SPORTS DIMENSION
NAKAKALUNGKOT mga kababayan na sa mundo ng sports dito sa ating bansa ay ni hindi man lamang nabanggit ang pagsuporta ng ating pangulo ang larangan ng sports na maaari sanang mailagay sa mga prioridad ng bansa upang sumulong. Nabigyan ng pansin kasi ang mga kinahaharap na problema na siya namang minana ng ating nakaupong gobyerno sa administrasyong Arroyo.
Gayunman, kahit hindi ito napagtuunan ng pansin ng ating pangulo hindi dapat mawalan ng pag-asa ang ating mga manlalaro dahil sa tindi ng mga problema natin sa ngayon ay maaari pa ring mapagtagumpayan kahit na wala ang suporta ng ating gobyerno.
Maaaring sabihin mo na, nabanggit naman ang salitang boksing ni Pangulong Aguino ah. Oo, pero sa paraan na tayo ay agribyado sa laban. Subalit, di tulad ng mga ahensya na tumitingin sa kalikasan, edukasyon, seguridad, pati na ang pangkalusugan ay nabigyan ng mga papuri sa mga pinuno ng bawat ahensya.
Mabanggit man ang kalihim ng edukasyon, ngunit ang puntirya naman ay ang pag usad sa problema sa upuan ng mga bata sa mga pampublikong paaralan. At kung susumahin ang SONA ng ating pangulo, wala sa kanyang adhikain ang pagpapasulong sa larangan ng sports, kung kaya naman, aasa ang ating mga mamamayan sa mga pangpribadong ahensya upang humingi ng supporta sa larangan ng sports.
Kawawa naman ang mga taong inaalagaan ng ating Sports Commission dahil mas pinapaburan ngayon ang mga magagandang nagawa para sa bayan na nakapagpabango sa pangalan ng piling mga pulitiko. Gayunman, indikasyon ito na mabubuhay lamang yaong mga nasa ilalim ng mga higanteng pribado ang makapananatili sa larangan ng sports at tuluyan ng mawawala ang pag-asa ng ilang mamamayan tungo sa sports. At sa kahulihulihan, wag tayong umasa na makapaguuwi ang ating mga atleta ng mas maraming ginto sa larangan ng sports.
Hanggang sa muli!
PRIORIDAD NG GOBYERNO, HINDI KASALI ANG PANG-SPORTS NA PANGANGAILANGAN?
page 10 - By: EMAN CAYABYAB│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment