BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

EX CAVITE GOV. MALIKSI INREKLAMO SA OMBUDSMAN SA LRT PROJECT

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


INIREKLAMO ng paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act si dating Cavite Governor Erineo ‘Ayong’  Maliksi sa Office of the Ombudsman ng limang residente na apektado ng itatayong Light Rail Transit  (LRT)  line extention project sa lalawigan ng Cavite.

Sa 43-pahinang reklamo nina Jovelyn Santiago, Flordeliza Gordola, Rolando Gordola Jr., Noligie Gonzales  at Flordeliza Fajardo na mga direktang naapektuhan ng naturang proyekto, hindi umano tinupad ng dating  opisyal ang nilala man ng MOA.

Ang hindi umano pagsunod ni Maliksi sa kasunduan sa pagitan ng LRTA ang isa raw sa dahilan upang maantala ang pagpapatayo sa naturang proyekto.

Unang nagkaroon ng kasunduan ang lalawigan ng Cavite at LRTA noong 2008. Sa naturang MOA naglaan ang LRT Authority ng P500 million sa provincial government, sa pangunguna ni Maliksi, para sa pagpapatayo  ng bahay o relokasyon sa 2,000 pamilyang tatamaan ng nasabing proyekto.


Sa liham ni Mel Robles, dating administrator ng LRTA, ang P500  million  ay ginugol lamang sa pagtatayo ng  180 bahay.

Dahil dito lumalabas na nagkakahalaga ng P2.77 million ang bawat low cost housing na kung susundan ang  kasalukuyang kalakaran, ang isang low cost housing ay nagkakahalaga lamang ng P250,000.

Nabatid na ang konstruksiyon ng LRT line extension ay hindi masimulan dahil sa kakulangan ng itinayong  bahay na relokasyon sa mga squatters.
page 2 - EX CAVITE GOV. MALIKSI INREKLAMO SA OMBUDSMAN SA LRT PROJECT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:

Post a Comment