BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SONA NI PNOY PASADO BA SA INYO?


REKTAHAN
ISA ako sa sa mga na impressed sa husay ng pagsasalita ng ating Pangulo na si Benigno Simeon Aquino III. Maliwanag, tama ang pacing at talagang lubos na naiintindihan ng buong sambayanan.  Nakakahilo nga lang  at nakakalula ang mga figures na kanyang nabanggit. Ang galing ano..TAYO na ang magpapautang sa ibang  bansa, TAYO na rin ang mag export ng bigas at marami pa na talagang mamamangha ka sa iyong naririnig.

Ayon naman kay Mrs. Eva Gundran labis niyang ikinatuwa ang pahayag ng pangulo na magkaroon ng MRT  dito sa Cavite na magsisimula sa Bacoor City. 

Bagama’t hindi makuha sa isang iglap ang pagbabago, nguni’t sa unti-unti makakamtan din natin ito ayon pa  kay Mrs. Gundran. Nalulungkot naman si Mrs. Michelle Mojica na hindi man lamang nabanggit ang tunkol sa  OFW. OFW ang kanyang asawa at talagang kanyang inabangan ang SONA para maibalita “sana” sa  kanyang asawa na nasa Korea kung mayroon mang magandang balita mula sa pangulo. Namangha naman si  Mrs.Mojica sa sinabi ng Pangulo na kapag miyembro ng PHILHEALTH walang gagastusin me singko pag  maospital at maginhawa ang paglabas nito. Sana nga…buntong hininga ni Mrs. Mojica. Marami ang natuwa,  may nadismaya at kuntento sa ulat ng Pangulo. May nagsasabi naman na sana binanggit ng Pangulo kung  paano maibsan ang pagtaas ng kuryente, pagtaas ng gaas, ma control ang pagtaas ng pamasahe at ang  pagbaba ng presyo mga bilihin. Ito yong pang araw-araw na kalagayan ng isang Juan Dela Cruz. Siguro  kong mayroong pagbabago sa ating araw-araw na kalagayan siguro masasabi kong ito talaga ang tunay na  pagbabago ramdam ko na may pagbabago. Pero hangga’t ganoon pa rin ang sitwasyon araw-araw, patayan  dito, patayan doon..at habang sinusulat ko ang kolum na ito binabalita sa TV na 7 ang patay sa panig ng  military at 4 sa Abbu Sayaff sa isang enkwentro sa Basilan. Hanggang kelan kaya matatapos ang kaguluhang  ito?

Para sa akin ramdam ko ang pag-usad ng ating bansa kung pag gising ko isang umaga, piso na lang ang  pandesal, balik sa limang piso ang pamasahe, mababa na ang kilo ng bigas, maibsan ang kahirapan at  mababa na ang tuition fees sa mga kolehiyo. Ilan lamang ito sa mga puntos na aking inaabangan sa SONA ng  pangulo na parang nakaligtaan atang banggitin. Sa ‘yo kaibigan pasado ba ang pangulo sa kanyang SONA?

SONA NI PNOY PASADO BA SA INYO?
page 11 - By: MARITES LEONILLO│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

No comments:

Post a Comment