BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Juan Cailles y Campana 1871-1951 Guro at Heneral ng Rebolusyon

Si Juan Cailles ay hindi isang Caviteño ngunit malaki ang naibahagi niya sa bayan ng Cavite.
Siya ay ipinanganak sa Nasugbu, Batangas noong ika-19 ng Nobyembre taong 1871. Siya ay anak nina  Hipolito Cailles, isang Prances at Maria Campana isang British Indian. 
Si Juan ay unang nakapagaral sa kolehiyo ni Sr. Ovidio Caballero sa Tuy, Batangas. At sa gulang na 14 siya  ay nagpatuloy ng pag-aaral at nakapagtapos sa Escuela Normal ng mga paring Hesuita sa Maynila. Siya ay  nakapagturo sa Amaya, Tanza at sa bayan ng Rosario, Cavite.
Limang taon pa lang siyang nakakapagturo ng pumutok ang rebolusyong 1896. Siya ay sumama sa  pakikipaglaban sa Cavite. Siya ay kilala bilang Maestro Cailles. Dahil sa kanyang matikas na pakikipaglaban  siya ay tinaasan ng ranggo hanggang maging Brigedyer Heneral. Naging komander siya ng Batalyon Trias at  ng Regimiento Noriel at naging bahagi rin ng madugong sagupaan laban sa mga kastila sa Cavite. Lalo na sa  mga engkwentro kung saan sina Hen. Candido Tirona, Hen. Edilberto Evangelista at Crispulo Aguinaldo ay  napatay.
Naging tanyag si Juan sa labanan sa Mabitac, Laguna sa panahon ng labanang PilipinoAmerikano noong 17  ng Setyembre taong 1900. Nahirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang Gobernador Militar ng Laguna at  kalahati ng lalawigan ng Tayabas (ngayo’y Quezon).
Si Juan Cailles ay sumuko sa mga Amerikano nong 20 ng Hunyo 1901. Mula 1901 hanggang 1910 siya ay  hinirang bilang gobernador ng Laguna at kinilala dahil sa kanyang mga gawa sa kapayapaan, maibsan ng mga  kriminal ang probinsiya at pagpapagawa ng mga daan. 
At muli mula 1916 hanggang 1925 ay naging gobernador siya. Siya ay itinalaga ni Gobernador Heneral  Wood bilang representante at itinalaga muli ni Gobernador Stimson noong 1928.
Si Juan ay nanalo bilang Gobernador noong 1931 at nanalong muli noong 1934. Sa gustong pagbalik ni Juan  sa larangan ng pulitika noong 1938 siya ay natalo ni Arsenio Bonifacio at noong 1940 ay natalo siya ni Jesus  Bautista. 
Si Juan Cailles ay namatay sa sakit sa puso noong ika- 28 ng Hunyo taong 1951.
KASAYSAYAN
By: WILLY B. PAÑGILINAN │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012 





No comments:

Post a Comment