BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SA MGA BAGYONG DUMARATING KAILAN MATUTUTO ANG MGA MAMAMAYAN?


EDITORYAL:
KATATAPOS lamang ng bagyong si Ferdie, na nag iwan ng Tatlo kataong  iniulat  na nasawi.

Sa iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga biktima na sina Jonathan Sagodaquiel, 31 anyos na tinangay ng malakas na agos ng tubig baha sa Brgy.  Wawa, Lumban, Laguna. Nalunod naman si Wilcor Rellera, 35, sa Pandanga Creek sa Brgy. San Isidro, Naguillan, La Union. ang ikatlo ay ang 20 anyos na si Junrel del Mario na  nakuryente at tinangay ng agos baha sa Brgy. San Andres, Cainta.

Sa nakalipas na bagyo ay Lima ang iniulat na nawawala kabilang sina Niel Calay, 6, ng San Gabriel, La  Union na tinangay ng agos sa Balballya River sa nasabing lugar at ang apat na mangingisdang sina Teodorico Caampued, 60; Robinson Siso, 50; Rogelio Canayon, 35 at Levi Caballero, 23 anyos; pawang ng Brgy.  Victory, Bolinao, Pangasinan.

Nakaalis na ang bagyong Ferdie at sinasabing may namataan na namang Low Pressure Area (LPA) na  posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA.

Dahilan ng patuloy na manaka nakang pag ulan sa ibat ibang lugar.

Dahilan pa din ng pagbaha partikular sa Kalakhang Maynila at kalapit na mga lugar.

Bahang sanhi pa rin ng mga baradong estero kanal at mga tubig daluyan dulot ng mga basurang hindi  natutunaw, plastic, styrofore na ginagamit bilang alternatibong lalagyan ng mga pagkain.

Sige ang paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga estero, mga kanal at  imburnal,at paghuhukay sa mga ilog upang muli itong lumalim upang sa pag agos ng malakas na tubig dulot ng  bagyo ay hindi umapaw.

Subalit sa kabila ng paglilinis na gawin araw araw tone toneladang basura pa rin ang mga nakukuha sa mga  estero kanal ilog at imburnal.

Dulot ng walang patumanggang pagtatapon ng mga basura ng  walang disiplinang mamamayan.

Maraming mamamayan na ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pag apaw ng mga ilog at tumungo sa  mga bababang lugar na pamayanan. mga biktima ng pagkalunod dahil sa walang patumanggang pagpuputol  ng mga puno doon sa kagubatan at kabundukan.

Kumita ng pera kahit marami ang maapektuhan. Gumaganti na ang kalikasan sanhi ng kapabayaan Kailan  tayo magigising? Kailan tayo matututo? Kailangan pa ba na mas dumami ang magbuwis ng buhay dahil sa  sarili nating kapabayaan?

Kailan?

SA MGA BAGYONG DUMARATING KAILAN MATUTUTO ANG MGA MAMAMAYAN?
page 04 Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

No comments:

Post a Comment