BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Kailangan ng Tamang Pag-iingat, Para Makaiwas sa Sakit sa Balat


CAVITE HEALTH WATCH
NARINIG na natin sa ibang tao at maging sa radyo at telebisyon ang mga gamot na panlaban sa alipunga,  buni, an-an at had had.

Ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan ang nalilito sa pagkakaiba nito sa ibang sakit sa balat.

Ang mga sakit sa balat tulad ng buni, an-an, hadhad, at alipunga ay dahil sa mga fungal infections.

Ang tawag na medikal dito ay “tinea infections”. Puwedeng kumalat ang fungal infections sa balat ng katawan  (tawag dito ay  buni), sa mukha (an-an), sa kuko, sa ulo, sa singit (hadhad o Jock’s itch), at sa paa  (alipunga). Parepareho lang ang gamutan ng mga ito.

Buni o Ringworm infection. Ang buni ay madalas makita sa katawan, mukha at mga braso at binti ng tao.  Ito’y parang may patsi-patsi sa balat, mapula-pula at may mga parang kaliskis (scales) na nagbabalat. Hindi  rin regular ang mga paligid nitong infections, parang tabingi na kumakalat. Medyo makati ang mga ito dahil  fungus ang sanhi nito.

Alipunga o Athlete’s foot. Ang alipunga ay nakikita sa mga daliri ng paa. Kapag madalas mapawisan ang paa  dahil nakamedyas at sapatos, puwede magka-alipunga. Ang mga sundalo, security guard at drivers ay  madalas magka-alipunga.

Ang alipunga ay galing sa fungus na Tinea pedis. Ito’y kuma-kalat sa pagitan ng mga daliri ng paa. Dahil dito,  nagkakasugat at nangangati ito.

Namamasa  at nangangamoy din ang paa ng may Athlete’s foot. Dapat panatilihing tuyo at malinis ang ating  paa. Kung puwede ay magtsinelas o mag-sandals na lang para mahanginan ang paa. Huwag nang mag- medyas. May tulong din ang mga foot powders para dito. 

Hadhad o Jock itch. Ang fungal infection na ito ay madalas makita sa mga atleta, tulad ng mga basketball  player, football player at runners. Sa kanilang pag-e-exercise, laging mainit at pawis ang kanilang mga singit,  lalo na kung masikip ang kasuotan.

Mapula at mamasa-masa ang hitsura ng singit ng may Jock itch. makati ito at maaaring magkasugat din.  Kapag summer, marami ang nagkakajock itch. Dapat ay mahanginan at tuyo palagi ang singit. Huwag magsuot ng masisikip na briefs, maong at pantalon. 

Mag-boxer shorts na lang o kapag nasa bahay ay huwag nang mag-briefs. Ang medical na tawag sa hadhad  ay Tinea cruris. Ang sanhi ng hadhad ay iba’t ibang uri ng fungi na nagkakaroon ng pagkakataon na magdulot  ng hadhad kung mabanas at basa ang singit.

Dahil dito, ang mga taong  madalas magkaroon  ng hadhad ay ang mga kabataang madalas mag-sports (kaya  nga “jock itch” ang tawag sa Ingles). Kung pawisan o mabasa ang shorts o brief at hindi kaagad  mapaltan, maaaring magdulot ng hadhad ang mga fungus.

Ang mga sintomas ng hadhad o jock itch ay ang mga sumusunod: pangangati sa singit; mahadi sa singit,  pamumula o pangingitim ng singit, pagtuklap ng balat sa singit, at pagkakaroon ng pantal-pantal o butlig- butlig. 

Kung mapabayaan, maaaring lumaki ang bahagi ng singit na apektado ng hadhad, at maaaring kulamat sa  hita. Kapansin-pansin ang pagitan ng apektadong bahagi sa ‘di-apektadong bahagi, dahil sa pamumula o  pangingitim ng apektadong bahagi. 

Paano ito gagamutin? Dahil ang sanhi ng mga sakit na ito ay fungus, ang mga antifungal cream gaya ng  Ketaconazole o Terbinafine ay epektibo dito. Ang mga cream na ito ay ipinapahid sa apektadong bahagi sa  loob ng lima hangang sampung araw.

Dahil ang mga ito ay lumalaganap sa mabanas at basang bahagi ng katawan, iwasan ang mga sitwasyong ito. 

Panatilihing malinis, tuyo at maaliwalas ang singit at iba pang parte ng katawan sa pamamagitan ng paliligo  araw-araw (at pagkatapos ng trabaho), madalas na pagpapalit ng damit at pagsusuot ng maluwag na damit  (maaaring mag-boxer shorts muna kaysa brief, para sa mga kalalakihan). 

Makakaiwas sa mga sakit na ito kung pananatilihing malinis ang katawan at malinis, tuyo, at maaliwalas ang  kasuotan. Iwasan din ang paggamit ng tuwalya ng ibang tao. 

Huwag magsuot ng masyadong mahigpit na damit para makasingaw ang init sa katawan. Sa wastong gamutan gamit ang antifungal cream, ilang araw lamang ay makakakita na ng pagbabago, at maguumpisa ng  mawala ang mga fungal infections sa balat.

Maaaring abutin ng isa hanggang dalawang linggo bago tuluyang mawala ang mga ito. Kung ito’y hindi pa rin  gumagaling sa kabila nang pag-gamit ng cream, magpakonsulta sa dermatologist o sinumang doktor upang  mabigyan ng karagdagang gamot o iba pang solusyon sa iyong karamdaman.

Babala. Nakakahawa ito, kaya mag-ingat!
Kailangan ng Tamang Pag-iingat, Para Makaiwas sa Sakit sa Balat
page 05 - By: EDWIN POBLETE M.D.│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012  

No comments:

Post a Comment