MGA minamahal kong tagabasa grabe ang panahon, maraming bayan ang nasira sino ang dapat sisihin, bakit walang alam ang publiko, bigla na lamang tayong sinorpresa ng malakas na ulan at walang ilaw na halos tumagal ng ilang araw. Akala ko moderno na ang system ng Pag-asa, bakit biglang nagkaroon ng color coding, alam ba ng tao ang ganitong sistema, dapat ba natin silang asahan.
Dapat proper ang pagtuturo sa mamamayan, paano ang walang masyadong pinagaralan, kawawa naman.
Tony Calixto ng Pasay City ay nagbibigay ng scholarship sa mga out of school youth at mga tambay sa Pasay City. Ang pagbibigay ng libreng education lalo na sa isang tao na nabago mo ang buhay tulad ng isang vendor, nagbobote at mga piyon at iba pa. Sila ang tinututukan nila, Calixto. Ang joint project ng E & J Training Center at Pasay City Hall ay nag-o offer ng training sa security guard at lady guard, pagkatapos ng training ay may libreng uniform at inaayos na din ang lisensiya, presto, pagdating ng graduation nandiyan na ang mga security agency na kumukuha na sa kanila, lalo na sa SM Malls. Pinasasalamatan natin si Congresswoman Emie Calixto at Mayor Tony Calixto at mag-asawang Emma Villa at Jerry Villa, may-ari ng E & J Training Center sa Crame, Quezon City, mabuhay kayo.
page 10 - By: BOBBIT BENITEZ│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
Looking for the Ultimate Dating Website? Join and find your perfect match.
ReplyDelete