BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PNP STICKER PARA SA MGA NAKAMOTORSIKLO KAILAN KAYA MAIBABALIK?

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


MAHIGPIT na kampanya noon ang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) sa mga motorsiklong expired at  walang rehistro,upang masawata  ang mga masasamang elemento na naghahasik ng lagim  partikular ang mga tinatawag na riding in tandem criminals. Kabi kabilang checkpoint ang isinagawa ng  kapulisan upang sitahin ang mga naka motorsiklo. 

Isang hakbang din ang kanilang isinagawa sa pamamagitan ng pag iisyu ng mga sticker na ikinakabit sa mga  motorsiklo, sa ganitong pamamaraan ay mapipigil ang mga gumagamit ng motorsiklo sa masamang gawain.

Hanggang buwan ng Marso 2012 ay naging saksi tayo sa himpilan ng pulisya sa mga dumarating na mga gumagamit ng motorsiklo nagpapakabit ng sticker. 

Ang siste, waring kinapos ang PNP sa dami ng mga gumagamit ng motorsiklo at dahil sa walang sinisingil sa  pagpapakabit ng sticker kundi ang requirements na rehistro, insurance ng owner, valid license ng  motorcycle  owner natigil ang pag iisyu. 

Sa araw araw na mga nagaganap na krimen, bumubulaga ang mga krimeng gawa ng riding in tandem, snatching, holdap, at pagpaslang, Wala kayang sapat na pondo para maipagpatuloy ang kampanyang ito? Sa  ating kasing pananaw, malaki ang maitutulong nito upang kahit papaano hindi man matigil ay makontrol ang  mga masamang gawain ng mga gumagamit ng motorsiklo lalo at higit iyong mga riding in tandem criminals.

Harinawang mapag ukulan ito ng pansing maibalik, kung kapos sa pondo siguro ang isa sa mabisang paraan para maibalik ang pag iisyu  ng mga sticker ay ang paniningil maibalik ang gastos sa pagpapagawa  upang  tuloy tuloy ang  at hindi lumabas na isang ningas kugon  na kampanya.

Harinawa... 


****
PARA SA MGA TRAYSIKEL
AT PEDICAB DRIVER SA
CAVITE CITY...
Mahigpit ang kampanyang ipinatutupad sa batas trsapiko sa lunsod ng Cavite  laban sa mga pasaway na  traysikel at pedicad drayber na nagsasagawa ng ilegal na terminal, partikular doon sa mga madalas  umistambay na traysikel at pedicab sa loob ng palengke. 

Kadalasan kasing itong mga pasaway na traysikel at pedicab kapag nalingat  ang mga guwardya o traffic enforcer eh pumupuslit at doon na kumukuha ng pasahero. 

Sabi nga ni P/ Supt. Rommel Javier, may inilagay na terminal para hindi mahirapan ang mga pasahero sa  labas ng gate ng palengke ang problema malingat lang ang mga guwardya o ang mga traffic enforcer  sumasalisi, kawawa naman ang mga ibang mga drayber na sumusunod sa batas trapiko.

Iparehas nating mga kapatid nating mga drayber ang laban tigilan na ang panggugulang ng pare parehong  kumita. Mas gugustuhin nyo pa ba na mahuli mag multa at maabala? 

Eto pa ang isang batas trapiko na mahigpit na ipinatutupad ni SPO4 Luis "Louie"Janohan ang bagong  talagang hepe ng Traffic Division, para din sa mga traysikel at pedicab drayber "BAWAL na dumaan ang  mga traysikel at pedicab sa mainroad na malapit sa eskwelahan, may mga oras na itinakda para hindi maka abala at makasagabal sa mga motorista at mga pumapasok at lumalabas na mga estudyante."

Wika nga para hindi maka abala sa daloy ng trapiko, sa ngayon panay paninita lamang ang ginagawa, huwag   maging pasaway dahil sa oras na  matikitan at magmulta abala din mga kaibigan nating mga drayber sa  paghahanapbuhay. 

Sumunod po tayo sa batas ng hindi tayo maabala. God's will,see you net issue...
page 4 - "HOTSHOTS" by: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue




No comments:

Post a Comment