BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BOMBA NALAMBAT NG MANGINGISDA


BACOOR CITY------ Isang pampasabog na bomba na panahon pa ng Hapon ang nalambat ng isang  mangingisda habang nanghuhuli ito ng isdang paninda na may posibilidad na sumabog kung ito ay gagalawin  sa karagatan ng Barangay Maliksi Bacoor City ng lalawigang ito.

Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director P/Sr. Supt John Bulalacao kinilala ang  nakalambat sa bomba na si Jackson Navarro, 36 taong gulang, may asawa, mangingisda at residente ng  Sittio Wawa 2, Barangay Zapote 5 ng nasabing lunsod. 

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Romar Sinnung, may hawak ng kaso dakong alas 2:30 ng hapon habang  nanghihili ng isdang paninda si Navarro ng malambat nito ang isang mabigat na bakal na pahaba na isang  Unexploded Explosive Ordinance (UXO).

Agad na nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis Bacoor at dito nakumpirmang isang Japanese Type 94  Substitute Bomb na may habang 30 inches at halos tumitimbang ng 20 kilo na pinaniniwalaang ginamit ito  noon pang panahon World War sa bansa.

Ang nasabing UXO ay nasa pangangalaga na ngayon ng Cavite SWAT upang madispose ito ng ayos.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete