September 30, 2012 - October 06, 2012
• Para sa mga lalaki:
1) baga (lungs);
2) atay (liver);
3) malaking bituka (colon/rectum);
4) prostate;
5) stomach;
6) leukemia;
7) lalamunan (nasopharynx);
8) oral cavity;
9) non-Hodgkin Lymphoma; at
10) larynx.
• Para sa mga babae:
1) suso (breast);
2) kwelyo ng matris (cervix uteri);
3) baga;
4) colon/rectum;
5) ovary;
6) thyroid;
7) liver;
8) leukemia;
9) matris (corpus uteri); at
10) tiyan (stomach).
Ayon sa mga pag-aaral halos 70% ng kanser ay may kinalaman sa ating pagkain, timbang, ehersisyo, at paninigarilyo.
Naririto ang sampung paraan upang mailigtas ang sarili laban sa kanser:
1. Huwag manigarilyo. Walang duda na hindi lamang kanser sa baga ang naidudulot nito kundi pati na rin sa pantog, kwelyo ng matris (cervix), lalamunan, bato (kidneys), lapay (pancreas) at “voice box” o larynx. Sa tuwing naninigarilyo ay nahaharap ang katawan natin sa mahigit 4,000 kemikal kung saan 40 dito ay nagdudulot ng kanser. Ang pagkakataong magkakanser ay tumataas habang dumadami ang sigarilyong nauubos arawaraw at nakadepende din sa tagal ng panahong naninigarilyo ang isang tao.
Maliban sa kanser ang pagtigil sa paninigarilyo ay panlaban din sa stroke at atake sa puso.
2. Kumain ng prutas at gulay. Inirerekomenda ang pagkain ng limang “servings” ng prutas at gulay kada araw. Alam na natin na ito ay mayaman sa bitamina, mineral at “antioxidants” na panlaban sa kanser.
Ang mga ito rin ay mababa sa calories na nakatutulong magpababa ng timbang. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C at Vitamin A (Betacarotene) ay depensa ng katawan laban sa pagkasira ng “cells” nito. May mga “food supplement” na nabibili sa botika subalit hindi pa rin ito tatapat sa bisa ng natural na prutas at gulay.
3. Bawasan ang taba sa pagkain. May mga pag-aaral na nagsasabing ang labis na taba sa pagkain ay nagdudulot ng kanser sa bituka, baga at maging sa suso. Limitahan lamang ang taba sa 20%-30% ng ating araw-araw na pagkain. Maganda ring ang taba ay magmumula sa pagkain ng isda, mani at gulay tulad ng “olive oil” at “canola oil”.
4. Panatilihin ang malusog na timbang. Ang labis na timbang ay kaakibat ng kanser sa suso, matris, bituka, esophagus, bato, prostate, atay, apdo (gallbladder), lapay (pancreas), tiyan, obaryo at cervix.
Ang labis na timbang ay nakasisira ng metabolismo at ng kakayahan lumaban sa sakit. Ito rin ay nakasisira ng balanse ng “hormones” sa ating katawan kabilang na ang “estrogen” at “insulin”.
5. Maging aktibo. Ito pa rin ay may kinalaman sa pagpapababa ng timbang. Inirerekomenda na mag- ehersisyo 30 minuto limang araw o higit pa linggo-linggo.
6. Iwasan ang alcohol. Ang labis na alkohol ay may kaugnayan sa kanser sa bibig, lalamunan, esophagus, atay, bituka at suso. Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay delikadong pormula para sa kanser.
Ang isang taong umiinom ng alak na may mababang Folate o bitamina B sa katawan ay nanganganib na magkaroon ng kanser sa suso at bituka. Inirerekomenda ang 400 mcg ng Folate araw-araw.
7. Limitahan ang pagtapat sa “radiation”. Ang pinakamadalas na sanhi ng radiation ay ang “ultraviolet rays” na galing sa araw. Ito ang pangunahing dahilan ng kanser sa balat.
Dapat na gumamit ng proteksyon kung lalabas sa init ng araw tulad ng pananamit o sunscreen. Ang labis na X-ray at radiotherapy ay maaari ring mauwi sa thyroid kanser, leukemia at kanser sa suso.
8. Proteksyunan ang sarili laban sa impeksyon. May ilang “viruses” na napatunayang nakapagdudulot ng kanser tulad ng “Human Papilloma Virus” (HPV) na sanhi ng cervical cancer. Ang “Hepatitis B at C” ay nagdudulot naman ng kanser sa atay.
Ang “Human Immunodeficiency Virus” (HIV) na nagdudulot ng AIDS ay nagdudulot rin ng kanser. Lahat ng nabanggit na mga mikrobyo ay nakukuha sa hindi protektadong pakikipagtalik.
9. Tandaan ang mga gamot na iwas-kanser. May mga gamot na napag-aralang malaki ang naitutulong upang maiwasan ang kanser. Isa dito ay ang “Tamoxifen” na ibinibigay sa mga babaeng mahigit edad 35 at may mataas na tsansang magka-kanser sa suso. Ang “Aspirin” naman ay para sa kanser sa bituka. Ang mga gamot na nabanggit ay may maraming hindi kanais-nais na epekto sa katawan kayat nararapat lamang inumin ito ayon sa rekomendasyon ng inyong doktor.
10. Gawin ang mga rekomendadong eksaminasyon at pagsusuri laban sa kanser. Bagamat hindi ito nakapagpapa-iwas sa kanser, ang “regular screening” ay dahilan upang madiskubre ng maaga ang isang kanser. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ito ng maaga at agarang lunas para sa higit na malaking tsansa ng kaligtasan.
Isang halimbawa ay ang taun-taong “mammogram” para sa mga babaeng edad 40 pataas upang makaligtas sa kanser sa suso. Kabilang rin dito ang “papsmear” na ginagawa mula edad 21 o tatlong taon matapos ang unang pakikipagtalik.
Hindi ba’t nakatutuwang isipin na meron tayong magagawa laban sa sakit na kanser? Ibayong pag-iingat lang ang kailangan!
page 5 - "CAVITE HEALTH WATCH" BY: EDWIN POBLETE M.D. │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12 September 30, 2012 - October 06, 2012 issue
No comments:
Post a Comment