BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Matatalim at delikadong mga Upuan ng Bus ng St. Anthony na byaheng Cavite-Lawton


Totoo bang hindi ligtas sumakay sa bus ng St. Anthony na biyaheng CaviteLawton? 

Eto lamang mga nakaraan ay makailang beses na bumiyahe ang inyong lingkod ng bus ng St. Anthony,  Cavite-Lawton. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadulas ang aking anak sa upuan na siya namang pagkakalantad  ng matatalim na bakal sa ilalim nito, na dapat duon ay  naka-screw  ang upuang iyon. 


Nagtamo ng galos sa magkabilang balikat ang aking anak at pilit ko po itong pakalmadohin dahil sa  natamong galos sa mga matatalim na bakal ng upuan.

Naitanong ko tuloy sa konduktor kung bakit ganun na lamang ang upuang ganun, ang sabi nito ay : “eh sir,  ganyan po lahat ang mga upuan.”.

Aba! Totoo nga ang sinabi ng kunduktor, halos lahat ng upuan ay natatang  gal at may mga nakausling bakal  na matatalim na maaari kang magalusan sa tindi ng talas nito.

Gayunpaman, hanggang sa araw na sinusulat ko ang kolumn na ito, ay hindi pa alam ng pamunuan na ganung  ganun pa rin ang mga upuan nila, na hindi pirmeng naka-screw ang mga upuan at maaari kang dumausos sa  iyong pagkakaupo.

Sa lahat ng mga sumasakay, mag-ingat sa iyong pag-upo! At sa pamunuan naman ng St. Anthony biyaheng  Cavite-Lawton, matamang tingnan naman ninyo ang inyong mga upuan, at isipin ninyo na posibleng marami  pa ang madidisgrasya sa inyong mga upuan na sana ay naka-screw ang ilalim nito! 

Ngayon ninyo sabihin na, ligtas bang sumakay sa bus ng St. Anthony na biyaheng Cavite-Lawton? Kayo na ang humusga.
page 10 - By: EMAN CAYABYAB│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012    

No comments:

Post a Comment