BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

TIWALA SA SPORTS KAILANGAN BA?

SPOTS DIMENSION

ANG pagtitiwala sa lahat ng pagkakataon ay isa lamang sa mga susi sa matagumpay na pakikipaglaban sa larangan sa sports. Una sa sarili, kung hindi ka naniniwala sa iyong sarili at hindi kumpiyansa, papaano mo mapagtatagumpayan ang madalas na kantiyaw ng iba tulad ng “isang mahinang manlalaro” sa gayung sports.

Syempre, dapat sa lahat ng pagkakataon ay sarili mo ang magiging kalaban mo na sa iyong pagtingin sa kalaban ay kakayanin mo itong labanan at pataubin. 

Pangalawa ay ang pagtitiwala sa iyong “coach” na kung saan siya mismo ay ang tumatayong ama ng iyong  gawain. Kahit na sabihin pa niyang “talon sa kaliwa”, walang kaabog-abog na tatalon ka sa kaliwa at hindi  alintana kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gayung pagkilos.

Mahalaga na ang iyong patitiwala sa iyong coach dahil mayroon siyang ibang pananaw sa mabilis na pagtingin  sa gayung pagkakataon.

At higit sa lahat, ang iyong kasanayan, na kung saan nalalaman mong lubos na sa tagal at tiyaga na ibinuhos  mo ay sa gayung gayun mo magagamit ang buong lakas at tapang para mapataob ang kalaban. 

Sa larangan ng sports, lahat tayo ay tumitingin sa hinaharap na tayo mismo ang tatayong kampeon o ang  magsuot ng gintong medalya.

At kung sa paano man, gagawin ang lahat para lamang makarating doon mismo sa entablado at tanghaling isa  sa mga pinakamagagaling na manlalaro. 

At kahit pa matagal, o maantala ang pag-akyat, o kahit pa ang paulit ulit na pagbagsak bilang talunan, hindi iyon hadlang para isulong ang kakayahan at ibigay ng buong tiwala sa sarili na kakayaning marating ang mga  narating din ng mga tunay na kampeon. 

Sa sariling akin, mahirap na sa panahon ngayon ang makakita ng taong pupwede mong pagkatiwalaan, lalu  na kung ang nasasangkot ay ang iyong buhay.

Kung iaasa mo sa iba ang iyong desisyon at mananatiling tikom dahil sa pagtitiwala, maituturing na isa ka ring taong mapagkakatiwalaan.

Oo, ang taong naglalagak ng tiwala sa iba, ay ganung ganun din ang kaniyang pagpapalaya ng kanyang  tiwala. 

Subalit, kung mawala man ito, maaaring ihantulad ito sa isang babasaging baso na minsan ng nalamatan at  hindi na kailan  man  maibabalik, bagkus ay maaari pang mahiwalay kung masusundan pa ito ng hindi  inaasahang pangyayari na lubusang gigiba ng tiwala. 


Sa larangan ng sports, hindi dapat kailanman magunaw ang pagtitiwala, dahil kapag nawala ito, para na ring  inilagay mo ang iyong sarili sa kapahamakan. Ang pabago-bago ng desisyon, ang malayang pagdedesisyon  ng walang paaalam sa nasasangkot tulad sa coach, team, o sa kapareha man. Tandaan ang pagtitiwala ay  hindi pansarili lamang, sa halip ay para sa iba, upang sa panahon na inaasahan na ikaw ay tutupad at gagawa ng desisyon, hinding hindi mo bibiguin ang mga nasasangkot. 

Kung ikaw ang tatanungin, nagtitiwala ka ba sa sarili mo? Nagtitiwala ka ba ng buong-buo sa iyong coach at  team? At napaghandaan mo bang talaga ang iyong sarili para sabihin na kakayanin mo ang pagsubok, kahit  na harangan ka pa ng sibat? Ang tiwala ay ang siyang nagbibigay buhay sa lahat ng mga taong umaasa, na  hinding hindi sya maiiwan, o ipagkakanulo sa ano mang bagay. 

Kung panghahawakan mong mahigpit ang iyong pagtitiwala, ganun din ang ibibigay na tiwala sayo ng iba. 

Pagisipan mo ito.
Hanggang sa muli.
TIWALA SA SPORTS KAILANGAN BA?
By: EMAN CAYABYAB│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012  

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete