BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Papogi ng ilan gamit ang sports, nagsisimula na!

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


NAPAPANSIN mo ba sa lahat ng lugar dito sa Pinas na marami ng nagpapakilala na sila ay papasok na sa  pulitika? 

Naglalakihan ang mga bill boards na nagpapaalala sa ating mga kababayan ang simpleng pagbati o  pagpapaalam ang nalalapit na petsa ng fiesta o isang palarong pambayan ay naglipana na. Hindi mo tuloy  malaman kung alin sa mga ito ang totoo at alin naman ang nagpapakilala lamang, sa madaling salita ay  “papogi” points sa mga botante.


Isa lamang paraan ang paggamit ang sports at mga piling selebrasyon tulad ng “alay lakad”, “fun run”,  “environmental week”, “world youth day”, at kung ano ano pa para lang gamitin sa pampulitikang adhikain.  Nakakatuwa nga dahil ang simpleng laban ng mga manlalaro ay nagiging kumplikado dahil pilit na sinisingit  ang mga pulitikal na agenda ng mga baguhang papasok sa pulitika. 

At sa mga organisasyon naman ng mga sports, nakakatanggap naman sila ng mga tropeo, donasyon o kahit pa ang medalyang kulang na lang ay iukit na rin kung sinong pulitiko ang nagbigay nito, hindi ba’t m asyadong maaga na ang pagpapapogi ng mga ito?

Totoo na ang sports ay isang kahiligan na posibleng mahaluan ng mga simpleng papogi na maaari namang makatulong sa mga manlalaro, subalit, kung garapalan  naman, nawawala na ang halaga ng tunay na labanan sa  kadahilanang nagkakaron lamang ng palaro dahil pala sa pagpapakilala lamang ng isang papasok na kilalang angkan sa larangan ng pulitika. 

Natural din naman na hindi ito tatanggihan ng mga sports organizers dahil madaragdagan ang kanilang pondo,  at maaaring makakuha ng mas kalidad na referees o expert. Kung gayun naman, ano naman ang kalidad ng  mga manllaro? Hindi kaya lumabas na sa halip na atleta ang makuha ay mga “actors” ang makuha? Oo,  maaaring drama lamang ang lumabas sa halip na bakbakan ang mapanood mo. Sa darating na bakbakan nila  Manuel Marquez at Manny Pacquiao, masasabi mo bang pelikula ang iyong mapapanood o isa itong tunay  labanan, ikaw na ang humusga. Tandaan na ang manok natin ay isa ring pulitiko, at ngayon pa lamang,  naglipana na ang mga karatula sa kanilang parating na laban sa Disyembre. 

Kung ikaw ang tatanungin, mapipili mo ba sa mga karatulang nakakalat sa lansangan ang dapat at hindi dapat  manatili? Hindi ba’t tayong mga mamamayan ang nasa peligro lalo na’t maraming mga bagyo ang parating sa ating bayan? Kayo na ang humusga!

Hanggang sa muli.
page 10 - "SPORTS DIMENSION" BY: EMAN CAYABYAB│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:

Post a Comment