BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Brillante Mendoza Film Festival idinaos sa SM City Dasmarinas


DALAWANG araw na nagpalabas ang SM City Dasmarinas ng mga pelikulang umani ng maraming parangal mula sa iba’t-ibang bansa. Mga pelikulang binigyang buhay ni Brillante Mendoza isang award  winning director na tinanghal na “Best Director” noong 2009 sa Canned Films. Sa pamamagitan ng SM City Dasmarinas nagpalabas sila ng mga libreng pelikula katulad ng “Lola”, ito ay nanalong Best Film sa 8th Rome  Asian Film Festival noong 2010 at humakot ng maraming award mula sa iba’t-ibang bansa. Pinalabas din ang  “Manoro” kung saan nanalo ito ng CinemAvvenir Award sa Torino International Film Festival noong 2006 at  naparangalang Best Director si Brillante Mendoza sa Cinemanila International Film Festival noong 2006.

Ang pelikulang “Kaleldo” naman ay nanalo sa Netpac Award sa Jeonju Film Festival taong 2007, at  nanalong Best Actress si Cherry Pie Picache sa International Film Festival taong 2006. Ang pelikulang  “Foster Child” ay nanalong Best Film sa Durban International Film Festival taong 2008 at humakot ng  maraming award mula sa iba’t-ibang bansa at ang gumanap na si Cherry Pie Picache ay naging Best Actress  sa New  Delhi Films Festival taong 2007. Ang mga nabaggit kong mga pelikula ay iilan lamang sa mga  pelikulang ginawa ng magaling at kilalang Director na si Brillante Mendoza. Dalawang araw na nilabas ang  kanyang pelikula at makikitang siya ay masaya at accomodating sa mga estudyante at Press na nagtanong sa  kanya pagkatapos ng palabas ng pelikula at sa ginanap na Presscon.

Isang karangalan para sa akin na makilala ng personal ang isang magaling at napaka humble na Director  Brillante Mendoza. Lubos din ang aking paghanga sa mtihiin ng SM na mailapit sa mga tao lalo na sa mga  manonood ng pelikula na makilala at maunawaan ang mga pelikulang gawang Pinoy, de kalidad at dapat na  tangkilikin. Mga pelikulang nagsasalamin sa mga totoong kaganapan na nangyayari sa araw-araw na  pamumuhay ng mga Pilipino. Isang makatotohanang pelikula. Nakakalungkot lamang na hindi ito masyadong  napapansin ng mga Pinoy. Ngunit sa pamamagitan ng SM City malaking bagay ang pagkaroon ng isang  Brillante Mendoza Film Festival. 

Sa darating na September 5, 2012. Abangan ninyo ang isang napakalaking pelikula ng taon. Isang Brillante Mendoza film na dapat nating aabangan. Ang Captive ay kuwento ng mga na kidnap na foreigner sa ating  bansa kung saan marami ang involve. Kabilang ang mga militar, sa gobyerno at marami pang iba.  Isang pelikula na dapat nating panoorin at ipagmamalaki na ito ay awang Pinoy! Trailer pa lang na pakaganda na. Huwag kalimutan ang Captive sa September 5, 2012 directed by Brillante Mendoza.
Brillante Mendoza Film Festival idinaos sa SM City Dasmarinas
By: MARITES LEONILLO│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012  

No comments:

Post a Comment