BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Sa kanilang mga kritiko .... SUNDIN NATIN ANG PROSESO NG BATAS —MALIKSI

IMUS City — Nanawagan si Mayor Emmanuel L. Maliksi sa mga kritiko ng kanyang administrasyon na itigil na ang mga balitang nagdudulot ng kalituhan sa mga mamamayan ng bagong lungsod na ito. Nitong nakalipas  na linggo, muling kumalat ang bali-balitang matapos ang matagumpay na plebesito para sa pagiging lungsod  ng Imus, “magbabalik si Mayor Saki dahil nagdesisyon na ang Comelec en banc” at inuutusan na si Maliksi  na bakantehin ang opisina nito sa cityhall.

Mas “bumagsik” ang text brigade, ayon kay Nhomar Asuncion ng bagong City of Imus Information Office,  nang ikalat na mayroon nang isinampang mga kaso  sa Ombudsman laban sa alkalde at sa ama nito, si 3rd  district Congressman Ayong S. Maliksi. 

Ayon kay Asuncion, “hindi na nadala” ang mga kritiko ng mag-amang Maliksi tulad ng kahiya-hiyang  nangyari noong Nobyembre at Disyembre 2011. Ayon sa opisyal ng CIIO, nagkalat ng mga polyeto at text  messages ang tropa ni Saki na may ibinabang TRO para pigilin ang pag-upo ni Maliksi na napatunayang hindi  pala totoo. 

“Walang TRO pero dahil sa propaganda nila na may TRO kamuntik nang magkagulo sa munisipyo nang mauupo na si Mayor Maliksi... mabuti at sa last minute, nag-utos si Mayor Saki sa mga tao niya na tahimik  na buwagin ang barikada noon (Dis. 28, 2011) kaya nakapasok ang tropa nina Maliksi sa munisipyo  bandang alas 9 ng gabi that same night,” sabi ni Asuncion. 

Tungkol sa balitang kumakalat na mauupo uli si Mayor Homer Saquilayan, sinabi ni Asuncion na dapat na  balikan ang sinabi ni Commissioner  Rene Sarmiento noong Disyembre 2011. Sa pahayagang Philippine  Daily Inquirer, isyu ng Dec. 23, 2011 ay ito ang sinabi ni Sarmiento.

“Sarmiento said Saquilayan cannot appeal the division ruling to the Comelec en banc in accordance with  Comelec rules of procedures.  Unless Saquilayan appeals to a higher body such as the Supreme Court and  secure another TRO on the Comelec’s decision, Maliksi wild be seated mayor while the case is pending  before the division, Sarmiento said.” Sa miting ni Maliksi sa local media kamakailan, nilinaw niya na wala  pang decision ang Comelec en banc na kumokontra sa desisyon ni Imus RTC Judge Cesar Mangrobang at  kailangan pang dinggin ang anomang petisyon ng Korte Suprema. Hindi man direktang sinabi, ipinahiwatig ni  Maliksi na panlilinlang sa taumbayan at sa mga Imuseno ang panibagong balita na siya ay pinatatalsik na sa  puwesto at pauupuin na ng Comelec si Saki.

Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde sa kanyang mga katunggali na iwasan ang pagkakalat ng mga balitang  magdudulot ng kalituhan. 

Tulad ng laging sinasabi ni Maliksi, naniniwala siya na ang mga kalaban sa politika  ay “iisa ang layunin nating lahat at ito ay ang maglingkod sa ating bayan na ngayon ay bagong lungsod ng  Imus.” Karapatan ni Saki, sabi ni Maliksi na mag-apela, pero ipinayo niya na sundin ang proseso ng batas. 

“Lahat po tayo ay may tungkulin sa ating mga kababayan at ito ay ipahayag ang katotohanan lalo na at ang kapakanan ng ating minamahal na  lungsod ng Imus ang siyang nakataya.

“Wala pa pong utos na tayo ay pinaaalis sa puwesto, ... ang katotohanan po ay ating ilabas at anomang  kasinungalingan para itago ang katotohanan ay hindi magtatagumpay.” pagwawakas na sabi ni Maliksi. Tungkol sa usapin ng LRT Cavite 1 extension project, sinabi ni Congressman Maliksi na bukas at hayag ang mga kontrata at kasunduan sa proyekto at sinunod ang lahat ng proseso at rekesitos ng batas sa bidding at pagkakaloob ng kontrata sa mga nanalong bidder. 

Wala ring katotohanan na may nakasampang kaso laban sa kanya sa Ombudsman, na panibagong intriga at  paninirang personal ng mga kalaban, paliwanag ng kongresista.

Sa kanilang mga kritiko .... SUNDIN NATIN ANG PROSESO NG BATAS —MALIKSI
page 11 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

No comments:

Post a Comment