BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Maraming-maraming salamat po, Imuseño! MALIKSI: DIREKTANG KONSULTASYON SUSI SA TAGUMPAY NG PLEBESITO


BAGO idinaos ang matagumpay na cityhood plebiscite ng Imus, narinig namin ang pangamba ng marami:   baka raw manalo ang No! votes. Kasi, halata raw “tinipid” ang gastos sa information campaign na inilunsad  ng mga opisyal ng Imus, hindi tulad ng nakitang masiglang pangangampanya sa matagumpay ring cityhood bid ng Bacoor noong Hunyo 23.

Ano  ba ang sekreto at sa kabila ng “kakaunting information materials” ay overwhelming ang panalo ng Yes  votes kontra sa No votes? “Totoo po ang observation na talagang matipid po ang ginawa naming  pangangampanya,” paliwanag ni City Mayor Emmanuel Maliksi nang itanong namin ito sa kanya sa munting  presscon sa kanyang “Whitehaus residence.” 

Ayon sa makisig na alkalde dahil sa talagang kapos sila sa pondo at talagang tinitipid niya ang pera ng bayan,  “dumerekta na po kami sa taumbayan.” Nagbuo sila ng tatlong pangkat para maikot ang 97 barangay ng  Imus sa loob ng kulang na dalawang linggong information drive para maipaliwanag ang mahahalagang isyu at  magiging pakinabang ng Imuseno kung aaprubahan nila na ito ay maging lungsod na. 

Ipinaliwanag ni Mayor Maliksi na nang ipanukala ni Imus Congressman Ayong Maliksi ang cityhood ng  Imus, ang nakaupo noon ay si Mayor Homer ‘Saki’ Saquilayan, at sa budget ng 2012, walang naaprubahang  badyet para sa cityhood bid.

Nangyaring noong Dis. 28, 2012 ay nakaupo si Mayor Maliksi matapos ideklara ng Imus RTC Br. 2 na si  Maliksi ang tunay na nanalong punongbayan ng Imus sa nakaraang 2010 May elections. 


“Nagtatlong pangkat kami,” wika ni Maliksi, at dugtong niya, “mula sa sariling bulsa namin, nagkani-kaniya  kami ng gastos” sa ginanap na plebesito.

Ang unang pangkat ay pinamunuan ni Mayor, kasama ang mga konsehal na sina Shernan Jaro,  Oscar ‘Kuya  Oca’ de Quiroz, Dennis Lacson, GSO chief, Sir Monmon Arguelles (dating Sanggunian Bayan secretary) youth leader Eunice Ferriol, at iba pang opisyal ng munisipyo. 

Magkakatropa sa ikalawang pangkat sa pamumuno ni Vice Mayor Ilano sina ABC Pres. Totie Ropeta, SK  Pres. Darlon Sayarot, soon to be Imus City Board Member Councilor Ony Cantimbuhan, at iba pang  supporter ng cityhood.

Ikatlong tropa ay  pinamunuan ni Administrator Sir Larry Monzon, kasama ang mga konsehal na sina Jem  Yulo Guinto, Argel Reyes at Miong Aguinaldo, L.A. Deocadis, lider-kabataan at negosyanteng si L.A.  Deocadis, a personal secretary ni Cong. Ayong, at iba pang masugid na Maliksi supporter.

Kaya kahit kulang sa panahon at pondo, napuntahan ng tatlong pangkat na ito ang maraming barangay, at  direkta sa mga tao, inisa-isa nilang ipinaliwanag kung bakit dapat ay “Yes!’ ang isulat sa balota sa araw ng plebesito.

“Kung sektor ng kabataan ang target audience namin, mga concern nila ang aming tinatalakay; at kung  tungkol sa senior citizens, ipinaliwanag namin na madaragdagan ang kanilang financial subsidy, more health programs at mabilis na serbisyo sa kanila ang maibibigay ng city government dahil sa may dagdag na pondo  na kami para sa kanila,” paliwanag ni Mayor Maliksi.

Kung tungkol naman sa mga bagong plano at polisiya sa pamamahala sa magiging siyudad, si Admin Kuya  Larry naman, katulong ang mga kasamang konsehal ang nagpapaliwanag sa magiging bagong balangkas ng  siyudad para ito makapaglingkod nang mabilis sa taumbayan. 

Maingat namang ipinaliwanag ni Vice Mayor Ilano at mga kasama ang mahahalagang ordinansa at  panukalang handa nilang pagtibayin upang ang bagong city council ay maging kabalikat sa pag-unlad ng  buong Imuseno.

“Konsultasyon, honest na pagsagot sa mga tanong at problema ng iba-ibang sektor ang naging susi ng ating  tagumpay,” pahayag ni Maliksi.

Resulta: Sa mayoryang botong 20, 438 Yes votes  kontra sa 2,304 na
No votes  opisyal nang siyudad ang Imus.
LAUNCHING NG NSJ DAILY BALITA
By: TESS LEONILLO at ELI TAPARAN IIOperation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012

No comments:

Post a Comment