, LEGACY NG MGA ABAYA


Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012  - October 13, 2012 issue


ROSARIO, Cavite– Kasabay ng pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral ng Rosario Elementary School, nagbigay ng mahalagang mensahe si Boy Blue Abaya (may  hawak ng mikropono) kung saan sinabi niya rito na ang educational assistance aniya sa mga  magaaral na pinasimulan ng kanyang ama na si dating Congressman Del Abaya ng Unang  District ng Cavite ay ipinagpatuloy ng kanyang kapatid na si Congressman na ngayon ay  DOTC Secretary Joseph “Jun” Abaya.

Sinabi pa ni Boy Bue na sa simula pa ay tanging magaaral ng primarya at sekondarya ang  nabiyayaan ng naturang programa, ngunit ngayon aniya ay sisikapin niyang pati na kolehiyo  ay dapat na mapabilang sa programang ito lalo na ang mga estudyante na napabilang sa angkan ng maralita.

Nagbubulong-bulungan naman ang mga magulang ng mga batang mag-aaral na dapat ay hindi anila pababayaan sa halip dapat suportahan ang kandidatura ng mamang ito (Boy Blue)  sa pagka-congressman bilang kahalili ng kanyang kapatid, Jun Abaya.

“Alin! Ipagsapalaran ba natin ang kinabukasan ng ating mga anak sa iba gayong halos lahat  ng mga anak natin ay napagtapos ng pag-aaral sa high school sa tulong ng mga Abaya,”  dagdag pa nila. (ART BROSAS, Photo by: Jun de Guzman)
page 05 - "EDUCATIONAL ASSISTANCE, LEGACY NG MGA ABAYA" │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13  October 07, 2012 - October 13, 2012


1 comment:

  1. good day po,san po nakakahingi ng medical assistance ky congressman at ano ang requirements

    ReplyDelete