BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

FIELD TRIP NAGING BAD TRIP...

HOTSHOTS 
reynaldosr.morales53@yahoo.com │09162335544
MAGANDANG araw mga igan,  Nitong nakalipas na Agosto 29 ng magkaroon ang SPED ng Educational  Field trip, kasama sa field trip na ito ang mga magulang mga teachers ng SPED ng Ladislao Diwa Elementary  School (LDES) Julian Felipe Elementary School (JFES) at Manuel Rojas Elementary School at imbitado   ang mga personnel ng Dep’Ed District Office sa lungsod ng Cavite.

Matapos ang field trip ay may mga mga magulang na nag react  at nag  sentimyento na ipinarating sa atin  upang mabatid ng mga ito ang kanilang naging sama ng loob.

Nais muna nating ipabatid sa kinauukulan na wala po tayong personal na galit o hinanakit sa kinauukulan,  wika nga trabaho lamang at walang personalan. At sa huli ng ilalahad natin ay mag iiwan po tayo ng  katanungan kung nais nilang ipahatid din sa atin ang kanilang kasagutan.

Narito po ang nilalaman ng kanilang sentimyento.

Dear Mr. Morales,
Nais po lamang namin na idulog sa inyo ang aming sama ng loob  sa katatapos na SPED Educational Field  Trip just imagine naman ho, almost 2 hours na pinaghintay ang mga bata, parents at teachers - bus na  ordinary na ang sinakyan samantalang ang Dep’Ed personnel nakasakay na sa van nanood pa ng 3D movies  sa Manila Ocean Park, nagpunta pa sa Antartica.
Di man lang naisip  na pang Sped ang field trip nay un samantalang sila ang nag enjoy, Ang mga parents ang nagbayad para makasama sila.
Samantalang ang mga DO personnel  puro libre na nga  may mga sabit pang bitbit, Ang Manila Zoo at   Luneta hindi ho natupad ang ipinalit MOA.
Nag iiyakan na ang mga bata, sa kahihintay sa kanila.  At may mga parents na tulad namin na sa awa sa mga  anak nag taxi na lang at binirahan ng uwi.
Ang tanong po namin kung para ho ba   kanino  ang field trip, kasi ang mga supervisors at principals ang nag  enjoy ng Sped fund?
Salamat po kung mabibigyan po ninyo ito ng espasyo sa inyong pahayagan.
Mga magulang.

Wala po tayong pinutol sa nilalaman ng  kanilang sentimyentong ipinadala sa  atin Kayo na po ang bahalang  sumagot sa kanilang katanungan.

Kung ako po kasi ang tatanungin kaya may educational filed trip para sa karagdagang kaalaman ng mga   mag aaral , ikalawa base sa kautusan ng Dep E’d ang field trip ay isinasagawa sa mga lugar na may  makukuhang dagdag kalaman na konektado sa kanilang pag aaral.

Huwag naman po na  ikagagalit ng kinauukulan, Ano po ba ang makukuha ng mga mag aaral lalo na yung nasa Sped sa Mall of Asia? o MOA di tulad Luneta na may historical background at Manila Zoo na  kinaroroonan ng mga di pamilyar pang hayop sa mga batang mag aaaral na sa mga larawan lamang  at sa  libro nila natututunghayan.

Bukas po ang ating pahina para sa inyong kasagutan at makaaasa po kayo na ilalahad naming ang inyong  panig sa patas na pamamahayag.

FIELD TRIP NAGING BAD TRIP...
page 04 - By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 SETYEMBRE 9-15, 2012

5 comments:

  1. Did you consider exchanging with the best Bitcoin exchange company: YoBit.

    ReplyDelete
  2. YoBit lets you to claim FREE CRYPTO-COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha once and claim as much as coins you need from the available offers.

    After you make about 20-30 claims, you complete the captcha and continue claiming.

    You can press CLAIM as many times as 30 times per one captcha.

    The coins will safe in your account, and you can exchange them to Bitcoins or any other currency you want.

    ReplyDelete
  3. If you are trying to BUY bitcoins online, PAXFUL is the best source for bitcoins as it allows buying bitcoins by 100's of different payment methods, such as MoneyGram, Western Union, PayPal, Visa, MasterCard, American Express and even exchanging your gift cards for bitcoins.

    ReplyDelete
  4. Over at Moon Bitcoin you can get FREE bitcoins. 290 satoshis every 50 mins.

    ReplyDelete
  5. Are you tired of looking for bitcoin faucets?
    Triple your claimed satoshis with this amazing BTC FAUCET ROTATOR.

    ReplyDelete