BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

KUNDI MAN WANGWANG, BLINKERS NG PRESEDENTIAL CONVOY DAPAT GAMITIN

EDITORYAL

NOON ay naaalala pa natin ang salitang binitiwan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang  State of the Nation Address (SONA) sa pagbabawal ng "Wangwang" maliban  doon sa ambulansya at  bumbero.

Ipinatupad niya ito at tinupad niya ito. Kamakailan lamang,isang insidente ang nangyari sa convoy ng Pangulo  sa Commonwealth Avenue habang papunta ito sa La Mesa Dam,  Sa mga balita ay lumabas ang pagharang  ng pulis na si SPO2 Ricardo Pascua, bukod sa pagkakahantong ng usapin sa Police Station sanhi ng  insidente na hindi umano nito nakita ang presedential convoy, sibak sa pwesto ang pulis dahil sa  pagkakabulgar ng kanyang mga kaso. 

Tama ang paghihikayat nitong Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party list Representative Sherwin  Tugna na ikonsidera ang pag gamit ng blinker sa protocol convoy nito, upang huwag na muling maulit ang  nangyaring insidente.

Sa paliwanag nga ng kongresista, kung ayaw umano ng Pangulo na gumamit ng sirena sa convoy nito ay kahit  na blinkers ay dapat na itong gumamit. 

Dahil sa ganitong paraan umano ay malalaman ng publiko na dumaraan ang Presidente o sino mang VIP  at  maiiwasan ang kalituhan sa pagbibigay daan ng mga motorista.


Sa mga importanteng dadaluhang okasyon ng Pangulo ay napakahagalaga ang huwag itong maabala at dahil  nga sa nangyaring insidente ay balikan o i review ang pag gamit kundi man ng sirena o wangwang ay ang  blinkers ng kanyang convoy.


KUNDI MAN WANGWANG, BLINKERS NG PRESEDENTIAL CONVOY DAPAT GAMITIN
page 4│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012 

No comments:

Post a Comment