BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

‘Di na “ma-reach” si “consultant”?


Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


KAMAKAILAN tayo po ay pinasaringan ng ilan nating kapatid sa pamamahayag tungkol sa pagkatao at  karakter ng dati natin “iginagalang” na kasamahan sa hanapbuhay. 

Maraming pagkakataon na ating “sinasalo” ang mga hinahagis na pasaring sa “media consultant” na giit ng  ating mga kumare at kumpare sa pamamahayag sa biglang pagiging mapagmataas at tila di na yata  nakatungtong sa lupa ang mga paa nito.

Lagi kong sansala at pagsalag para sa “media consultant” sa ilang batikos ay “hindi naman, siguro ay sadyang  busy lang madalas si “media consultant” kaya  kayo (at pati tayo) ay ‘di napansin at malayo na sa kanyang  paningin. Siguro malabo na rin ang mata ni “media consultant?” he he he..

Na bagama’t sadyang “napakalapit” sa akin ay sana abot kamay lamang siya. Pero nitong nakaraang  okasyon sa isang malaking political engagement sa Cavite ay tila naniniwala na nga yata tayo sa mga pasaring  ng ating mga kumare at kumpare sa hanapbuhay. 

Dahil, naging recipient tayo ng kanyang tila di na ma-reach na kalagayan sa kanyang ginagalawang sirkulo na  inabibilangan ng mga political bigwigs sa lalawigan. Well tumagal ka sana kaibigan sa iyong pamamayag  pag … siyempre ang hangarin ito ay mula sa patnugutan.

Nga pala, paalala lamang.. bulag daw  at walang unawa ang hindi marunong lumingon…
page 4 - ‘DAMPI'T HAPLIT'  by: DAN FABROS │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue

No comments:

Post a Comment