BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MARAGONDON, HIGANTENG NAHIHIMLAY, LINANGIN ANG NATATAGONG YAMAN

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


MGA kaibigan may lugar sa Cavite ang hindi nabibigyan ng pagkakataong pagandahin ng ating gobyerno na  talagang maipagmamalaki natin.

Nakapanayam natin ang magiting na dating konsehal ng bayan ng Maragondon na si Rogelio “Jun”  Castronuevo, ayon sa kanya ang Maragondon, Cavite ay: 
• Largest town in the whole province (land area)
• 70% more or less is now productive 
• Largest producer of bamboo (whole province)
• with 4 strongest geographical element (ocean, river, mountains & open fields (rice fields) 
• with great historical contribution in national history 
• complete in three level of educational institution (with elem. schools, high schools & university) 
• Needed
• Infrastructure such as bridge will lead its way to agricultural development 
• more advance agricultural technology and facilities 
• improve agriculture & tourism industry hand and hand to bring livelihood & employment 
• good governance and political will among leaders. 

Ipinaliwanag  ni former Municipal Councilor Jun na ang Maragondon ay isang bayan na itinuturing na may pinakamalaking sukat ng lupain sa lahat ng bayan sa buong lalawigan ng Kabite, subalit ang nakalulungkot  humigit kumulang sa 70% ng mga lupain nito ay tiwangwang at hindi produktibo.


Sa kabila nito, ang bayan ng Maragondon ang may pinakamalaking produksiyon ng kawayan sa buong  lalawigan, isang industriya na mainam na pagyamanin at palawakin pa ng pamahalaang lokal ng Maragondon  upang maipakilala ang natatagong potensiyal sa hanay ng industriya ng kawayan at maaaring maglagay sa  estado ng bayan ng Maragondon bilang “Bamboo Capital of the Phils.” isang pangarap na kayang matupad  kung pagsisikapan at pagtutulung-tulungan. 

Kung susuriin, upang magamit at maging produktibo ang malaking bahagi ng lupain ng bayang ito, tatlong  tulay ang pangunahing kailangan upang mapag-ugnay ang mga lupain nito patungo sa kabayanan, tulay na  mag-uugnay sa bukal at ibayo ng bukal. Tulay ng Caingin patungo sa ibayo ng Caingin at tulay sa Poblacion  patungo sa ibayo ng bayan.

Ang mga tulay na ito ang magpapasigla sa agrikultura at industriya ng kawayan sa bayan ng Maragondon at  ito rin ang magbubukas ng mga lagusan sa barangay ng bayan ng Maragondon tulad ng Mabacao, Layong  Mabilog at Talipusngo upang mabilis na maihatid ang mga produktong agrikultural sa ating kabayanan at  kanugnog na mga bayan.

Pansinin ang ganda ng imahe ng kabundukan ng Maragondon, animo’y isang higante na nahiga at nahihimlay  sa napakahabang panahon, isang napakayamang bayan, kumpleto sa apat na pinakamalakas na elemento ng  heyograpiya, may kabundukan, karagatan, kapatagan o kabukiran at mayamang kailogan.


Ang bayang ito ay malaking bahagi rin sa kasaysayan ng bansa, naging kanlungan din ng ating mga bayani at naging sisidlan ng mga patak ng dugo ng bawat Katipunero, hukbalahap at beterano at iba pang nagtanggol  sa kalayaan ng ating bansa.

Nararapat na magkaisa  ang  bawat mamamayan ng bayang ito na itaguyod at ipakilala ang bayang ito ‘di  lamang sa lalawigan ng Kabite kundi sa buong bansa NAGKAKAISANG MAMAMAYAN... WALANG IMPOSIBLE!

I shall have to walk this world but once. Therefore, if I have to do something good, let me do it now, for I  shall not pass this way again (Abraham Lincoln)

Minsan lang ako magdaraan sa mundong ito, kaya’t kung may mga makabuluhang bagay na nararapat kong  gawin ay dapat na gawin ko na, sapagkat ‘di na ako makakabalik upang muling tahakin ang landas na ito.

Join us now for 2013
LET’S PROMOTE MARAGONDON AND MAKE IT A BAMBOO CAPITAL OF THE PHILS. PRIDE OF MARAGONDONIANS!!! PRIDE OF EVERY CAVITEÑOS!!!
page 10 - "KASANGGA" BY: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue


No comments:

Post a Comment