BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Alyansang Lakas-Magdalo sa Cavite

Newspaper Archives Vol. 10 Blg. 12
September 30, 2012 - October 06, 2012


MAINIT ang pagtanggap ng mga Caviteño sa alyansang naganap sa pagitan ng mga Remulla at Revilla,  dalawang dambuhalang politikong pangalan dito sa lalawigan ng Cavite. 

Ang alliance declaration ay ginanap noong Setyembre 25, 2012 sa Island Cove Resort na pag-aari ng mga  Remulla na tinatayang sampung libong mamamayan ang dumalo upang saksihan ang bagong silang na political  alliance na umano’y magtataguyod sa tambalang Gov. Jonvic Remulla (reelectionist governor) at BM Jolo  Revilla (for vice governor) sa 2013 elections. 

Matatandaan na bago nangyari ang Lakas-Magdalo alliance  declaration ay naganap naman ang deklarasyon ng Liberal Party ng administrasyon Benigno “Noynoy”  Aquino III para ibando sa buong lalawigan ang tambalan panapat: 
Rep. Erineo “Ayong” Maliksi, naghahangad na makabalik bilang gobernador, at Jay Lacson bilang vice governor. 
Mismong si P-Noy ang nagsabing, “…marami pang magagawa para sa Cavite si Manong Ayong.” Kayat hangad ni P-Noy na tangkilikin ang tambalang “Ayong Maliksi-Jay Lacson” sa 2013. Si Jay ay anak ni Senador Panfilo Lacson na isa rin “anak” ng Cavite samantalang si Jolo ay anak naman ni Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado.


Sa talumpati ni Sen. Bong ay kanyang sinariwa ang mga naitaguyod ng Ramos administration sa pagsulong ng  ekonomiya, “Under Pres. Ramos’ leadership the Philippines became  Asia’s tiger economy. Known  worldwide was his advocacy of being for God, people, country and environment. And to this day the  progress attained by the Philippines under Lakas has been unequalled.” Samantala, todo-suporta naman si   Sen. Manny Villar sa naganap na alyansa ng Lakas-Magdalo na bagama’t ang Nationalista Party (NP) na  kanyang pinamumunuan ay may kasalukuyang koalisyon sa Liberal Party (LP) at Nationalist People’s  Coalition (NPC) ay nagsabing, “Zona-libre ang Cavite.” Sinabi sa isang ulat na ang LPNP-NPC ay  nagsasagawa ng pinal na agrimento na magtataguyod sa “equity of the incumbent if only one candidate from  the coalition is contesting the local post.” 

Dagdag pa sa ulat, “The leaders of the the LP-led coalition that include NP and NPC have reportedly  agreed to declare as free zones certain areas where candidates of the three parties are contesting local  posts.”

Sa pahayag naman ni Sen. Bongbong Marcos ay sinabi, “There is no agreement on policy. We are talking  only about the elections. The coalition is to find a formula by which the two parties can operate this election.  

Pero nagbigay ito ng pasubali sa pasaring na ang LP-NP coalition ay tinaguriang “coalition for convenience.”  Ika ni Sen. Marcos, “Some marriages of convenience last very long…”


Matatandaan na ang mga Marcos (NP) ay naging mahigpit na katunggali ng mga Aquino (LP) sa usaping political nang mga nakalipas na panahon pero pumaloob si Sen. Bongbong sa coalition LP-NP dahil na rin sa hangaring makakapag-ambag sa ikabubuti ng ating bansa, ayon pa rin sa pananaw ng isang Marcos  supporter.

Sa ambush interview naman kay Cong. Boying Remulla ay sinabi, “We have to look ahead for the continuity  of programs and projects that are now in place. 

Kailangan natin siguruhin ang ikabubuti ng bawat mamamayang Caviteño dahil ang ating hangarin ay para lalo  pang mapaunlad ang ating mga kababayan in terms of education, livelihood and employment opportunities. Ang himok ko sa lahat maging mahusay at malinis ang halalan at gawin natin ang nararapat para sa lalo pang pag-unlad ng lalawigan.”

Naging mainit at agresibo naman sa kanyang talumpati si Gob. Jonvic na nagsabi, “…tapat ako sa usapan pero ang ikinagagalit ko sa kanila ay mga over-pricing sa [pagbili] ng multi-cab, pagpapagawa ng mga multi- purpose buildings…” Sa pananaw ng ilang observers, ipinaaalala lamang ng kasalukuyang gobernador ang nakita nitong “katiwalian” sa nakaraang pamunuan ng Maliksi administration.

Ilang dumalong political bigwigs ay kinabibilangan nina Sen. Antonio Trillanes IV, Rep. JV Ejercito, Rep.  Lani Mercado at exRep. Cynthia Villar na sinasabing tatakbo bilang Senador sa 2013. Todosuporta din ang  mga kaalyadong mayors, vice-mayors, councilors, barangay chairmen at mga lider ng NGOs, mga  organisasyong kabataan at mga empleyado ng local na pamahalaan. 
page 9 - BY: DAN FABROS with OERT │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 12  September 30, 2012 - October 06, 2012 issue




No comments:

Post a Comment