BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Editoryal: KAILAN NGA BA MATUTUTO ANG MGA TAO SA PAGTATAPON NG BASURA


SA tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umabot na sa 16 katao ang  bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Gener.

Sa ulat ni  Executive Director Benito Ramos  dalawa ang nasawi  sa landslide sa Benguet,dalawa  ang  nadaganan ng puno, walo ang nalunod, samantalang ang iba ay hindi pa nakikilala.

Sa ulat  pa rin ng NDRRMC  may 63,000 pamilya o kabuuang 303,000 katao na karamihan ay mga  residente ng Luzon ang naapektuhan ng bagyo. sa nasabing bilang nasa 1,027 pamilya o kabuuang 4,619  katao ang nasa mga evacuation center.

At naitalang may P2 milyon naman  ang pinsala sa agrikultura at hayupan ng bagyong Gener partikular na sa Cagayan Valley Region.

Samantalang, anim na bayan at dalawang lungsod sa Cavite ang isinailalim sa state of calamity dulot din ng  malaking pinsala ng bagyong Gener na nagbuhos ng malakas na pag-ulan, at malalaking alon.

Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk sa NDRRMC  kabilang sa mga isinailalim sa state of calamity dulot ng mga pagbaha ay ang Bacoor City, Kawit, Noveleta, Ternate, Rosario, Tanza, Naic, at Cavite City na dumanas din ng water surge ang ilang kabahayan sa baybaying dagat kinabibilangan ng Barangay Munting  Mapino sa bayan ng Naic kung saan nawasak ang mga kabahayan  na pinatindi pa ng malalakas na ihip ng  hangin.Matinding naapektuhan naapektuhan  ang Bacoor City at bayan ng Rosario kung saan umabot sa  hanggang dibdib ang mga pagbaha sa mga Barangay Habay Uno at Ligtong 3.

Sa bayan ng Ternate, aabot sa 16-kabahayan na nasa tabing dagat ang winasak ng bagyong Gener.

Hindi pa man nakakaalis ang bagyong Gener ay may panibagong low pressure na naman ang namataan ng  PAGASA, Tiyak matinding pinsala pa rin ang idududlot nito at matinding pagbaha.


Tambak  ang mga basurang iniluwa ng dagat sa iba't ibang baybaying dagat.

Tone-toneladang mga basurang hindi natutunaw na itinatapon din ng mga mamamayan dahilan ng pagbabara  ng mga tubig daluyan, kanal estero imburnal at nagpapababaw sa mga ilog.

Kailan nga ba matututo ang mga mamamayan sa pagtatapon ng mga basura sa dagat ilog estero mga kanal at imburnal.Matuto na sanang disiplinahin ang bawat sarili dahil ang mga basurang itinapon ay babalik din sa atin  at hindi birong pinsala ang hatid nito.

Harinawang tuluyan ng maalis ang pag gamit ng mga plastic at mga kauri nito na isa sa dahilan ng pagbaha., matuto sana tayo sa mga nangyayari.
page 4 - EDITORYAL │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 

No comments:

Post a Comment