BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BALANGKAS-PULITIKA SA CAVITE


Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 13
October 07, 2012  - October 13, 2012 issue


KAPANA-PANABIK ang magiging tunggalian sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Cavite sa 2013. Dating magkaalyado, ngayo’y mahigpit na maglalaban para sa pagrenda at pangasiwaan ng provincial government sa nalalapit na panahon.

Naghahangad na makabalik sa kapitolyo si dating gobernador Erineo “Ayong” Maliksi na  kasalukuya’y kinatawan ng lone district ng Imus. Ang “sixty four dollar question” ay kung  bakit gigil na gigil makopo ang provincial capitol samantalang “sure winner” si Cong. Ayong  kung hahangarin ay maging reelectionist sa darating na halalan?” 

Ang pagtataka ng isang supporter na masugid na tagahanga (ayaw pong magpakilala) ni  Cong. Ayong ay kung bakit “susugal” siya sa pagka-gobernador samantalang “nakakatiyak”  ito kung re-eleksyunista siya sa pagkaCongressman…na posibleng walang makakalaban.  Well, sa pananaw ng manunulat na ito walang ibang kandidato na masasabing “credible” para  isagupa sa kasalukuyang Governor Jonvic Remulla na puedeng “basbasan” ni P-Noy kundi si  Cong. Ayong lamang.

Dahil ito’y “good team player” bilang kasapi sa partido ng administrasyon PNoy, ang Liberal  Party. At stake siyempre is P-Noy’s pride. Ika ng isang political observer from Indang,  “Naniniwala ako na hindi maalis-alis sa isipan ni Pres. Noynoy Aquino ang pagbubulgar ni Cong. Boying Remulla sa umano’y malaking scam sa SCTEX noong ito’y tumatakbong  pangulo noong 2010. Di nga ba’t nagkamal umano ang pamilya Conjuangco-Aquino sa  bentahan ng lote na dapat ay P10/sqm lamang (libu-libong ektarya) pero katakut-takot na “price increment” (more than 1000%?) na ang nadehado sa bentahan ay mga pobreng  tenants ng Hacienda Luisita?” 

Matatandaan na ang partidong kinakatigan noon ni Cong. Boying ay ang Nationlista Party  (NP) ni then presidential candidate Manny Villar. Pero dahil naman sa “C-5 scam” na  ibinulgar naman ni then Sen. Jamby Madrigal, ayon nadiskaril ang pangarap ni Villar na maging pangulo at si PNoy ang pinalad na maluklok sa Malakanyang noon 2010. 

Ang tanong, di ba’t meron malaking coalition ang mga partido LP-NP-NPC sa kasalukuyan,  na tila dapat lamang ay isantabi na ang mga naging hidwaan noong nakaraan? Pero bakit sa  Cavite ay tila di umiiral ang nasabing coalition? 

Well, sinagot na ‘yan  ni outgoing Sen. Manny Villar sa ginanap na “alliance declaration” ng  Lakas-Magdalo kamakailan. Ika ni Villar, “Zona-Libre ang Cavite”—meaning kanya-kanyang  kayod ang ang mga nagtutunggalian sa pagka-gobernador at bise-gobernador. At sa puntong  ito, bagama’t ang suporta ng NP ni Villar ay nakahain pa rin sa mga Remulla, ang banggaang  MaliksiRemulla sa 2013 ay sadyang “very exciting”, siyempre ayon pa rin sa ilang political  observers. 

Opsss, teka lang…Lakas-Magdalo na ang alyansa, di  ba? Which means, Remulla-Revilla  against Maliksi-Lacson (gunning for vice-governor is Jay Lacson, son of outgoing Sen. Panfilo  Lacson). Again, a big question is lingering…what happened to Sen. Bong Revilla and Cong.  Ayong’s “good relationship”, if there’s one in the first place? Ika ng peborit kong barber sa  Indang na si Ka Angel, “…ganun talaga ang pulitika, kung saan ka puedeng kumabit para  makatiyak sa panalo! Wala naman talagang prinsipyo dito kundi ‘personal na interest’. Di ba  sabi ni Sen. Bongbong Marcos: ang mga political alliances na ‘yan ay MARRIAGE FOR  CONVENIENCE?” Ngek…

Going back to Cong. Ayong’s desire to get back the helm of leadership in Cavite, this writer  believes that it’s more than pride that meets the eye. Ngayong nakakatiyak ng todo-suporta  mula sa Malakanyang, lalo pa’t nang itaas ni PNoy ang kamay ni Maliksi para sa hangaring  maging gobernador ito ng lalawigan na wika ay: “…marami pang magagawa si Manong Ayong  sa Cavite”, tila malaking tiwala ni Maliksi na siya’y makakabalik sa kapitolyo. Pero ang  TIYAK, hindi papayag siyempre ang mga Remulla na ngayo’y masasabing malaking pader  ang babanggain—ang pader ng Palasyo! Pondo por pondo…opsss, punto 4 punto…wait till  2013 folks. He he he…

page 05 - "DAMPI'T HAPLIT"  by: DANN FABROS │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 13  October 07, 2012 - October 13, 2012


No comments:

Post a Comment