BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Kasangga Vol. 10 Blg. 02

Mga Minanamahal kong kaibigan ngayon ay bibigyan ko ng pagbati ang ating  kaibigan na si Mr. Louie Binas  sa Grand  opening ng kanyang resto-bar sa Centennial Road, Kawit, Cavite nuong July 14, 2012 ng hapon  na dinumog ng maraming mga guest, live band Concert ng mga sikat na member ng banda sa Cavite at  Manila.   Mga magagandang seksing serbidora at mga professional na waiter sa kanyang Restaurant na  puede sa lahat, pang pamilya at pang tropa.  May Carwash siya na habang nagpapalinis ka ng kotse at maari  kang umupo sa kubo sa palibot. May mga KTV na rooms na aircon. Puedeng Magdaos ng meetings o  family affair sa aircondition rooms depende sa dami ng visitors mo.  Mga Tropa try natin ang Country Classic  Grill and Carwash sa Centennial Road, Epza-by pass,Magdalo, Kawit, Cavite.  Makikita natin sa larawan  ang inyong lingkod kasama si Boss Louie Binas sa Blessing ng Country Grill, makikita rin si Fr. Cedric ng  Holy Cross Parish, Noveleta, Cavite.


BULOK NA MARKETING STRATEGY

Mga kaibigan baka may lalapit sa inyo kung kayo ay nagkakarga ng gasolina na lalaki sasabihin o babae na  magara ang kasuotan na itim.  Sir libre ito tatama kayo ng vacation for 2. 

Itoy nagaganap lalo na sa may mga gasolinahan sa Centennial Road, Kawit, Cavite.  Tapos tatawag sa  telepono ninyo sasabihing tumama kayo ng Vacation  sa Boracay o sa Pangasinan na Resort o di kaya sa  Thailand at iba pa.  Iimbitahan kayo ng Lunch o Dinner sa Hotel o Restaurant kasama ang inyong asawa o  mister, naku bulok na sistema, sabi libre, nge! Me bayad pala at pipilitin kang mag- member sa Vacation  Club ng ubod ng laki ang bayad, mauubos ang oras mo at papaasahin ka. 

Wag ninyong pansinin ang racket na sistema ng grupong mga ulol na ito sumbong ito ng isang kaibigan na  taga Gen. Trias, Cavite na nauto nila. Ang promotion ng vacation club ng isang malaking resort sa  Pangasinan, sana puntahan kayo ni Mike Enriquez para malaman ng lahat ang sistema ninyo.


MS. ANGIE NG NBI CLERANCE, MAHUSAY
Ako po ay nang hihinayang ng mawala si Ms. Angie Barrientos sa NBI Clearance Section sa Cavite. 
Bihira sa NBI personnel ang sobrang mahusay mag-assist at matulungin sa tao.  Si Ms. Angie ay nalipat na  sa NBI Las Pinas sa may Municipality of Las Pinas, Metro Manila Compound.  Kaya madaming nakuha ng  NBI dito ay nanduon si Ms. Angie, Maganda na at matulungin pa sa Tao.  Ipag-patuloy mo lang yan  kasipagan mo sa job mo. Mabuhay ka, hindi lugi sa iyo ang Gobyerno.


KUNG MAYROON KAYONG

NAIS  IDULOG  SA INYONG
LINGKOD AY MAGTEX LANG O TUMAWAG SA TEL. NO. 0999-3689386.



KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012  

No comments:

Post a Comment