BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Rektahan Vol. 10 Blg. 04


BIRUAN SA SB BASTOS!
NAGULAT ako sa mga inaasal nga mga staff sa tanggapan ng Sangguniang Bayan, una Si Maam,   (tatawagin natin silang Maam kasi nasa tanggapan sila ng mga kagalang-galang na mga Konsehal at ni Vice  Mayor) akalain mo ba si Maam may dalang ballpen bigla ba naman sinundot ng ballpen ang puwet!  ng isang  Maam! Siyempre si Maam ay napasigaw! At sabay na nagbigkas ng Bastos! Kitang kita ko talaga ang  kabastusan na iyon at siyempre, joke, joke, lang nila iyon.. Kasi ang nanundot ng ballpen na itim ay pangisi- ngisi lang.


Habang sarap na sarap sa pag kuwento ang aking kaibigan sa isa sa mga staff ng SB ako naman ay nagmamasid lang sa paligid. May isang Maam, tinutupi tupi ang isang diyaryo tapos ibinatok niya sa isang Sir  na nakaupo sa mesa.  Siyempre nagulat naman si Sir at tumayo, may isang Maam ang dumaan aba’y hinampas ni Sir ng  diyaryo ang harap  ni Maam, sa ibabang parte!.siyempre! nagulat si Maam at sumigaw ng  bastos! 

Ano ba ang nangyari sa tanggapan na ito at napaka bastos ng ilang mga staff. Ayokong lahatin, kasi iilan lang  naman ang nakita ko na mga bastos. Aba’y puwede naman silang magharutan sa kani-kanilang bahay hindi  ‘yong nasa opisina. 

Maibulong nga kay Vice Mayor, ang mga walang “Manners” na mga staff na iyan. Hindi kasi magandang  tingnan at baka may makakakitang mga bata, baka gayahin at sabihing ok lang iyan, kasi nga ‘uso” sa opsina  ng SB. Magiging Sangguniang Panlalawigan na pala ito,  kasi naging siyudad na ito. Kaya sana umayos ayos  naman ang mga staff dito, hindi kayo nakakatuwang pagmasdan! 

****************************************
Ang Basura na tinatapon sa dagat, binabalik ng dagat!

Nang nakaraang bagyo halos lahat tayo ay nakatutok sa Television. Merong mga schools na halos buong linggo ang walang pasok, dahil sa baha. .Nakita niyo ba yong, mga balita tungkol sa mga karagatan? Ang lalim ng baha sa Roxas Boulevard at kung makikita ninyo ang mga alon ay parang mga nagagalit na  nagbubuga ng napakaraming basura! 

Ang mga basura na tinatapon ng tao ay sinusuka na ng dagat! Pabalik.  Imagine sa loob ng isang araw may  12 na mga truck ng MMDA ang naghahakot ng basura nguni’t  napakarami pa ring basura! Isang malaking  “wake up call” na ito sa atin. Pinapa-alala sa atin ng kalikasan na hindi sila natutuwa sa walang  pakundangang pagtatapon ng basura at pagpuputol ng mga punong kahoy. 

Kaya ang baha at basura at siyang resulta sa kapabayaan ng tao.
page 11 - By: Marites Leonillo│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012  


No comments:

Post a Comment