BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Sanctuary sa Rosario dahil sa “organic coral reef”

“KAUNA-UNAHANG ‘TEKNOLOHIYA’ SA BANSA” ANG bayan ng Rosario, Cavite ay nagsusulong  ng adhikain na muling buhayin at pasiglahin ang marine sanctuary sa karagatan nito. Ito’y may halos limang  taon na ang nakalilipas nang ilunsad ang isang marine technology na tinagurian “ORGANIC CORAL REEF”  propagation. 


Ayon kay Vice Mayor “JhingJhing” Hernandez , “…sa kasalukuyan ay pinakikinabangan na ang naturang  marine technology upang paunlarin ang kabuhayan ng mga taga-Rosario lalo na ang mga magdaragat at  mangingisda.

Unang inilunsad ang organic coral reef noong Nobyembre 2007 (nataon noon na birthday ni Mayor Nonong Ricafrente), sinadya umanong hindi ito pina-media o kaya’y walang media coverage dahil na rin sa mga “skeptics” o mapagdudang observers dahil “wala pang katiyakan at katibayang ito’y magiging matagumpay.”

Ang teknolohiya ay masasabing “pilot project”, dryrun kung baga, mula sa grupong YES2LIFE Foundation na dahil na rin sa pagiging environmental concerns ng grupo ay naging katanggap-tanggap kay Mayor  Nonong para sa isang “collaboration project.” Ito’y pinondohan ng about P2-million mula sa World Bank sa  initial project implementation noong 2007. Ang project ay nakagawa ng “organic coral reef” na  nagkakahalaga ng P6,000.00 per piece at ito’y inilalagay sa sea bed sa karagatan ng Rosario. Ang purpose  nito ay para bigyan ng sangtuaryo ang mga lamang dagat, katulad ng mga isda, sea shells, crustaceans. Kung  baga’y ang “patay” ng ilalim ng karagatan ay binubuhay muli ng organic coral reef. 

Sa panayam kay VM JhingJhing, pinaliwanag ang pamamamaraan ng paglikha ng organic coral reef: Ang sangkap dito’y 1 cement bag, 7-sacks ng buhangin at ang paghalo ng 40 kilos of mix-set ingredients  (coconut husks, molasses) at ang 2-chemical component mula sa Austria, Europe. Ang chemical component  (secret daw at ayaw pang ihayag?) na ito’y inihahalo sa “desired amount of water.” Pagkatapos ng mahusay  na mixture process ay ini-hohorno ito upang makalikha ng triangular form ng organic coral reef na ang bigat  ay nasa halos 300 kilos. Kapag ito’y nalubog na sa tubig sa desired depth level, in about 2 weeks to 1 month  ay dinarayo na ng mga sari-saring marine life ang lugar, na kung saan ay tiyak na ang pagdami ng mga  lamang-dagat. Ika ni VM Jhing-Jhing, “Ang noo’y walang kabuhay-buhay na bahagi ng karagatan, ngayo’y  hitik na hitik na sa marine life para sa pakinabang ng ating magdaragat.” Sinabi naman ni Nestor Llanosa,  hepe ng Rosario Divers and SeaBorne Task Force, ang triangular formation ng coral reef na may bigat na  300 kilos ay mahirap sirain. Naging obserbasyon umano ng task force na maging ang epekto ng dinamita o  trawl fishing nets ay di inaalintana nito. (Binigyan emphasis ni Llanosa na patuloy ang pagpapatupad sa anti- illegal fishing sa Rosario).


Ibig sabihin, lifetime na ang mga reefs na ito na ha bang dumadaan ang panahon ay lalo pang umuusbong ang  kanyang kapakinabangan dahil na rin “marine technology” na nakapaloob dito mula sa inventor na si Dr. Harold Walter Kremritz, isang Austrian, dagdag pa ni VM JhingJhing.

Sa kasalukyan ay meron nang isang libong organic coral reefs na nakatanim sa karagatan ng Rosario at ito’y  isang “continuing project” ng pamahalaang bayan sa ilalim ng liderato ni Mayor Nonong.

Sanctuary sa Rosario dahil sa “organic coral reef”
page 09 - By: DANN FABROS│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  




No comments:

Post a Comment