BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

KOTONG NA NAMAN!

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


KATATAPOS lamang ng insidente ng pakakasibak sa pwesto ng kaanib ng kapulisan ng kyusi  dahil sa  kangongotong sa anak ni NCRPO Director General Leonardo Espina, heto at  dalawang tauhan ng  Parañaque City Police ang nahuli sa video footage na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors na  nagkalat sa bisi-nidad ng simbahan ng Baclaran, kamakailan lang.

Kinumpirma ni Parañaque Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran ang insidente sanhi upang sibakin niya sa  kanilang puwesto sa Police Community Precinct 1 sina PO2 Adrian Valencia at Po2 Elan Sagario habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaso.

Sinasabing,isang con-cerned citizen ang nagpadala sa kanila ng “video footage” na kitang-kita ang dalawang  pulis na tumatanggap ng sobre buhat sa mga iligal vendors sa paligid ng Our Lady of Perpetual Help sa  Baclaran. 

Sinasabing  matagal na umanong inirereklamo ng mga deboto at kaparian ang hindi masawatang mga iligal  vendors at terminal sa paligid ng Simbahan na dahilan na upang hindi maaprubahan ng Vatican City ang  aplikasyon nila upang maging Inter-national Shrine. 

Paanong nga na masasawata ang mga illegal vendors kung may payolang tinatanggap ang mga naka assigned  na pulis sa Baclaran.

Sus, huwag naman nating gamitin ang ating mga uniporme sa pangongotong iyong mga hindi gumagawa  nadadamay. 

Marami pa rin ang mga hoodlum in unforms kawawa naman ang iba na gumaganap ng tapat sa kanilang mga  tungkulin, tingin tuloy ng iba pare pareho ang mga pulis.

Nakakahiya di ba?
page 4 - EDITORYAL │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:

Post a Comment