BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

ANG KAGALINGAN NG MAYROONG CCTV

HOTSHOTS

HINDI siguro mahihirapan ang ating Pambansang Kapulisan o ang Philippine National Police (PNP) sa  pagresolba ng mga krimen partikular sa mga nagaganap sa mga pangunahing lansangan, maging ang ilang  mga ahensya ng gobyerno sa  pagresolba ng mga aksidente sa daan sa mga paglabag sa batas trapiko. At hindi rin mahihirapan na maresolba ang mga krimen sa mga establisimyento kung mayroong naka install na   Closed Circuit Television (CCTV).

Tulad kasi sa mga modernong  bansa madaling ma monitor ang ano mang aksidente, at paglutas ng mga  krimen sa pamamagitan ng CCTV na nakunan nito.


Kung  walang CCTV baka patuloy na blangko ang mga opisyales at kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno  sa katiwaliang nagaganap  na sakop ng kanilang ahensya. 

Tulad na lamang ng pagkakabulgar ng matagal ng katiwaliang nagaganap diyan sa Pasay City Post Office sa  operasyon ng isang “Buriki gang” Kung  walang CCTV hindi mahuhuli sa akto  ang isang janitor na  nagbubukas ng isang “package” sa loob ng nasabing  tanggapan. 

Hulyo 18, naaresto ang isang  Rolando Magundayao, 28, residente ng Binondo,  Maynila makaraang makita sa “closed circuit television (CCTV) camera footage” na palihim na inihalo sa dala niyang mga basura ang  isang pakete at saka binuksan.  Naglalaman ang naturang pakete ng mga imported na tsokolate, tatlong tig-10,000 yen at isang 1,000 yen. Inaresto ito ng mga security personnel ng Post Office sa pangunguna ni Postal Inspector Albert Dimabuyo habang nasa aktong isinisilid sa isang sako ang kanyang mga nakulimbat.

Sa totoo lang, hindi lamang isa o dalawang insidenteng tulad nito ang nangyayari marami ng reklamo base sa  tala ng  pulisya,  sa nawa-walang mga padala sa Pasay Post Office na kanilang inalerto. Dahil dito, palihim na  naglagay ng mga CCTV cameras ang security personnel ng Post Office kung saan naaktuhan si Magundayao  sa ilegal na gawain. 

Sinasabing,inamin ni Magundayao ang iligal na gawain kung saan isang janitor at dalawang kaswal na empleyado ang kasabwat niya rito. May apat na taon nang naninilbihan bilang janitor ang suspek ngunit  nitong buwan ng Abril lamang umano siya sumali sa ilegal na aktibidades. 

Oww!!! nagpalusot pa at bago lamang sumali sa illegal activities  kasi nga nabuking na. Well Qualified theft ang haharaping kaso nitong si Magundayao at tiyak rehas na bakal din ang haharapin ng mga kakutsaba nito.

Kung maari nga lamang dahil sa medyo may kamahalan ang CCTV lahat ng mga ahensya maging mga subdibisyon at establisimyento ay magkaroon nito ng mabuking ang mga katiwalian, mga dorobo at maagang  maka resolba ng mga nagaganap na krimen...

ANG KAGALINGAN NG MAYROONG CCTV
page 4 - By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012 

No comments:

Post a Comment