BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Sen. Bong Revilla for President in 2016!

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


YES, I’ve heard it straight from his mouth, hindi Vice President ang tatakbuhan ni Sen. Bong Revilla sa 2016  kundi Presidente. Sa isang presscon na ginanap sa opening ng Bakood Festival itinama ni Sen. Bong Revilla  ang tanong sa kanya ng isang Press kung siya ba ay tatakbong Vice President sa 2016, deretsang sinagot ni  Sen. Bong na hindi Vice Pres. kundi Pres. ang kanyang tatakbuhan sa 2016. Well, medyo malayo pa at  marami pang mga posibilidad na mangyayari. Gayun pa man, isang karangalan sa mga kabitenyo ang  pagkaroon ng presidente na manggagaling sa Cavite.  Ang unang presidente ng Pilipinas ay si Gen. Emilio  Aguinaldo ng Kawit, Cavite.

Isa si Senator Bong Revilla sa may mga  pinaka maraming batas na naisulong sa senado. Mag antabay po  tayo sa mga susunod na mangyayari.

Sa ngayon magiging busy na ang mga kandidato na sasabak sa 2013 election. Masyadong mabilis ngayon  ang mga araw, sa susunod na buwan marami na ang ngingiti sa atin at manganga-musta kahit hindi natin  kakilala.  Ganyan ang pulitika, kahit sa kasuloksulukan ay dadayo at makikipag kamay para lamang makuha  ang iyong boto at kapag nanalo na ay hindi na maka-alala sa iyo. 

Siyempre, hindi naman lahat! Maging leksiyon na sa atin ang tatlong taong nagdaan.  Kung sa palagay natin  na wala namang magandang nangyari sa loob ng tatlong taon huwag na nating bigyan ng pagkakataon na makaupo sa puwesto. 
page 11 - "REKTAHAN" BY: MARITES LEONILLO│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:

Post a Comment