BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BANTA NG HIV AT AIDS


ANG Pilipinas ay isa sa pitong bansa sa buong mundo kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng mga  kaso ng taong may HIV.

Ang katotohanang ito ay lalo pang pinalala ng katotohanan na ang pangunahing naaapektuhan ay nasa edad na 25-45. Ito ay ang edad kung saan nabibilang ang mga Pilipinong produktibo at inaasahan ng bayan at  pamilya upang kumita.


Nakalulungkot ding isipin na patuloy na dumadami ang bilang ng mga kabataang tinatamaan ng sakit na ito. 
Tinatayang halos 30% ng mga naitalang HIV sa ating bansa ay nasa edad 15 hanggang 24. 

Silang pag-asa ng bayan, di natitiyak ang kahihinatnan kung ang suliranin sa HIV at AIDS ay hindi  pagtutuunan. 

Bakit nga ba patuloy na tumataas ang bilang ng mga kabataang may HIV?
Ayon sa “Young adult fertility survey” ang edad ng unang pakikipagtalik ng mga kabataang Pilipino at patuloy na pabata ng pabata.


Sa mga kalalakihan ang unang pakikipagtalik ay kalimitang nasa edad 14 at sa mga babae naman ay edad  17.

Dagdag pa dito ang patuloy na pagiging malaya ng mga kabataan sa walang limitasyong impormasyon ng  internet.

Ito ay pinatunayan ng isang survey na nagsasabing ang pangunahing paraan upang makilala ang kanilang mga  katalik ay sa mga “social networking” tulad ng facebook at twitter. 

Ayon din sa mga kabataang may HIV, inakala nilang sila ay hindi tatablan ng sakit na ito sa kadahilanang sila  ay bata, malakas at nasa rurok ng kanilang kalusugan. 

Ang  “omnipotent complex” na ito ng mga kabataan ay naglalagay sa kanila sa matinding panganib mula sa  isang sakit na walang lunas.


Sinu-sino nga ba ang higit na nanganganib na magkaroon ng HIV infection? Ayon sa Philippine National AIDS Council, may tatlong pag-uugali o sexual practices na high risk.

Ito ay ang sumusunod: 
Male having sex with male or MSM,
commercial sex workers at
injecting drug users.


Ayon sa mga pagaaral, ang anal sex ay 10 beses na higit na mapanganib na nakahawa ng HIV at iba pang  sexually transmitted infections kaysa sa vaginal sex. Ito ay sa kadahilanang ang puwit o “anus” ay higit na  masikip kaysa sa pwerta ng isang babae. Ito din ay hindi nagkakatas at dumudulas sa panahon ng sexual arousal kaya ito ay madaling magasgas o masugatan na syang dahilan ng pagkahawa sa impeksyon.

Ayon sa datos ng National Epidemiology Center 80% ng nakatalang HIV sa Pilipinas at mga lalakeng  homosexual o bisexual. Taliwas ito sa unang mga naitalang kaso kung saan mga babaeng sex workers ang  higit na apektado. 

Ang itinuturong dahilan ng pagkahawa ay ang hindi paggamit ng condom tuwing nakikipagtalik. Paano nga ba  nakukuha ang HIV? May apat na likido sa katawan ng tao na nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng  virus: dugo, semen o tamod, vaginal fluid o katas ng babae at gatas ng ina. 

Hindi nakahahawa ang pakikipaghalikan sa taong may HIV sapagkat hindi nakakahawa ang laway, pawis,  ihi, dumi o luha. Ilan pa sa mg nararapat malaman ukol sa HIV ang mga sumusunod: 
Ø Ang HIV ay hindi nakukuha sa kagat ng lamok.
Ø Hindi malalaman sa hitsura lamang kung isang tao ay may sakit na HIV.
Ø Hindi makukuha ang HIV sa paggamit ng public toilet o pagligo sa swimming pool.

Ø Ang pagsasalo ng kubyertos at pagkain ay hindi maaring makahawa ng HIV.
Ø May libreng HIV testing sa Cavite City Social Hygiene Clinic at sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) sa Trece Martires City.
Ø Ang HIV testing ay “strictly confidential” at may kaakibat na pre at post-testing counseling. 
Ø Ang isang HIV positive na tao ay maaaring mamuhay at makapagtrabaho ng normal sa tulong ng mga  “anti-retroviral drugs” na libre mula sa mga treatment hubs.
Ø Mayroong batas na nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng taong HIV at AIDS. 

Tandaan na ating responsibilidad ang ating sariling kalusugan. Huwag hayaang nakawin ng HIV ang ating  dangal at kalayaan. 

Hanggang sa muli!
page 5 - By: EDWIN POBLETE M.D. │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012 





1 comment:

  1. Libre parin po ba hanngang ngayon yung free HIV test sa general Emilio Aguinaldo hospital??

    ReplyDelete