BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

LIHIM NA TAGA-HANGA SA SPORTS


ALAM ba ninyo sa larangan ng sports ay kayraming palihim na nagiging taga-hanga sa ilan o maraming atleta  sa lahat ng dako? Yun nga lang na maglaro ang isa sa isang liga sa kalapit na lugar na kapag nagustuhan niya  ang kilos o kahit pa ang pamamaraan ng kaniyang pakikitungo sa iba at sa kanyang mga kasama sa sports ay  nakakapagbigay ng inspirasyon sa mas nakakarami? 

Oo, isip isipin na lamang na sa lahat ng pagkakataon, nakatuon ang mga mata ng marami sa lahat ng pagkilos  ng lahat ng atleta, mapalokal man yan o kahit pa ordinaryong ensayo pa yan. 

Lingid sa mga atleta na kadalasan ng hindi pinapansin ang mga nanonood sa kanila kapag oras ng laro o  ensayo, at lalung higit sa  totoong  labanan. 

Idagdag pa dyan ang kahit minsang pagkapanalo sa labanan.


At siyempre pa, mas lalung matutuon ang pansin ng nakakarami o kahit ang ilan kapag nagsisimulang   gumaganda ang pagkakilanlan sa mas nakakarami dahil sa mga pagkakapanalo nito.

Gayunman, marami ang hindi aamin na sila man din ay maituturing na taga-hanga ng ilang atleta, at  magsasawalang kibo na lamang kapag may pumailanlang na balita sa atleta sa paano mang paraan.

Halimbawa, kapag napapaharap sa iskandalo, o nagagamit ang kanilang pangalan sa awayan, o pagkakaron  pa ng relasyon sa mas kilalang personalidad. 


At kapag naman nagiging pangunahin na ang atleta sa sports, unti unti ng lumalabas ang mga taong noon pang  nagpakita ng “lihim na pag-hanga”, at saka pa lamang umaamin na taga-hanga sila nito. 

Sa aking palagay, natural lamang na pumipili tayo ng mga atletang maaari nating gawing inspirasyon sa buhay. 

Ang iba pa nga ay nagiging masunurin sa mga kung ano ang nakakagawiang gawin at gamitin ng atleta na siya namang pilit na ginagaya at hinahanap. At kung hindi magaya, gagawa ito ng paraan sa sariling sikap para  lamang maihantulad nito ang sarili sa atletang hinahangaan. Sa mas nakakaraming kabataan, ang mas lalung tinitingnan nila ay ang paraan ng pagkilos sa oras ng sports nito. Ginagaya nila ang paraan na paglundag, pagtakbo, pagpasa, o kahit pa ang paghawak ng kagamitan sa sports.

At kadalasan ng nagiging ehemplo nila ang atletang ito para sa kanilang pagsulong sa sports. Matamang   pinag aaralan nito ang kilos at paraan ng pagdedesisyon at kung mamarapatin ay gayung  gayun  ang gagawin  nito sa pagkataon na sila man ay makaharap sa gayung sitwasyon, tulad sa Chess na laro. 


Ang lahat ng mga taong palihim na humahanga ay maaari ding kumukuha ng paraan para itoy magamit sa  pansariling kapakanan. Binubulay bulay nito at pilit na pinagaaralan kung bakit ganun o ganito ang  pamamaraan ng isang atleta, tulad na lamang sa Basketball, ang paraan ng pag-dribble, pag-shoot, o ang  paraan ng pag-pasa ng bola sa kasama. 

Lalung higit sa stratehiya na makikitang isinusulat ng mga “coach” sa maliit na “board” na may magnet,  habang pinapaliwang kung saan at paano nito mailalapit ang bola sa mabilis at mataktikang pamamaraan. Tunay na marami ang humahanga sa mga atleta kahit pa itoy palihim o lantarang pinapaburan nito ang  manlalaro.

At  sa  paanong paraan, maituturing na nag-aaral ng malalim ang mga taong “palihim na humahanga” sa mga istratehiyang gamit ng mga manlalaro na siya namang gamitin sa hinaharap para malabanan nito sa hinaharap  ang kaparehong sitwasyon na maaari nitong kaharapin. 

Ang mga taong palihim na nagmamatyag ay mas lalung maingat at mapagbantay sa mga pagkilos na maaaring  makapagbukas ng kakaibang angulo na siya namang magagamit upang hanapin kung saan ito mahina at saan  ito magaling, at gaano ito tatagal sa totoong laban.

Ikaw, maituturing mo rin bang palihim kang tagahanga ng ilan sa sports? Hanggang sa muli!

page 10 - By: EMAN CAYABYAB│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012   




No comments:

Post a Comment