BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

DALAGANG WANTED SA KASONG THEFT NASAKOTE

CAVITE CITY–– Rehas na bakal ang hinatungan ng isang dalaga, na wanted sa kasong theft,  makaraang maaresto sa Cavite City Public Market nitong nakalipas na Hulyo 13 bandang alas 2:00 ng hapon.

Armado ng warrant of arrest, sa direktang supebisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya nasakote nina PO1 Edgie Portacio ng Warrant section at PO1 Ryjan de Guzman ng Intelligence section, ang  isang Faithlyn Ibañez, walang trabaho residente ng 708 Kalayaan street, San Antonio ng nabanggit na  lunsod.

Inaresto ang suspek sa ilalim ng Criminal Case number 174-10 na may petsang Hunyo 15,2012, na inisyu at  nilagdaan ni Hon. Judge Louis P. Acosta RTC Branch 17 Cavite City sa kasong theft na walang kaukulang  piyansa. 
DALAGANG WANTED SA KASONG THEFT NASAKOTE
By: REY MORALES/ REYNANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012   

No comments:

Post a Comment