MORAL RECOVERY PROGRAM
ISANG Guro sa kalusugan ang nagturo sa bata ng kahalagahan ng paghuhugas ng kamay bago kumaing ipinakaskas ang dumikit na labi ng pagkain sa kanilang daliri at ang nakaskas ay hinayaan ilang araw sa isang lugar na pagbabahayan ng mikrobyo.
Pagkatapos ipinasilip sa mga bata sa maykroskopio. Nakita nila sa labing sinilid ang maraming maliliit, gagalaw-galaw na mikrobio na kung nakain nila ay ipagkakasakit nila.
Maraming mga tao ang napakaingat sa kalinisan ng kamay bago kumain, ngunit kaunti ang pag-iingat sa isang mas malubhang sakit. Kailangan pakinggan nila ang payo ni Isaias sa Biblia (Isaias 1:16) Ipinakita niya sa mga tao ng Dios ang mga ebidensiya ng kanilang kasamaan. Sinabi ang pagkabuwag ng kanilang lipunan na narumihan ng espiritwal at moralidad na polusyon.
Naging sakim sila at isinang-tabi ang hustisya at ang kahabagan. Mahal nila ang mga material na bagay kaysa kapwa tao. Di ipagtataka kung bakit sinabihan sila ni Isaias “Maghugas kayo at maglinis ng sarili” (Isais 1:16).
Sa likod ng sinabi ni Isaias ay ang dakilang pag-ibig ng Dios Ama. Dahil alam niya ang masamang bunga ng kasalanan sa pisikal at espiritwal na buhay ng tao, sumasamo siya mag-ingat tayo sa ipinapasok natin sa puso at isip tulad ng pag-iingat natin sa ipinapasok natin sa ating bunganga.
ALAMIN ANG KINAKAIN MO
By: REV. E. ALVAREZ│Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012
No comments:
Post a Comment