BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Fort Drum (Isla ng El FRAILE) - I

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 04
August 05, 2012 to August 11, 2012


Ang Fort Drum ay ang dating isla ng El Fraile na pagkatapos ng labanan ng mga kastila at amerikano ay  nakuha ng Estados Unidos.


Nagpasiya ang Board of Fortification ng Amerika na pinamumunuan ni William H. Taft at irekomenda na  lahat ng pangunahing puwerto sa mga teritoryong nasakop ay palakasin. 

Ang El Fraile ay naging tanggulan at isinama sa mga puwertong nagdedepensa sa Look ng Maynila at Subic. Noong una ang Fort Drum ay binalak maging “mine control” at istasyon ng “mine casemate.” Ngunit dahil sa  ‘di sapat na depensa sa lugar na iyon, isang plano ang isinagawa upang ipatag ang isla. Upang gawin ang  isang onkreto na itatayo sa ibabaw ng isla at armasan ito ng dalawang kambal na 12 pulgadang kanyon. Ito  ay pinadala sa War Department at pinalitan nila ang 12 pulgadang kanyon at ginawang 14 na pulgadang  kanyon na nakakabit sa “twin armoured turrets.” 

Ang ikalawang armamento ay ang 2 pares na 6 na pulgadang kanyon na nakakabit sa “armoured casemates”  sa magkabilang bahagi ng prinisipal na istraktura. Isa pang upang maproteksiyunan ang Fort Drum ay ang  inilagay sa ibabaw nito ay ang 18 piye ang kapal na “steel-reinforced concrete deck.” Ang panlabas na  konkretong pader ng Fort ay 25 hanggang 60 talampakan (7.6 hanggang 18 metro).
page 3 - KASAYSAYAN by: WILL B. PAÑGILINAN │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 

to be continue...



No comments:

Post a Comment