BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Textbooks at Reading Materials

BACk ISSUES:
DAPAT nga bang mag-bidding ng mga textbook o mga babasahing aklat para sa ating mga pampublikong  paaralan? O maaari nga bang makipagkontrata na lamang sa isang publisher para mas mabilis na mai-deliver  ang mga ito?

Simpleng tanong na may simpleng sagot. Dapat ay magkaroon ng Public Bidding.

Subalit ano itong ipinaglalaban ng ilan na may probisyon daw ang batas na pumapayag sa tinatawag nating  Direct Contracting bilang paraan kapalit ng Public Bidding?

Balikan nga ulit natin:
Section 50. Di- rect Contracting Direct Contracting or single source procurement is a method of  procurement of goods that does not require elaborate Bidding Docu- ments. The supplier is simply asked to  submit a price quotation or a pro-forma invoice together with the conditions of sale. The offer may be  accepted immediately or after some negotiations. Direct contracting may be resorted to by concerned

Procuring Entities under any of the following conditions:
a) Procurement of goods of proprietary nature which can be obtained only from the proprietary source, i.e. when patents, trade secrets, and copyrights prohibit others from manufacturing the same item;

x x x

Sabi tuloy nung mga nagsusulong: “Ayun naman pala!”. Bakit pa daw natin ipinagpipilitan na magkaroon ng  Public Bidding na may katagalan at madami pang papel na aayusin samantalang kapag pala may copyright ay  pwede nang mag-Direct Contracting? KUNG GANITO PO TAYO MAG-ISIP, MALILIGAW NGA PO  TAYO.

Mapang-akit sa mata ang probisyon sa itaas, pero baka nalilimutan natin ang mga pangangailangan bago ito  maipatupad. Napag-aralan ba nating mabuti ang ating pangangailangan at wala na ba talagang ibang paraan? Totoo na may copyrights ang mga aklat. Pero ang copyrights ay para lamang sa nilalaman ng mga ito pabor  sa may akda. Samakatwid, ang bawat awtor ng libro ay may kaniya kaniyang copyright sa mga isinulat nila.

Ibig bang sabihin nito ay kahit kanino ay pwede na tayong  makipagkontrata ng hindi dadaaan sa bidding?  HINDI PO. Dapat kasi, sa standard parameters at specifications po tayo mag-base. Halimbawa, kailangan  natin ng aklat sa ARALING PANLIPUNAN. Hindi natin dapat isipin na dahil may gusto tayo na specific na  libro, yun na ang ating bibilhin para sa mga pampublikong paaralan. Ang tanong, iisa lang ba ang may-akda  ng aklat patungkol sa Araling Panlipunan? HINDI. Marami po iyan. At ang gobyerno ay dapat makipag- kontrata sa paraang isinaad ng batas.

Ayon sa RA 9184: Section 10. Competitive Bidding All procurement shall be done through competitive  bidding, except as provided in Rule XVI of this IRR. Paulit-ulit na lamang tayo sa isyung ito tulad ng tanong  na “Alin ang nauna, ang itlog o ang manok?”. Lagi po nating tatandaan na ang pangunhaing pamamaraan ay  Public Bidding.


Maitanong naman ng ilan: papaano po naming ipapabid ang halimbawang aklat ng Araling Panlipunan? May mga itinakda na pong criteria at minimum specifications ang Department of Education o ang DepEd tungkol sa dapat na nilalaman ng isang aklat tulad ng halimbawa. Hindi mahirap na sundan ang katulad ng ganitong pamantayan:
Subject: Araling Panlipunan
Para sa Baitang: Grade I
Curriculum: K to 12
Minimum page size: 8" x 11"
Packaging: soft cover
Images: full color
Minimum number of exercises: 100
Minimum Font Size: 14
***

Napakaraming publisher ng aklat sa Pilipinas. Sa tulad ng gobyerno na may limitadong budget, marapat na  makuha natin ang presyong higit na kapaki-pakinabang sa lahat. Sa desisyon ng Korte Suprema sa   Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) and the Inter-Agency Bids and  Awards Committee (IABAC) Vs. Kolonwel Trading.(G.R. No. 175608, June 8, 2007), makikita na wala ni  isa sa mga naglalabang mga publisher ang nagkwestyon sa Public Bidding bilang paraan ng pag-bili. Sa ibang  aspeto at teknikalidad sila hindi nagkaunawaan.

Kahit ang mga Department Orders ng DepEd (Blg.112-2009 na sinundan ng 119-2009), malinaw na hindi  rin naman nila pinagbabawalan na may sumali ang mga wala sa kanilang naunang listahan ng mga aklat na katanggap-tangap na sa kadahilanang nasubok na nila ito sa mga naunag Public Bidding. Dapat lamang ay  makasunod sila sa mga criteria at specifications na itinakda na ng DepEd sa mga naturang aklat o babasahin.
***
Bukas po ang kolum na ito sa mga reactions at suggestions. Pipilitin po nating masagot ang inyong mga katanungan lalo na kapag may kinalaman sa BAC at R.A.9184 sa abot ng ating makakaya. Maaaring kontakin ang may akda sa
• text (0908) 886-2776 (Smart),
• Sundan sa Twitter ang may-akda  (http://twitter.com/engrjhez),
• mag-email sa bac.issues@gmail.com,
• makilahok sa GPPB Online Forum (http://gppb.topicsolutions.net) o
• makisali sa Facebook® fan page  (http://www.facebook.com/ra9184gpra).
• Maaari ninyo ring sundan ang blog ng may-akda  na  pinamagatang  Legem  Advocatus  (http://engrjhez.wodpress.com).

Textbooks at Reading Materials
page 04 - By: ENGR. JHEZ SALVADOR│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

No comments:

Post a Comment