BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

LAUNCHING NG NSJ DAILY BALITA

LIGALIGIN NATIN

MATAGUMPAY na naidaos ang launching ng North South Journal Daily Balita na ginanap sa Pavillion Hall  ng La Isla Bonita De Salinas sa Rosario, Cavite. Pinangunahan ni Bishop Erickson I. Santos, D. D. Eastern  Catholic Church ang invocation na ang mensahe ay nagbigay ng inspirasyon sa mga kapatid sa industriya.  Ang tagumpay ng launching ng NSJ Daily Balita ay hindi magkaka-roon ng katuparan kung hindi sa suporta na ipinagkaloob ni Rosario, Cavite Municipal Mayor Atty. Jose “Nonong” Ricafrente, Jr. Malaking bagay  ang pagsulpot ng La Isla Bonita De Salinas na ngayon ay paboritong pasyalan  ng mga taga Cavite at taga  ibang lugar.

Naging panauhing pandangal sa naturang okasyon ang adviser at legal consultant ng Camp Gen. Pantaleon  Garcia Press Club, Inc. (CGPGPC, INC.) na ngayon ay tumatayo ding legal counsel ng NSJ Daily Balita na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio.


Nakiisa din ang mga kapatid sa industriya mula sa Metro Manila, CALABARZON, Bataan, Zambales at  Ilocos Region na magsisilbing galamay para maipa-abot ang sariwang impormasyon at kaganapang  nangyayari sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng panulat. 

Ang makisig na patnugot ng NSJ Daily Balita na si Florendo “Ka Indo” T. Cacactin ay nagbigay ng simpleng  mensahe para sa ikagaganda at ipagtatagumpay ng nasabing peryodiko. 

Maraming balakid at problema na masasagupa sa pag-uumpisa ng isang national daily tabloid. Pangkaraniwan na ang puna at puri mula sa mga mambabasa at kapatid sa industriya.

Salamat sa suporta ni pareng Ardie Aviles at mga opisyales ng newspapers & magazines dealer’s association  na nagbigay ng komento kung paano lalong tatangkilikin ng masa ang isang bagong silang na pahayagan. Ang  mga pinag-isang haka-haka at kuro-kuro ng staff at correspondents ng NSJ Daily Balita ay malaking ambag  upang ang maiden issue ng diyaryo ay lalo pang maiayos at mapaganda. May nagsabi na maliit daw ang akin.

Alin ang maliit? Ang letra ba o haba ng kolum? Cute ba ang porma ng diyaryo dahil maliit ang sukat? Analisa  naman ng iba, kailangan daw na hindi maluwag kaya dapat isagad. Alin ba ang isasagad? Ang espasyo ba ng   diyaryo na paglalagyan ng sariwang balita o ‘yung ano? Kapag malikot ang imahinasyon ng isang nakikinig ay  siguradong kikilitiin ang utak  ng kamunduhan na magpapataas ng kanyang libido…he he he..

Bago maghiwa-hiwalay, isang maigsing pagpupulong ang ginanap sa La Isla Bonita De Salinas. Pinangunahan  ni Editor-InChief Rey Morales ang pagpapa- alala at pagbibigay ng tamang diskarte na dapat gawin ng isang reporter base na rin sa kanyang karanasan. 

Alam ninyo mga kabayan, si kumrad Rey  ay  mahaba na ang tahid kung ang pag-uusapan ay industriya na  aming ginagalawan. ‘Ika nga, kung kayo ay papunta pa lamang, si kasamang Rey ay pabalik na.

Magtanong na kayo sa kanya at lahat ay kayang sagutin, huwag lamang ang tungkol sa babae. Wala kayong makukuhang impormasyon sa kanya dahil good boy ang mamang ito (solo flight kasi kung tumirada, parang  publisher ng NSJ at Operation Expose)..he he he... joke! Joke! Joke! 

Ikinasa niya ang pagtatalaga ng beat reporter at photojournalist sa mga local and national government  establishments pati na rin sa lugar ng CALABARZON, CAMANAVA, NCR at iba pang rehiyon na  maaabot ng sirkulasyon ng naturang pahayagan. 

Sa lahat ng sumuporta sa pagpapakilala  at muling susuporta sa pamamagitan ng pagtangkilik sa NSJ Daily  Balita na mabibili na ngayon sa bangketa, ang pagsaludo at pagpapasalamat ay ipinapaabot sa inyo ng buong  patnugutan ng  pahayagan na siguradong mamahalin ng masa.  

Habang tinitipa ang  kolum na ito ay biglang nagrehistro sa cellphone ng inyong lingkod ang isang mahalagang  anunsyo at mensahe mula kay Ms. Khei Sanchez, ang mabait, masipag, seksi at magandang PIO ng City of Bacoor… As we celebrate the National Disaster Consciousness Month this July, let us continue being responsible and disaster ready in the City of Bacoor. Hotlines to remember, in cases of emergency:


Philippine National Police – (046) 4176366, 0908-8862775 / 
Bureau of Fire Protection – (046) 4176060, 0923-3240154 /
Bacoor Public Safety Unit – 0922-3873824 / Bacoor
Disaster Risk Reduction and Management Office – (046) 4170727, 0918-9640042.

Patuloy po tayong magmalasakit tungo sa isang mas maunlad na Lungsod ng Bacoor. Maraming salamat po. Congrats kay Mr. Elmer Cosme…opening na pala ng kanyang EBC Mikhael Enterprises Via Express na  matatagpuan sa Molino Blvd. corner Nia Road, Bayanan, Bacooor, Cavite.

Malapit at halos katapatan lamang ito ng 678 Commercial Center. Ilan sa serbisyong ipagkakaloob ng Via  Express ay ang Ticketing (local & international), Bills of payment (Electricity, Telephone, Water, Cable & Broadband bills), Loading Station (Smart, Sun, Globe & Prepaid Game Cards) at Money Remittance  (Smart Money & G-Cash Remit). Abangan ang opening ng isa pang Via Express branch sa may Zapote Public Market. 

oOo
Kung may reaksyon, reklamo  o suhestiyon…text lamang po kayo sa 0906-5582848. Puwede rin kayong  magpadala ng mensahe sa e-mail address ng inyong lingkod sa junmaligalig@yahoo.com.ph.
Trabaho po lamang at walang personalan.


LAUNCHING NG NSJ DAILY BALITA
By: JUN MALIGALIG│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012  



No comments:

Post a Comment