BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Training para sa mga Bidders


ITO ay matagal nang pinaplano ng mga eksperto sa procurement bilang daan upang masugpo ang mga anomalya at sabwatan na hindi na yata maubos ubos sa ahensya ng gobyerno. Ang ideyang ito ay humugot ng rationale sa katotohanang mahalaga ang kaalaman ng mga sumasali sa bidding na isinasagawa ng  gobyerno sa maigting na pagsunod at pagpapatupad ng batas ukol dito. 

Mukhang maging “proactive” ngayong taon ang  Government Procurement Policy Board-Technical Support  Office dahil kanila nang inilunsad ang kauna-unahang TRAINING PARA SA MGA BIDDERS.

May tatlong Module na pwedeng salihan ang mga bidder o yung mga nagbabalak makisali sa bidding sa  gobyerno:
1. Overview and General Provisions of R.A. 9184
2. Procurement of Goods and Infrastructure Projects
3. Procurement of Consulting Services

Maaaring pumili ang mga nagnanais sumali ng (mga) angkop na Module para sa kanila. Pambihirang pagkakataon ito na ang training ay pagsasalitaan ng mga pangunahing mga abogado at tagapagtaguyod ng  procurement law sa ating bansa. Kasama sa mga ituturo ay ang pangunahing kaalaman sa pagsali sa bidding  at kung paano mag-ayos ng mga papel at dokumento upang pumasa sa eligibility at qualification stages, sang-ayon sa R.A. 9184. 

Gaganapin sa Unit 2506 Raffles Corporate Center, F. Ortigas Jr. Avenue, Ortigas Center, Pasig City ang  training sa mga sumusunod na petsa: 8-10 August 2012; 5-7 September 2012; 3-5 October 2012; 7-9  November 2012. Ang isang module ay uubos ng isang araw na may kaakibat na registration fee na  nagkakahalaga ng P1,000.00/module kasama na ang merienda sa umaga, tanghalian at merienda sa hapon,  kasama na ang module kits. 

“First come, first serve basis” po ang training dahil hanggang 40 katao lamang ang kapasidad ng lugar. Para  sa kumpletong impormasyon, maaaring tumawag sa opisina ng GPPB at hanapin sina Ms. Jocelyn C. Beslig  o si Ms. Diane Angela A. Marcos sa telepono bilang (02) 900-6741 hanggang 44 o mag fax sa (02) 706- 1306.

Maaari ding bisitahin ang kanilang website sa http://www.gppb.gov.ph .

******************
Bukas po ang kolum na ito sa mga reactions at  suggestions. Pipilitin po nating masagot ang inyong mga  katanungan lalo na kapag may kinalaman sa BAC at R.A.9184 sa abot ng ating makakaya. 

Maaaring kontakin ang may akda sa text (0908) 886-2776 (Smart), Sundan sa Twitter ang may-akda  (http://twitter.com/engrjhez),  mag-email  sa bac.issues@gmail.com, makilahok sa GPPB Online Forum  (http://gppb.topicsolutions.net) o makisali sa Facebook® fan page  (http://www.facebook.com/ ra9184gpra). Maaari ninyo ring sundan ang blog ng may-akda na pinamagatang Legem Advocatus (http://engrjhez.wodpress.com).
page 11 - By: Engr. JHEZ SALVADOR│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012  

No comments:

Post a Comment